Madaling araw nang magising ako sa ingay. Sinubukan ko itong huwag pansinin ngunit sumasagabal talaga ito sa akin. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita si Eunice na nasa tabi ko, natutulog.
Dahil sa antok ay humiga ulit ako sa higaan at sinubukang matulog. Habang sinusubukan kong matulog ay hindi ko mapigilang pakinggan ng maigi ang ingay na gumising sa 'kin.
"Hanep, parang iyak ng anak ko."
Bigla akong nagising dahil sa sinabi ko.
"Tangina may anak ako." Dali-dali akong tumayo sa pagkahiga at lumabas ng kuwarto para mapuntahan ko ang silid niya.
Pagkapasok ko sa kuwarto ay binuksan ko ang maliit na ilaw upang may kaunting liwanag sa silid. Lumapit ako sa kuna niya at binuhat siya, nagbabasakaling huminto siya sa pag-iyak.
"Bakit? Bakit umiiyak ang baby namin ni Mommy, hmm? Tahan na Anak, tahan na."
Hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak kaya lumabas kami ng kuwarto at pumunta sa sala. Doon talaga siya kadalasang nakakalma kaya kung umiiyak siya ay dumidiretso kami rito.
"Anak tama na ang iyak. Ako ang napapagod para sa 'yo. Tama na," Subok kong paghinahon sa kaniya.
"Gutom ka ba?" Tanong ko kahit alam kong hindi naman siya makakasagot.
Ilang minuto na rin siyang umiiyak kahit hele-hele ko siya. Baka nagugutom nga.
Binaba ko muna siya sa maliit niyang crib at pumunta sa kusina. Mas lumakas ang iyak niya noong binitawan ko siya kaya nagmadali ako sa pagtimpla ng gatas. Nang makatimpla na ako ay dali-dali akong lumapit sa kaniya at binuhat siya ulit. Umupo ako sa sofa ay hiniga siya sa braso ko.
"Tigil na sa kakaiyak. Magigising si Mommy, kakatulog niya pa lang."
Nadama niya pa lang ang bote ng gatas ay binuksan na niya kaagad ang bunganga niya. Gutom nga ang bata. Ngunit noong makainom siya nito ay nilayo niya ito sa kaniya at umiyak ulit. Ayaw niya ata sa gatas na ito.
"Anong meron?" Rinig kong tanong ni Eunice na kakagising lang.
"Gutom," Sagot ko.
Lumapit siya at tumabi sa akin kaya binigay ko sa kaniya ang bata. Agad namang naging marahan ang pag-iyak niya noong si Eunice na ang kumarga sa kaniya. Ang daya! Mommy's boy ata.
"Mas gusto mo breastfeed, ang arte mo naman Anak," Sabi niya habang sumandal sa balikat ko.
"Nagmana sa 'yo," Biro ko habang inakbayan siya nang mas maging kumportable siya.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya napatawa ako. Saglit kong pinikit ang dal'wang mata ko at agad namang binuksan ulit dahil baka makatulog ako.
"Daddy," Tawag ni Eunice sa akin.
"Yes?" Sagot ko habang tumingin sa kanila.
"Tapos na siyang uminom."
"Akin na. Ako na ang magpapadighay at hele sa kaniya," Wika ko habang kinukuha ang Anak namin sa braso niya.
Kumuha ako ng lampin sa tabi ko at sinampay sa balikat ko bago ko siya pinadighay. Naramdaman kong humiga si Eunice sa kabila ko namang balikat kaya multitasking tayo rito, ang kanang kamay ko ay hawak niya habang nilalaro ang singsing ko samantalang ang kaliwang kamay ko naman ay dala-dalawa ang ginagawa.
"Tutuloy ba tayo bukas?" Tanong ko.
"Mamaya. Oo, tuloy tayo mamaya. Miss na siya ng Kuya playmate niya."
"Ano kaya ugali ng dalawa paglaki. Sana hindi naman namana ang mga masasamang ugali natin."
"Sana nga..."
BINABASA MO ANG
Stations Of Life
FanfictionThis is a Dedicated story for my friend, this story may be offensive for some people so i recommend that you read it at your own risk. What to Remember when reading my story: - My stories are written in Taglish. (Tagalog and English) - Some jokes i...