Kasalukuyan akong naglalakad palayo ng Baskin Robbins, ayokong makita ang pagmumukha niya ngayon. Ang saya-saya ko lang kaninang umaga tapos biglang susulpot siya. Binilisan ko na ang paglalakad ko papunta sa station ng tren habang kinakain ang ice cream dahil ipinababawal ang pagkain doon.
Euns, Euns... Paulit-ulit na naglalaro ang tawag niya sa'kin sa utak ko. Gustong gusto ko na siya kalimutan dahil 'yun pa naman ang isa pa niyang hiniling bago kami naghiwalay at tuluyang lumayo sa isa't isa.
Pero bakit kailangan niyang bumalik at magpakita pa sa harap ko? Tinawag pa ang pangalan ko na parang maayos kaming dal'wa.
"Kasi nga ikaw 'yung problema. Kung hindi ka nag-asal ng gano'n edi sana masaya kayong dalawa ngayon," Sambit ko sa sarili ko.
Kung hindi siguro kami napagod edi sana nasa makatuwid ang buhay namin.
"Sige na Eunice! Attend ka na sa graduation ko. Hindi ba ang sabi mo uuwi ka na bukas galing Malaysia? Sige na oh, kung makita mo man siya rito edi iwasan mo, gano'n ba kahirap 'yon?" Tumatawag sa'kin si Chesca ngayon dahil graduation na nila next week at gusto niyang pumunta ako.
"Oo na nga! Pupunta na 'ko pero in one condition."
"Ano? Gagawin ko ang lahat ng sasabihin mo kahit illegal pa 'yan," Ang overacting ng babaeng 'to.
"Ang overacting nito. Sunduin mo 'ko sa airport bukas," Sagot ko sa kanya.
"Hala! Ang lapit-lapit ng NAIA sa bahay n'yo, walking distance nga lang grabe 'to, tapos magpapasundo ka pa sa taong malayo ang bahay doon."
"Gaga 'to! Para nga makapunta sa NAIA galing bahay n'yo sasakay ka lang ng tricycle tapos maglalakad pagkatapos."
"Excuse me, baka nakalilimutan mo na nagsstay ako sa Katipunan, remember?"
"Remember mo 'yung mukha mo! Basta sunduin mo ako bukas ah," Sagot ko habang nagtutupi ng mga damit ko para mailagay sa maleta ko.
"Pasundo na lang kita kay Jisung," Seryosong sabi niya.
"Hoy!"
"Joke lang! Sige ingat ka sa lipad mo mamayang gabi," Sagot niya sa'kin bago ibinaba ang tawag.
Ipinagpatuloy ko lang ang pagligpit ng mga gamit ko dahil mamayang gabi na nga ang lipad ko pabalik ng Pilipinas. Sa totoo lang 'di ko rin alam kung bakit nagtagal ako ng dalawang taon dito, ang pagkakaalala ko'y pumunta ako rito para magkaruon ng disenteng trabaho, which is i achieved naman pero iba pa rin talaga kung sa Pilipinas talaga ako magbase... O baka naman kasi malayo ako sa kanya?
Alas cuatro na kaya nagshower na ako dahil baka maiwanan pa ako ng eroplano kahit Alas sies pa ang bording. Pagkadating ko ng airport ay bumili muna ako ng Xing Fu Tang dahil ibang klase ang milktea nila rito, talo ang Pinas, sorry agad. Siyempre bago ako umalis dito ay bumili muna ako ng mga pasalubong dahil baka magtampo silang lahat sa'kin.
Pagkain ang pasalubong ko sa pamilya ko sapagkat pag damit naman ang ipasasalubong ko mag-iinarte sila dahil ang sasabihin lang nila ay puwede naman silang makabili ng ganyan sa mga mall kaya pagkain ang pasalubong ko. Bumili na rin ako ng graduation gift para kay Chesca kasi magtatampo 'yun kung hindi, sisingilin niya ang lahat ng utang ko sa kanya at sakripisyo niya. Pati na rin kay Seungmin, bumili ako ng regalo para sa kanya dahil malamang ggraduate rin siya.
Delayed daw ng 30 minutes ang flight kaya masinsin akong naghintay dahil i'm a good sambayanang Filipino who lived in Malaysia, and i thank you!
Nang boarding na ang eroplano ay nagdoble check muna ako kung nandito na ba ang mga importante kong gamit. Nang nakasigurado na ako that everything was in place ay naglakad na ako papunta roon, nakita ko na emergency seat ang upuan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/240699132-288-k835021.jpg)
BINABASA MO ANG
Stations Of Life
FanfictionThis is a Dedicated story for my friend, this story may be offensive for some people so i recommend that you read it at your own risk. What to Remember when reading my story: - My stories are written in Taglish. (Tagalog and English) - Some jokes i...