"Sigurado ka na ba talaga na aalis ka na?"
"Chesca paulit-ulit?"
"Kasi parang ang bilis! Parang noong Monday mo lang sinabi sa'kin tapos ngayong Sunday aalis ka na," Sabi niyang naiinis.
"Huwag kang oa Thursday pa lang ngayon marami-raming oras pa tayo magsasama, at makasalita ka parang namamaalam ako habang buhay, gaga ka!"
Kasalukuyan kasi akong nag-iimpake ng mga gamit ko papunta roon. May natira pa akong mga gamit doon sa Malaysia kaya hindi na ako masyadong nagdala ng mga gamit. Ewan ko ba sa babaeng 'to! Parang noong Monday lang pinapagalitan niya ako kasi late ako nagdesisyon tapos ngayon sasabihan niya ako na bakit ang bilis naman.
"Loka ka talaga, kaya pala willing ka na paglutuan kaming dalawa last last week," Wika niya habang inaayos ang mga tinupi ko na damit.
"Tinupi ko na 'yan kanina 'wag mo ng tupiin ulit."
"Ang pangit ng tupi mo pang nine years old." Masyado lang siyang nag-aalala para sa'kin, ang galing niya talaga mag-alala kailangan magalit siya.
Pinabayaan ko na lang siya na magtupi roon sa kuwarto mag-isa dahil baka mas lalo lang siyang mabwisit sa akin. Bumaba muna ako para maghain ng meryenda, baka nagugutom lang siya kaya siya bad trip. Naglinis na rin ako at the same time para pagkarating nina mommy dito next week malinis na ang lahat.
Biscuit lang ang hinanda ko kasi aalis din naman kami nina Seungmin at Chesca mamaya, bonding daw kami kasi dalawang taon daw silang walang aawayin at aasarin. Masyado nila akong mahal.
"Meryenda tayo oh," Sambit ko kay Chesca na bumaba galing sa kuwarto ko.
"Ikaw na lang kumain niyan. 'Di ka pa nagtanghalian," Pabulong na sabi niya habang umupo sa upuan.
Tinitigan ko lang siya dahil ayos lang naman ako kahit hindi ako nagtanghalian.
"Sige na kainin mo na 'yang hinanda mo. Baka malipasan ka pa ng gutom e mamaya kakain naman tayong tatlo sa labas," Pagrarason niya.
"Tsaka sige ka! For sure kakain ka ng marami mamaya, tapos ano? Sasakit 'yung tiyan mo kasi nalipasan ka ng gutom ngayon," Dagdag niyang nag-aalala.
"Delikado pala kung mag-alala ka masyado kang bumabait."
"Huwag ka ng magreklamo kasi minsan lang akong mabait kaya sulitin mo na," Sagot niya habang inaayos ang mga gamit dito sa lamesa.
Pagkatapos naming magmeryenda umuwi muna siya sa bahay niya para maghanda dahil aalis nga kaming tatlo mamayang gabi. Five pa naman kami aalis kaya pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis nang bahay. Nang matapos na ako sa paglinis ay naligo na ako para mamaya ay hindi na ako maghabol.
From: Asong may garapata
Magbihis na kayo!!!
From: Kunehong slow
Ang aga pa gago!
From: Unicorn is a mythological animal
Hindi pa ako nakakapagpahinga tapos aalis na agad? Gago ka ba?
From: Asong may garapata
Kasalanan ko bang hindi ka pa nagpapahinga?
From: Kunehong slow
Bihis na nga tayo! Si Seungmin nga pala 'yung magdadala nang kotse na sasakyan natin.
From: Asong may garapata
Bilisan n'yo na kasi paalis na 'ko.
From: Unicorn is a mythological animal
BINABASA MO ANG
Stations Of Life
FanfictionThis is a Dedicated story for my friend, this story may be offensive for some people so i recommend that you read it at your own risk. What to Remember when reading my story: - My stories are written in Taglish. (Tagalog and English) - Some jokes i...