34

53 1 0
                                    

From: Jisung

Alam mo naman na love kita!

From: Jisung

Cute mo 'pag nagagalit ka.

From: Jisung

Halika ka nga ihuhug kita, huwag ka nang magtatampo :(

Kung may jowa ka nga namang isip bata 'no! Paano, ang sabi ko sa kaniya huwag niyang pakialam ang niluto ko na cookies para kay Yunho dahil request niya 'yun pero eto na e! Naka kain na siya ng tatlo kaya ang natira na lang ay lima.

Tsaka hindi ko alam kung bakit pa ako tinetext ng lalaking 'to e nasa tabi ko lang naman siya. Okay lang naman sa 'kin na kumain siya noon pero tig-apat sana si Yunho tsaka si Tita pero wala naunahan na sila ni Jisung. Masamang ideya ata na dito ko pa siya napiling gawin.

"Kasya na naman sa kanila 'yung lima..." Dinig kong paliwanag niya.

"Tsaka puwede namang tig-dalawa sila tapos maghati na lang sila sa natirang isa, two and a half din 'yun!" Depensa niya naman ngayon.

"Hay, ewan ko sa 'yo."

Napaimik ulit siya at sinubukang kunin ang atensyon ko. Para makuha iyon ay pinipisil niya ang pisngi ko, sinusubukan akong kausapin, at nagbibiro. At a certain point ay nagpatalo na siya sa akin.

Tumayo siya sa pagkaupo at may sinabi sa'kin ulit. "Doon ka muna sa kuwarto, iinit ang paligid dito," Bigkas niyang seryoso, kaya naman ay sinunod ko na lang ang utos niya.

Ang akala ko'y susunod siya rito pero mag-iisang oras nang nasa labas lamang siya. Baka may ginagawa siya kaya hindi ko na lang pinansin. Makalipas ang ilang sandali ay napagod na ako sa kuwarto kaya lumabas ako rito para hanapin si Jisung. Kasalukuyan siyang nasa kusina.

Sumilip ako ng kaunti sa kusina at nakitang gumagawa siya ng panibagong cookies. Concentrate na concentrate siya sa paglagay ng melted chocolate rito, nakakunot na ang nuo. Napangiti na lang ako sa nakikita ko sapagkat iyon ang pambawi niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa counter para pagsilayan ito ng mas malapit. Sinulyapan niya ako at ngumisi ng makitang narito ako na nakatitig sa kaniya. Binalik niya rin agad ang atensyon sa ginagawa niya.

"Masarap ba 'yan? Buti hindi ka nahihirapan."

"Masarap 'yan! Ako gumawa e."

"Yabang mo ah! Tikman ko nga!" Kukuha na sana ako ng maliit na piraso ng cookie pero pinigilan niya ako.

"Mainit pa 'yan, Mahal. Maghintay ka muna ng ilang minuto," Marahang saway niya sa 'kin.

Mahal daw. Ewan ko kung bakit pero lumambot ang pakiramdam ko noong lumabas ang salitang iyon sa labi niya.

"Ayos ka lang? Ba't parang istatwa ka?" Biro niya sa akin.

"Wala. Huwag mo na lang akong pansinin," Sagot ko sa kaniya.

Hinintay kong matapos ang ginagawa niya, napapatagal nga lang dahil nag-aasaran pa kami. Hindi ata talaga maiiwasan ang asaran sa aming dalawa, 'no?

"Saan mo naman natutunan 'yan?"

"Nagpatulong lang ako sa kaibigan ko, bilis nga e."

"Sino?"

"Si Ria. Kilala mo 'yun 'di ba?"

"Ah! 'Yung ano... 'yung ano dati tapos character development. Oo kilala ko."

"Oo, siya."

"Ahh."

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon