28

61 1 2
                                    

"Psst."

"Uy." 

"Putangina, bingi ka ba!" Rinig ko na sigaw sa akin ni Seungmin, sinusundot pa ako gamit ang ballpen para makuha ang pansin ko. 

Malay ko ba na ako pala ang tinatawag niya! Sa dami nang kaklase namin na tinatawag niya ng gano'n aasa pa ba siya na ako lang ang papansin.

"Ano ba 'yun?" Medjo naiinis na tanong ko sa kanya. 

"Punta raw tayo sa bahay nina Eunice." 

Sino'ng tanga na maniniwala pa sa sinasabi niya kung madalas siyang nagbibiro. Hindi ko siya pinansin at pinapatuloy na lang ang pagkain ko nang biscuit. Kung tutuusin mukhang totoo naman ang sinasabi niya pero nakita ko pa lang ang weirdong ngiti niya ay medjo nag-alangan na 'ko. 

Ako ang naunang makaubos nang pagkain kaya kahit nagdadaldal siya roon mag-isa ay tumayo na ako para umuwi na sana. 

"Hoy, sandali lang! Makaignore ka parang walang pinagsamahan e." 

'Di ko inasahan na binilisan niya pa talaga ang pagkain niya para lang sabay kaming dalawa.

"Ano? Sasama ka ba? Si Tita kasi ang nagsabi na pumunta raw tayo roon." 

"Gago legit pala?" 

Seryoso pala siya roon? Akala ko kasi nagsisinungaling lang siya. 

"Sige, sasama ako," Agad ko namang sabi para ma-confirm niya na g ako. 

"Ayos! Basta ikaw ang magbayad nang pamasahe natin." Binilisan pa niya ang paglakad para hindi ako makahabol dahil alam niyang tatanggi ako. 

"Sige basta ikaw ang magbayad sa jeep!" Sigaw ko sa kanya. 

"Oo na!" Sagot naman niya. 

"Bobo amp," Bulong ko dahil hindi na naman namin kailangan na bumili ng beepcard. 

Hindi ko kabisado ang daan papunta roon kaya sinusundan ko lang si Seungmin, kung saan siya pupunta o kaya p-pwesto doon na rin ako. Kaya nga nagkamali kami nang binabaan e... kasi sinusundan ko siya. 

Ngayon, kinailangan pa namin maglakad para lang makasakay sa tamang sakayan papunta sa tamang istasyon.  

"Bilisan mo naman!" Reklamo ko sa kanya.

"Hindi ka ba naiinitan?" Tanong niya sa akin. 

"Paanong hindi ka maiinitan e naka jacket ka, naka cap ka, naka face mask ka pa! Ano ka artista?" 

"May tinataguan kasi ako," Maikling paliwanag niya sa'kin. 

"Tinataguan... sino naman ang maghahanap sa 'yo?"

"Tanggalin mo 'yan!" Dagdag ko. 

"Wala kang karapatan na sabihan ako na tanggalin ko ang mga ito dahil hindi kita- ayoko na nga eto na tatanggalin ko na." 

Pinagpatuloy lang namin ang pag-akyat sa mga hagdanan para lang makasakay na nang tren lalo na't mainit pa naman, kailangan na namin ng aircon. 

Mabuti na lang at maikling oras lang ang hinintay namin para lang makasakay kami nang tren. 

"Tanga ka kasi ba't ka bumaba ng Magallanes." 

Aba! Ako pa talaga ang sinisisi ng lalaking 'to, e siya nga ang may alam kung saan ang daan kaya sinusundan ko lang siya. 

"Ewan ko sa 'yo Seungmin! Sumunod lang naman ako sa 'yo," Bulong ko sa kanya dahil nasa loob na kami nang tren.  

Hindi siya sumagot at tumingin lang sa harapan namin at kinausap ang tao na naroon. 

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon