33

76 1 72
                                    

From: Seungmin

Dahil mabait akong nilalang labas tayo sa birthday ko! :)

From: Jisung

Saan mo kami dadalhin?

From: Jorence

Mahirap paniwalan...

From: Franchesca

Tumawag kayo ng pari, nasapian si Seungmin.

From: Jisung

Kawawa naman 'yung sumapi sa kaniya :(

From: Jorence

Super! Kawawa talaga.

From: Seungmin

Joke lang pala, hindi pala tayo lalabas sa birthday ko. Bebe time ko nga pala ng araw na 'yun, sorry.

From: Jorence

Bebe time pero walang jowa? Ano? Buang lang?

From: Seungmin

Huwag kang mangreal talk nakakasama ng loob...

From: Franchesca

Haha! Walang jowa! Sakto, bebe time ko rin ng araw na 'yun.

From: Jisung

Isa ka pa Chesca. Bebe time pero walang jowa? Ano? Buang lang?

From: Franchesca

Taena n'yong magjowa kayo maghiwalay sana ulit kayo.

From: Jorence

'Pag inggit, pikit.

From: Franchesca

Fuck you with respect <3

"Hahahahahaha!"

"Tuwang-tuwa?" Tanong sa'kin ni Jisung na kasalukuyang naglalaptop. Ano kaya ang ginagawa nito? Focus na focus e.

"Oo, bakit? Angal ka ba?"

"Hindi." Aba dapat lang.

Tinanggal ko ang kumot na nasa paahan ko at tumayo para puntahan si Jisung sa work desk niya. Niyakap ko siya sa balikat ang inalam kung ano ang ginagawa niya. Nag-oonline shopping siya, ano bang bago? Wala.

"'Yan! D'yan ka magaling. Sapatos na naman," Biro ko sa kaniya. Napapadalas daw kasi ang pagbili niya ng sapatos sabi nina Chesca at Seungmin.

"Bakit ba? Hindi nga kita pinapakialaman diyan sa-"

"Achuchuchu! Nakakainis ka, 'di nagpapatalo."

Napatigil siya sa pagscroll para ngitian ako nang mapikon ako. Tinignan ko lang siya ng masama pabalik kaya nawala ang ngiti sa labi niya.

"Halika nga rito," Sabi niya habang tinatapik ang hita niya. Agad naman akong lumapit dahil marupok ako, so what?

"Manuod tayong movie?" Tanong niya sa'kin.

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon