"Mommy, Daddy! Gising na po."
May naramdaman akong sumisiksik sa gitna namin ni Jisung. Daga ba 'yun? Kinuskos ko ang dalawa kong mata gamit ang kamay ko at dahan-dahang binuksan ito.
"Good morning Mommy," Rinig kong may bumati sa 'kin, boses ito ng isang batang lalaki.
"Good morning Anak," Bati ko sa kanya pabalik. Gigisingin niya na rin sana ang Tatay niya pero pinigilan ko muna dahil pagod ito.
"Huwag mo munang gisingin si Daddy, baby. Pagod 'yan dahil sa trabaho, late na siyang naka-uwi," Paliwanag ko sa kanya.
Inalis na niya ang atensyon niya sa Tatay niya at lumapit naman sa akin para yakapin ako. Inayos ko ang higa ko para maging kumportable siya.
"Gising na ba si Selene?" Tanong ko sa panganay ko.
"Hindi pa Mommy," Sagot niya.
"Ang aga mo atang nagising." Medjo napaaga ata ang paggising niya dahil nang tumingin ako sa orasan alas sais pa lang ng umaga.
"Sinubukan ko naman po na matulog ulit pero ayaw."
"Ayaw? Ayaw nino?"
"Ayaw ng body ko na matulog ulit. Gising na raw po ako."
Natawa ako sa paliwanag niya at hinalikan siya sa pisngi. Inalis ko na ang kumot at inayos ito sa katawan ni Jisung. Baka lamigin pa siya.
Tumayo na ako sa kama kaya tumayo na rin si Haru sa pagkahiga. Inunahan pa nga ako na makalabas ng kuwarto. Nag-ayos-ayos ako ng kaunti sa loob ng kuwarto para wala na kaming masyadong alalahanin mamaya.
Pagkalabas ko nakita ko agad siya sa sala, naglalaro ng mga laruan niyang kotse. Pinagbuksan ko muna siya ng TV habang magluluto ako ng almusal. Bago ako magsimula sa pagluto tinignan ko muna kung gising na si Selene. Pagkapasok ko sa silid niya naroon lang siya na nagmumuni-muni.
"Oh, gising ka na pala."
Tinitigan niya lang ako. Anong problema ng batang 'to? Jina-judge niya ba 'ko? Haha, same Anak.
Kinuha niya ang stuffed toy niya sa tabi at tsaka naman bumaba sa higaan niya. Dumiretso siya sa harapan ko kaya napatingin na lang ulit ako. Yumuko ako upang maging patas man lang ang tangkad namin.
Noong una'y wala siyang ginawa, pero napansin niyang nalilito na ako kaya biglaan niya akong hinalikan sa labi nang mabilisan.
"Hala ayos lang kaya Anak ko?" Tanong ko sa sarili ko.
Niligpit ko na ang higaan niya at pinatay ang aircon. Bumalik ulit ako sa kusina para magluto na talaga. Pinabayaan ko muna ang dalawang bata na manuod ng cartoons para hindi sila magreklamo. Hindi naman talaga sila nagrereklamo gusto ko lang isipin para magalit ako. Gano'n ba talaga kapag Nanay? Maghahanap ka talaga ng possible ways para pagalitan ang Anak mo? Ang sama.
Siyempre ang niluto ko na pagkain ay ayon sa taste ng mga bata. Alangan naman na ang ipapa-almusal ko kina Haru at Selene pancit canton lang? Chef ako, dapat pangmalakasan.
Scrambled eggs at hotdog.
"Good morning babies," Rinig kong bati ni Jisung sa kanilang dalawa. Natawa ako dahil nakita kong hindi siya pinansin ng dalawa, nakalaan ang atensyon ng dalawa sa pinapanuod nila. Pinaghahalik sila ni Jisung kaya naman tawa nang tawa ang dalawang bata. Napilitan lang siguro 'yon.
Alam ko na kung ano ang susunod niyang gagawin. No, hindi ako puwedeng kiligin. Bibiruin na naman ako ng kumag na 'to.
"Good morning Mommy," Maantok-antok pang bati niya habang hawak ang baywang ko para makita ang niluluto ko.
BINABASA MO ANG
Stations Of Life
FanfictionThis is a Dedicated story for my friend, this story may be offensive for some people so i recommend that you read it at your own risk. What to Remember when reading my story: - My stories are written in Taglish. (Tagalog and English) - Some jokes i...