We already made up and i explained everything that happend. Which means yes, alam na niya na hinahangaan ko siya. It was a good thing that he understood me. I'm so grateful that i'm surrounded by understanding people, gosh!
"Anong iniisip mo diyan? Kumain ka na, baka madakdakan pa ako ni Chesca kung hindi ka kumain. Tsaka huwag mo nang isipin yung nakaraan kasi you're not going backwards you're going forward, okay?"
"Okay.." Nawawalan talaga ako ng ganang kumain, parang hindi even yung feeling ko, nag sorry na naman ako kay Jisung, nag explain na rin ako kay Cian, goods na naman kami ni Chesca. Anong meron?! Kailangan ko ba mag sorry kay Seungmin? Ano naman ang kinalaman noon dito? Bakit pumasok siya sa isip ko?
"Bobo naman." Bulong ko sa sarili ko.
"Ng ano?"
"Yung babae ang bobo, alam naman niya na haunted yung bahay papasok pa siya sa loob." Sana okay yung palusot ko kahit para sa'kin talaga 'yon.
"What do you expect? Maging matalino yung bida?"
"Oo, para naman iba... hindi ka ba kakain?"
"Kumain na ako kanina. Ikaw! Alas nueve na tapos hindi ka manlang nag balak na kumain."
"Nag balak naman akong kumain ng hapunan pero bigla ka nalang kasi dumating, tapos maypaiyak pa akong nalalaman edi natural natagalan!"
"Ba't ka kasi iyak ng iyak? Nung pumunta ako dito last time umiiyak ka rin."
"Wala ka nang pakialam doon, okay?"
"Kailangan may pakialam ako. Okay gets!"
"Tsk! Ewan ko sayo. By the way umuwi kana, okay na akong mag-isa dito kaya mula ngayon Jisung.. pinapalaya na kita."
"Hala wag! Hindi ako mabubuhay ng wala ka.."
"Please lang Jisung, hindi ko na kaya. Friend nalang tayo okay?"
Gaya ng sabi ko swak talaga kami ng personality para sa'kin dahil nag fake cry pa siya para lang masabayan yung sinabi ko.
"B-bakit? Ak-akala ko ba okay tayo?"
"Jisung ano ba! Akala mo lang 'yon.."
...
"Oh ba't hindi kana sumagot?"
"Wala na akong maisip na dialogue hahahahaha!"
"Ano ba naman yan Jisung! Di ko na rin alam sasabihin ko."
"Kumain ka na nga!" Wow, natakot ako sa sinabi niya grabe huhu.
"Umuwi ka na kaya? May pasok pa bukas."
"Sabi ni Chesca bantayan raw kita kumain."
"Pasabi rin kay Chesca hindi ako aso."
"Sa tingin mo may paki ako?"
"Wala."
"Eat na para may treat ka mamaya." Mukhang natawa pa siya, hindi siya nakakatuwa, mukhang ginagawa niya talaga akong aso.
Dahil sa inis ko sa kaniya binilisan ko ang pagkain ko.
"Very good Jorence! Sayang dapat pala kinuhanan ko ng litrato para may evidence ako kay Chesca, sayang!"
Mas nainis lang ako sa mga biro niya kaya pumunta ako sa sala para umupo sa sofa, bahala na siyang magtapon nang pinagkainan ko, tutal aso naman ako bahala siya sa buhay niya!
"Ang bait naman ng aso ko, nakakatuwa picturan ko nga."
Hindi ko inakalang ilalabas niya talaga yung cellphone niya para picturan ako. Anong iniisip ng lalaking 'to ang lakas ng tama.
BINABASA MO ANG
Stations Of Life
FanfictionThis is a Dedicated story for my friend, this story may be offensive for some people so i recommend that you read it at your own risk. What to Remember when reading my story: - My stories are written in Taglish. (Tagalog and English) - Some jokes i...