14

45 1 50
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na grumaduate na ako't bakasyon na. Ang agenda namin for today ay pumunta sa graduation nila Jisung at ni Seungmin.

"Eunice, ready ka na?" Tanong ni Chesca sa akin.

"Yeah! let's go."

Sa totoo lang ay hindi talaga dapat kami pupunta pero nakakahiya sa kanilang dalawa dahil dumalo sila noong grumaduate kami kaya bawian lang 'to. Hmm, what awards did i get? Fortunately i got with honors and my final average was 90, i actually didn't expect that. I also got an award for my org activities.

Nag papahinga lang ako ngayong linggo dahil magiging busy na naman ako sa kinabukasan. We're already preparing to leave the unit next week, so i doubt that its gonna be hectic. Medjo malungkot lang na aalis na kami roon pero kailangan e, those almost two years of spending time there wasn't a waste.

"Maglalakad lang ba tayo papunta sa venue?"

"Oo naman. Sa school lang nila gaganapin ang graduation."

Akala ko kasi nag renta pa ng lugar ang paaralan nila, gano'n kasi ang amin. Sa tingin ko'y nag sisimula na ang graduation nila dahil wala nang mga tao sa labas, kaya naman ay dumiretso na kami sa loob at pumunta sa theater kasi doon daw ginaganap ang ceremony.

Tama nga ang hinala ko na nag sisimula na dahil nagtatawagan na sila ng mga pangalan para sa best in something like that. Nakatayo lang kami kasi sino ba naman kami para umupo rito, char. Maraming upuan na pwedeng upuan kasi nga theater ito. Umupo kami malapit sa entrance dahil nakakahiya sa mga tao kung lalapit pa kami sa stage.

Matagal kaming nag hintay para tawagin ang mga pangalan nila, marami kasing apilyedo na nag sisimula sa mga naunang letra. Hanggang sa tinawag ang apilyedo ni Jisung maraming tumili na babae noong tinawag ang pangalan niya, mukhang heartthrob ata siya, gano'n din kay Seungmin maraming kababaihan ang tumili at kinilig. Matapos 'yon ay nagbigayan na sila ng mga award sa may mga honors.

"Chesca, hindi ka ba nalalamigan dito?" Tanong ko sa kaniya dahil nanginginig na ako sa lamig ng pwesto namin.

"Oo nga e, ang lamig 'no? Pero pag tiyagaan na lang natin at mukhang malapit na naman matapos ang graduation. Bakit ba kasi tayo nakaupo rito? Sa atin pala nakatapat ang air con!"

"Eunice, Chesca?" May narinig kaming tumawag sa amin kaya sabay kaming tumingin sa nag salita.

"Tita, hello!" Bati ni Chesca sa nanay ni Jisung.

"Hello po, tita," Bati ko naman sa kaniya.

"Bakit kayo naka pwesto diyan? Malamig diyan. Tara! Doon kayo umupo sa tabi namin." Aya ng nanay ni Jisung, medjo nahihiya ako kaya nagtatago ako sa likod ni Chesca pero ako pa rin ang napansin niya dahil nauna na si Chesca na bumaba, shet.. ang lakas ng kabog nang dibdib ko.

"Eunice, dear, tara na roon," Saad niya habang naka ngiti ng para talagang nanay na natutuwa sa anak niya. I mean, nanay naman talaga siya..

Bago ako umupo roon sa upuan ay binati ko muna ang tatay ni Jisung, nasapansin ko rin na nasa tabi lang nila ang magulang ni Seungmin kaya pati sila ay binati ko na. Mas malapit na kami sa stage kaya 'di ko na kailangan mag squint para lang makita ko sila. Both of them received an award of with high honors, if i'm not mistaken Jisung is third honor and Seungmin is the first honor. Ang valedictorian naman nila ay ang kaklase ko dati noong grade 9.

Pagkatapos ng graduation ay kumuha kami ng mga litrato sa tapat ng stage at school nila, siyempre ay binigyan namin sila ng bulaklak dahil iyon lang kinaya namin na bilhin. Habang nagkukuhaan sila ng mga litrato ay naka ngiti lang akong tinititigan sila na nagkakagulong tatlo dahil sabi ni Chesca dapat siya ang nasa gitna sapagkat siya ang hindi naka toga.

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon