9

32 2 72
                                    

Nang magising ako nasa daan pa rin kami. Malamang traffic nanaman, tumingin ako sa orasan at 12 na pala? Gano'n kami katagal na nasa daan? Parang nakakahiya na sa kaniya. Kanina pa siya nag d-drive tapos ako simpleng pa tulog tulog lang.

"Are you tired?" Mahinang tanong ko sa kaniya dahil kakagising ko palang.

"No i'm alright, just sleep more. You looked tired. Tsaka wala pang kalahating oras na tulog ka, kaya mag pahinga ka muna diyan."

"Are you sure? Marunong naman akong mag maneho ng sasakyan. Baka gusto mo' ng ikaw ang mag pahinga?"

"No it-"

"I insist."

"I mean if you insist then, sure." 

Tumigil muna kami sa gilid ng daan para mag palit kami ng pwesto. Medjo kinakabahan ako na ako yung mag d-drive kasi, ang mahal ng kotse na 'to natatakot ako na baka mabangga ko siya sa pader o kaya sa poste.

Taray, nakakayaman naman pag ito ang minamaneho na sasakyan. Feeling ko tuloy ako si Sharpay Evans ng High School Musical, kulang nalang mag pink on pink ako tapos.. BOOM! The real Sharpay Evans is located in the Philippines!

Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko na tulog si Jisung. Sabi ko na nga ba, pagod tong lalaking 'to kung di pa ako nag pumilit na mag maneho hindi siya makakapag pahinga.

Medjo malapit na kami sa Taguig pero, hindi ko alam kung papaano ko gigisingin si Jisung mamaya. Sana magising nalang siya mag-isa niya.. Rude, but yes, i hope.

"Sige tangina mo overtake ka pa ah.. mabangga ka sana."

"Nakakatakot naman tong i-drive baka pag-gising ni Jisung eh, wasak na yung kotse niya. Ay! ang ingay ko ata." Hininaan ko yung boses ko kasi baka magising nga siya.

Hindi naman sa na-bored ako sa music na pinatugtug niya pero.. parang gano'n na nga. Kaya in-unconnect ko yung phone niya sa bluetooth, ang sama ko na biglaan ko nalang yun in-unconnect pero mag e-explain naman ako sa kanya mamaya. At promise di ko na ulit yun gagawin.

"Ano kaya ang puwedeng ipatugtug? Syempre yung chill lang. Ala nang ipatugtug ko 'Otso Otso' noh? Tsk, si Lauv na nga lang!"

Medjo makulimlim sa labas kaya 'Paris in Rain' yung pinatugtug kong kanta sa loob ng kotse.

"Bat yan pinapatugtug mo? Wala naman tayo sa Paris." Okay? Nice one? No.

"Gising ka na?"

"Hindi halata?"

"Medjo."

"Pagod ka ba?" Gusto ko lang i-clarify kung pagod siya o hindi. Kasi kung pagod siya puwede naman na hindi na kami tumuloy doon.

"A bit."

"Gusto mo ba na hindi na tumuloy doon?"

"Okay lang sayo? You look eagred to go there."

"Kung pagod ka okay lang sa'kin, sariling kalusugan mo muna ang unahin mo bago pa yung iba."

Nakita ko sa mukha niya na convinced siya sa sinabi ko. Pero parang nahihiya lang siya na sabihin na wag na kaming tumuloy.

"Saan ba banda yung condo mo?"

Nakakahiya naman sa kanya kung pagod siya tapos pupunta pa kami doon.

"Malapit lang siya dito, lagay ko nalang sa GPS. Sundan mo nalang."

Malapit nga lang yung condo niya dito, parang walking distance lang sa may Venice, para sa'kin. Ewan ko lang sa kaniya kung pang walking distance yung layo.

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon