17

34 1 27
                                    


Mahirap pala talagang pagsabayin ang pag-aaral at ang relasyon 'no? Isang buwan na ang lumipas noong nagsimula ang klase. Narito ako ngayon nakikinig sa professor ko dahil naglelesson siya ngayon, review lang naman kasi may recitation kami bukas.

Mabuti na lang at pabor na pabor ako sa profession na kinukuha ko kasi kung hindi malamang ipinashift na 'ko sa ibang department. May next class pa ako pero i decided to waste my spare time using my phone instead of studying.

From: Squirrel sa Taguig

Ingat ka bukas ah! Good luck din kasi first day of school.

To: Squirrel sa Taguig

Oo naman. Ikaw din, ingat ka bukas. Good night❤

From: Squirrel sa Taguig

Night night❤

Iyon ang last massages namin sa isa't isa. Isang buwan na rin kami hindi nag-uusap dahil busy sa school, ayos din naman. Pero sigurado ako na bukas ay magkikita kami dahil bukas na ang birthday niya.

Ang next class ko ay hindi Cooking class kaya kahit matamlay na ako in the first place mas tinamlay pa 'ko. Pagkatapos ng class ko na iyon ay naghahanda na ako pauwi kasi free cut daw ang next subject namin sabi ng colleague ko.

"Isang Taft Avenue," Sambit ko sa babae na matamlay ang pagkabigkas dahil pagod na pagod na 'ko.

Kinuha ko ang sukli ko at ng beep card ng medjo mabilis dahil dama ko na may paparating nang tren. Ayoko ko na magsayang ang oras kaya umupo ako sa pinakagilid ng tren, kung saan kami umuupo ni Jisung madalas. Dahil pagod na ako, doon na ako sa tren nag-aaral, para pagdating ko sa bahay ay magpapahinga na lang ako.

Wala akong katabi sa mahabang upuan ngayon sapagkat wala rin namang tao sa kasalukuyan, pero may isang lalaki na tumabi sa'kin, ang familiar ng scent niya kaya tumingin ako sa kanya.

"Jisung?" Kahit alam kong siya 'yon ay napatanong pa rin ako.

"You look so tired. Are you even sleeping nor eating?" Tanong niya sa'kin habang umupo sa tabi ko.

"Oo naman. I get plenty eat and sleep, it's just because marami lang pinapagawa."

Humiga siya sa balikat ko at nagsalita. "Kung nahihirapan na tayo sa ganitong situasyon, paano pa kaya kung literal na nagsama na tayo."

"Pabayaan mo na. Masasanay rin tayo sa gawing ganito," Sambit ko naman sa kanya while intertwining our fingers together.

"I'm missing you," He said in a fait voice.

"Me also, baby."

Tumingin ako sa bintana ng tren at nakitang bughaw na bughaw ang kulay ng langit at mukhang bagong pitas na bulak ang mga ulap, sa ganda nito. Ramdam pa rito ang init ng sikat ng araw kaya naman mas naging kalmado ako.

"Halos dalawang linggo na lang ay ikakasal na tayo. Excited ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman!" He said while raising his head from my shoulder and then pinching the right side of my cheek.  

Sabay na kaming bumaba ng estasyon dahil ihahatid niya raw ako sa bahay, nakahihiya sapagkat siya pa ang nagbayad para sa sakay namin sa jeep papuntang Newport. "Kuya, diyan na lang ho kami sa may statue ng limang kalabaw malapit sa McDo!" Sigaw ko sa Tsuper para marinig niya ako. Pagkababa naman namin ng Jeep ay niyaya niya akong kumain ng maagang hapunan sa SnR.

Ang sabi ko sa kanya ako na ang magbabayad sapagkat sinamahan niya akong umuwi. Nang tapos na akong mag-order ay bumalik ako sa upuan naming dalawa para maghintay.

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon