Epilogue

39 1 95
                                    

"I swear to Saint Ignatius, nagkita talaga kaming dalawa." Kasalukuyan kong kinoconvince sina Chesca at Seungmin na nagkita talaga kaming dalawa ni Eunice noong Sabado.

"Guni-guni mo lang 'yun! Kulang ka lang talaga sa tulog."

"Sira ulo! Totoo 'yun, sinabi sa akin ni Eunice. Nagkasalubungan nga talaga silang dalawa, ang masama ang akala niya Anak mo si Yunho, ayun! Nagmumukmuk tuloy ngayon," Sabi ni Chesca habang binibira si Seungmin.

"Aray! Lintek... Ayoko na ngang tumabi sa iyo! Nakakawalang gana."

Huminga ako ng malalim at umiwas sa kanilang dalawa. Lumabas na lang ako para magpahangin. Umupo ako sa upuan na nasa balkonahe ko at tumingala nang mapagmasdan ko ang langit.

Paminsan-minsan lang ako lumabas dito dahil naaalala ko lang ang mga pangyayari dati. Naaalala ko lang siya...

"I missed you."

"Kahit masulyapan lang kita ulit ayos na 'yun. Ang mahala makita kita ulit kahit papaano."

"Seven years have passed but it's still you."

"Masaya akong makita ka ulit... Kahit maging magkaibigan lang oh, basta hindi lang strangers, please."

Nararamdaman ko ang mga luha ko na tumutulo galing sa mata ko. Bakit hindi pa maubos tong luha na 'to? Ang dami ko ng iniyak sa buong buhay ko, bakit may supply pa rin?

"From strangers to lovers, then back to strangers, then friends, hopefully."

"Jisung, aalis na kami!" Rinig kong sigaw ni Chesca mula sa sala.

"Sige! Umalis na kayo! Layas!"

Lunes ngayon pero napag-isipan nila kanina na makitambay muna rito. Lunes na Lunes dapat gumagawa ng trabaho 'yung mga 'to e. Sabagay, mabilis lang naming nagagawa ang mga trabaho namin dahil tulong-tulong kami.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumasok sa loob para makapaglinis. Hindi naman gaano kadumi ang paligid, naiirita lang ako na may nakatungangang bote ng beer sa lamesa ko. Tig-isa lang kami dahil may pasok pa kinabukasan. Kanina pa ako nakapangtulog kaya nagsipilyo lang ako tsaka natulog na rin.

"Gusto mo bang kumain?" Tanong ko sa nakababata kong kapatid. Kakagaling niya lang kasi sa klase. Tsaka peace offering ko 'to sa kaniya, nag-away kami.

Tinanong ko siya ulit pero hindi siya sumagot at tumalikod lang sa akin.

"Yun, sorry na nga... May gusto ka bang puntahan? Sabihin mo kay Kuya, bilis!"

Hindi pa rin ako pinansin kaya oras na para ilabas ang hidden card.

"Ayaw mong sumagot ah. Sayang! Kakain sana tayo sa Jollibee pero mukhang ayaw mo ata kaya 'wag na lang."

Noong sinabi ko iyon ay humarap siya sa akin ng kumikinang ang mata. Hala! Bakit umiiyak siya? May mali ba akong nasabi?

Lumuhod ako upang maging parehas ang tangkad namin. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang huminto siya sa pag-iyak.

"Tama na, huwag ka ng umiyak, hindi bagay sa iyo."

"Kuya!"

"Joke lang! Ikaw talaga, ang laki-laki mo na pero baby ka pa rin, baby damulag," Biro ko sa kaniya habang binuhat siya papunta sa kotse. Inupo ko siya roon sa likod para kahit papaano ay makapagpahinga siya ng kaunti.

"Kuya are you friends?"

"Friends nino?" Litong sagot ko.

"Ni Teacher Eunice."

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon