Pati ba naman dito naalala ko siya.Umupo lang naman ako sa parte ng tren kung saan kami madalas magsama dati.
Sa akin lang naman bakit? Kung kailan malapit na, tsaka pa siya bumitaw. May mali ba akong ginawa?
Siguro nga baka dahil sa akin kaya nagbago isip niya.
"Ay Magallanes na pala." bulong ko sa sarili ko para walang maka rinig.
Ang tagal ko na ring hindi naka punta sa lugar na 'to. Ang huling punta ko dito, siguro noong estudyante pa ako.
Ang tuturuan ko raw ay mga bata. Mas mabuti na, na mga bata ang tuturuan ko kaysa sa mga adults dahil mas magiging kumportable ako kung mga bata ang makakaharap ko.
Ano ba ang dapat na maramdaman ko ngayon? Kaba, saya, lungkot? Ano? 'Di ko alam.
Dahan dahan akong pumasok sa loob ng room na tuturuan ko. Okay medjo excited si ate niyo girl!
Pagkapasok ko, lahat ng mata ng mga bata sa loob ng silid nakatingin sa'kin.
"Hello, everyone Good Morning! How are you?"
"We're good po!" Sagot nila sa akin ng sabay-sabay.
"Well that's good to know that all of you are in great condition. Before i start teaching you, guys. Do you mind introducing yourselves one by one? Just so i can familiarise some of you. If its okay with you?"
They nodded in sync to my question.
"I'll go first. Hello, i am Jorence Eunice Palmon. You can call me Teacher Eunice or Teacher Euns. You can call me whatever you prefer, just don't call me unnecessary names okay."
Good thing may isang student na nag volunteer na mag introduce. 'Di ko alam kung ano'ng gagawin ko kung walang gustong mauna.
"Hello I'm Morgan Arkler, I'm 8 years old, you can call me Mark in short if you want."
And the introduction of the other students goes on. Until two of them remains.
"Hello classmates, hi po Teacher. I am Han Yunho and i'm 7 years old. Thank you!"
Bumilis ang tibok ng puso ko nung binanggit ng estudyante 'yung pangalan niya, 'yung para bang nasa pilikula ako, tapos malalaman ko na may anak na pala 'yung lalaking minsan ko na ginusto at minahal.
Anong klaseng buhay ang meron ako?
Kung tutuosin sa tingin ko baka parehas lang naman sila nang apilyedo, baka coincidence lang. Pero may posibilidad na nakahanap siya ng bago pagkatapos nung nangyari sa amin.
"Hello po, i'm Arjie Jonathan my name is Arjo in short. I hope to be friends with all of you soon."
Rinig kong nagpapakilala ang huling estudyante pero hindi nakatuon doon ang attention ko.
Pero naiisip ko na ang over acting ko kaya inalis ko na 'yon sa isipan ko, dahil baka 'yon lang ang atupagin ko kaysa sa pagtuturo magluto.
"For today we are gonna make something simple lang para 'di agad kayo mahirapan." Wika ko sa mga batang estudyante.
"Gagawa tayo ng Omelette to start up our summer lesson."
Nagsimula na akong mag explain sa kanila kung paano gumawa nun at kung ano ang mga dapat nilang tandaan para makagawa.
Binigyan ko na sila ng hudiyat para gumawa ng Omelette.
Subali't nakita ko na tampulan ng pansin si Yunho sa kanilang magkakaklase. Halata na di siya sanay sa mga kagamitan sa paligid niya. Kaya wala akong magagawa kundi lapitan siya para tulungan siya.
"Kailangan mo ba ng tulong?" Wika ko sa kanya ng mahinhin dahil takot ako na baka matakot lang siya sa'kin dahil nilapitan ko siya.
"Opo, puwede niyo po ba akong tulungan?" Tanong niya sakin.
"Oo naman. Sa susunod pag nahihirapan ka wag kang mahiya na mag tanong ah." Sabi ko sa kanya ng naka ngiti.
Tapos na ang klase nung nag chat sa'kin 'yung bestfriend ko na si Chesca.
From: Chescie siraulo
Ano kamusta maging Teacher? Mahirap ba? Kung nahirapan ka buti nga, deserve mo! Charot. Pero seryoso nga kamusta ka?
To: Chescie siraulo
Okay lang mababait 'yung mga students na itinapat sa'kin. Pero like mars i have some chicka..
From: Chescie siraulo
Ano? Omg, bakit nakita mo si Jisung?
To: Chescie siraulo
Shunga hindi! Pero kasi may isa akong student na parehas sila ng apilyedo. Kaya you know.. kabado twenty ako...
From: Chescie siraulo
Hala bahala ka diyan sa buhay mo. Goodluck, sana di ka mamatay😘
Hindi ko rin alam kung bakit natawa ako sa response niya sa'kin? Baliw na ata ako.
"Ako nalang pala nasa loob ng classroom baka masarahan pa ako dito."
Hindi pa naman gaano ka-dilim kaya binalak ko na pumunta sa Baskin-Robbins para bumili ng ice cream.
Oorder na sana ako sa counter pero may narinig akong familiar na boses sa kabilang counter.
"Yunho, what flavor do you want?"
Sabi na nga ba si Jisung yun eh, badtrip naman!
"I want Rainbow Sherbet. Is it okay for me to get that?"
"Yeah, of course sure! Ako bahala kay mommy mamaya."
Tangina, anak niya nga ata talaga. Pero ano bang pakialam ko diba? May sarili silang mga buhay ba't ako mangingialam. Oo, ba't ako mangingialam!
Ano ba tong nararamdaman ko. Bakit parang nadurog 'yung puso ko? Ang oa ko naman! Naka move on na naman ako eh!
Pero naka move on na nga ba talaga ako?
Oo nga pala hindi, hindi ko triny eh. Ang bobo ko dun! Naiinis tuloy ako sa sarili ko.
"Ma'am? I was asking for your order po?"
Ay oo nga pala nasa counter ako.
"Umm isang Jamoca' Coffee, value scoop lang. Thank you."
"Oh Teacher Eunice! Hello po! Look its my teacher!" Sabi nung bata habang nakatingin kay Jisung.
Dahil kay Yunho nagkatinginan kami ni Jisung sa mata.
Yes naman Eunice! May isang katangahan ka nanamang ginawa sa araw na 'to. CONGRATS! Sana mamatay ka!!
We stared at each others eyes for a bit. Naramdaman ko na nagtutubig na yung mata ko kaya pagkarating na pagkarating nung ice cream kinuha ko agad 'yon at umalis na.
"Euns."
Rinig ko na tawag niya sa'kin ng mahina pero pinabayaan ko na lang.
Dahil takot ako.
Takot ako na baka umiyak lang ako sa harapan niya.
[The Story Is Still Unedited.]
Reminder: Bago simulan pinapaalalahanan ko na pangit ang writing ng prologue hanggang chapter ten.
BINABASA MO ANG
Stations Of Life
FanfictionThis is a Dedicated story for my friend, this story may be offensive for some people so i recommend that you read it at your own risk. What to Remember when reading my story: - My stories are written in Taglish. (Tagalog and English) - Some jokes i...