"Ano sa tingin mo? Magugustuhan kaya nina tita at tito 'yung ipre-present namin na design?"
"Hindi naman sila choosy, for sure basta kayo 'yung nagdesign mag-aagree na sila kaagad kasi alam naman nila na professionals kayo," Sagot ko kay Chesca para gumaan ang loob niya.
Kasalukuyan kaming nagme-meeting na naman sa kumpanya. As usual, hindi ko alam kung bakit narito na naman ako. Bakit kailangan ako pa ang nandito, at hindi si kuya?
Gets ko kung si kuya ang a-attend dito kasi may kinalaman naman ang course niya about sa pinag-uusapan namin ngayon. E ako? Anong kinalaman ng culinary sa pinag-uusapan namin? Wala!
Inip akong nakikinig sa meeting ngayon, kumaha ako ng papel at naglista nang mga bibilhin ko mamaya sa grocery. At least ang ginagawa ko ngayon may kinalaman naman sa trabaho ko.
"Pasabay naman ako ng itlog mare," Bulong ni Seungmin sa'kin.
"Bili ka mag-isa mo!" Pasigaw na bulong ko sa kanya.
Napatahimik na ulit kaming dalawa noong si Chesca na ang magpre-present.
Habang nagsasalita si Chesca sa harapan ay tumingin ako sa paligid.
"Si Jisung ba hinahanap mo? Puwes, wala ang ex mo ngayon dahil may iba pa siya project," Wika ni Seungmin.
"Dapat-"
"Hep, hep, hep! Huwag kang magreklamo dahil hind lang ito ang trabaho niya, okay?" Dagdag niya.
"Sabi ko nga!" Sagot ko sa kanya.
Pagkatapos ng meeting, noong aalis na sana ako ay tinawag ako ni daddy para manatili muna roon, may sasabihin daw siya sa'kin.
"Bakit po?" Tanong ko sa kanya habang hinihila ang upuan para umupo.
"'Nak, okay lang ba sa'yo na bumalik ka ng Malaysia para magtrabaho?"
Napatigil ang mundo ko noon nabanggit niya na magtrabaho ulit ako sa Malaysia. Magandang opportunity rin 'yun pero 'di ako sigurado kung makakaalis ulit ako rito. Inabot din ako ng ilang buwan dati sa kakadesisyon kung tutuloy ba ako roon o hindi.
"Kung pupunta ho ako... ilang taon naman ako mananatili roon?" Nag-aalangang tanong ko.
"Gano'n din Eunice. Dalawang taon. Okay lang ba sa'yo?"
Okay lang ba sa'kin? Maayos naman pamumuhay ko rito, wala naman akong problema na pinagdadaanan tungkol sa trabaho... pero bakit parang gusto kong tanggapin?
Walang masama kung tanggapin ko iyon pero may lumalabag sa'kin na tanggapin ang offer.
At hindi ko alam kung ano 'yon.
"Puwede ko po bang pag-isipan muna? Siguro na-shock lang ako daddy kasi biglaan din," Sagot kong medjo nagiging emotional.
"Siyempre naman anak pag-isipan mo muna. Pagbibigyan kita ng tatlong linggo para pag-isipan ito dahil sa susunod na buwan if ever tanggapin mo iyon e lilipad ka na papuntang Malaysia."
"Opo," Mahinang sagot ko habang nagmamadaling tamayo sa kinaupuan ko.
"Pag-iisipan ko pong mabuti," Dagdag ko habang pinipilit ang sarili kong ngumiti sa harap ng tatay ko.
Tahimik kong binuksan ang pinto ng boardroom para makaalis. Hinintay pala nila ako kaya kailangan kong magpumilit na ngumiti. Pero parang wala ring saysay dahil napansin nila na may kakaiba sa'kin.
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Seungmin nang hawakan niya ang beywang ko.
"Wala," Sabi kong wala sa mood habang nakatingala sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/240699132-288-k835021.jpg)
BINABASA MO ANG
Stations Of Life
FanfictionThis is a Dedicated story for my friend, this story may be offensive for some people so i recommend that you read it at your own risk. What to Remember when reading my story: - My stories are written in Taglish. (Tagalog and English) - Some jokes i...