20

29 1 10
                                    

Hindi ko namalayan na pati pala siya ay nakatingin sa'kin, at nagtititigan lang kaming dalawa. Sa sobrang concentrated ko sa pagtingin sa mata niya ay nakita ko ang sarili kong reflection at napansing puno pala ng pagmamahal ang tigtig ko sa kanya.

Bakit ba kasi kailangan niyang pumasok sa buhay ko ulit? Paulit-ulit ko tong sinasabi pero kasi nga... Bakit?

Hindi naman sa ayaw ko dahil nangarap din naman ako na sana'y magkita kami ulit. Nangarap din ako na sana magkabalikan kami ulit, kung sakaling kaya namin. Pero mahirap na siguro dahil matanda na kami at alam na namin ang tama sa mali. 'Di na kami gaya nang dati.

Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil ayokong makaharap siya sa pagkakataong ganito. Ramdam ko na hanggang ngayon ay tinititigan niya pa rin ako. Napalunok na lang ako ng malakas dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa situasyon na ganito. Ano'ng gagawin mo pagtinititigan ka ng ex mo, na minahal mo ng sobra dati?

Tumayo na ang isa kong katabi kasi nariyan na ang alaga niya, pero ayoko namang saktan si Jisung na lumayo ako sa kanya. Inilagay ko na lang ang bag ng pamangkin ko roon para maoccupy. Hindi ko nararamdaman ang presensya niya ngayon kaya tumingin ako sa gilid ko at nakitang umalis na pala siya. "Ang bilis mong mangiwan."

Tapos na sa practice ang mga estudyante kaya nang lumabas na ang pamangkin ko, agad na rin kaming umalis dahil maraming tao rito.

"Kumusta 'yung practice n'yo? Ginalingan mo ba?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang seatbelt niya dahil gusto niya raw tumabi sa akin.

"Okay lang po. Siyempre ginalingan ko tita, nasa stage nga ako e," Sabi ng bata na halatang natutuwa sa pagkuwento niya.

Nginitian ko lang siya, at nagseryoso na dahil magmamaneho na ako. Nagpatugtug ako ng pinkfong sa loob ng kotse para hindi mabored si baby girl habang nasa biyahe.

"Dino a b c, dino a b c, sing dinosaurs a to z!" Rinig kong kanta ng bata. Naging hyper tuloy siya dahil sa pinkfong, cocomelon sana pero naisip ko na pang-infant ata 'yon. Wait what? Infant nakikinig ng cocomelon... Oo may gano'n.

"Gusto mo ng ice cream?" Tanong ko sa kanya.

"Puwede po ba?" Tanong din ang sagot niya sa'kin. Ayos ah.

"Oo naman. Huwag mo lang sabihin sa nanay mo baka pagalitan pa ako," Dinamay ko pa 'yung bata.

"Yes po! I want ice cream!" Ang cute naman ng batang 'to, buti na lang talaga at hindi siya nagmana sa nanay niyang walang kwenta. Harsh but true.

Hindi ako sure kung anong flavor ng ice cream ang gusto niya, kaya pinababa ko rin siya ng kotse para siya na ang pumili. Hindi naman sa cheap ako pero sa seven eleven lang kami bibili, wala kasing malapit na ice cream parlor dito.

"Kahit ano po ba?" Tanong niya sa'kin habang nag-aalangang pumili.

"Oo kahit anong ice cream bibilhin ko," Sagot ko sa kanya dahil nag-aalangan talaga siyang pumili. Baka akala niya gapos sa pera ang tita niya.

Ang pinili niya ay dalawang Magnum, pero bago namin bilhin ay tinignan ko muna ang expiration date kasi baka expired na pala. Konti lang naman kasi ang bumibili nito, pati ako hindi bumibili nito kaya nag-alangan din ako. Kita ko na hindi pa naman expired kaya hinawakan ko ang kamay niya at pumunta sa counter para magbayad.

Pangalawa pa kami sa pila kaya naghintay pa kami. Noong kami na ang magbabayad, nagpaalam muna sa amin ang staff sa counter dahil tawag siya ng manager niya. Bale lahat pala ng staff ay tawag ng manager sa likod ng store. Yari kayo riyan, joke.

"Tita is this a balloon?"

"Huh, saan?" Litong tanong ko dahil wala namag lobo dito.

"Eto po oh," Turo niya pa kung saan siya nakatingin.

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon