Panibagong araw, panibagong mga pangyayari na naman ang sasalubong sa'kin...
Nakita kong naka kalat ang mga pinakailaman kong mga gamit kagabi at suot ko pa rin 'yung kuwintas. Tumingin ako sa orasan, 6 pa lang ng umaga. Maaga pa kaya niligpit ko ng mabilisan ang mga gamit sa kama, binalik ito sa kani-kanilang lagayan at natulog ulit.
Pagkaraan ng tatlong oras ay nagising na ulit ako at sinimulan na ang araw ko. Tinatamad ako ngayong araw kaya ang kinain ko na lang na almusal ay i-isang tinapay at ang inumin ko naman ay kape. Pagtapos ko namang kumain ay binuksan ko muna ang TV at nanuod ng mga palabas dahil hindi pa ako sinisipag na maligo.
Nang makita ko sa orasan na magtatanghali na'y tumayo ako sa sofa at dumiretso na sa banyo para maligo, para rin ganahan na akong gumalaw-galaw. Noong tanghalian ay hindi na ako nagluto sapagkat medjo marami pa akong tirang pagkain diyan sa ref at baka mapanis lang, sayang naman, 'di ba?
Pagkatapos ko namang kumain at nawalan na ako ng gagawin dito sa bahay kaya naman ay nagbabalak ako na umalis at mag-ikot-ikot lang dito sa barangay namin na malamang sa malamang ay memorize ko na. Nagsuot lang ako ng skort at blouse dahil 'yun ang una kong nakita sa closet ko. Bago naman ako lumabas ng bahay ay naglagay muna ako ng sunblock, at sa tingin ko'y iinit din mamaya.
Habang naglalakad ako pabalik ng bahay ay may nakita akong mga lalaking estudyante na nakatingin sa'kin na nakaupo sa bench sa tapat ng bahay ko. Akala ata nila ay high school pa lang ako, kawawang mga kabataan. Nagkunwari na lang ako na wala akong pakialam na sinubukang ilabas ang susi ng bahay sa bulsa ko ng tahimik.
"P're ang ganda nang katawan, tanungin ko ba kung anong year na siya?" Rinig kong bulong ng isang lalaki sa kaibigan niya na nasa tabi lang niya.
"Oo tanungin mo. Tanungin mo rin kung saan siya nag-aaral ngayon, sabihin mo na rin na bahay mo 'to para good shot," Rinig ko namang sagot nang kaibigan niya.
Ano kaya ang trip ng mga 'to? Sige paglaruan ko rin sila tapos titignan ko ang reaction nila sa huli, mga tanga rin e. Mukhang mga senior high 'tong mga ito sa school na pinasukan ko dati noong junior high school ako.
"Miss, may jowa ka na?" Tanong ng lalaki sa'kin habang tinititigan ako sa ulo hanggang sa paa.
"Wala. Bakit?" Sagot ko sa kanya with a sweet voice kunwari high school na malandi gano'n.
"Puwede ba akong mag-apply?" Ang gago talaga ng batang 'to.
"Bawal hindi kasi ako pumapatol sa mas bata sa'kin."
"Sus! Parehas lang naman tayo ng year e!"
"Pero kita mo 'yung bahay na 'to? Bahay ko 'yan," Dagdag niya sa sinabi niya at tinuro pa ang bahay ko.
"Ah gano'n?" Sagot ko sa kanya na walang interest.
"Anong year ka na at saan bahay mo?" Tanong niya sa'kin with so much confidence. Handa ka na bang mapahiya?
"Year ko? Graduate na ako, nagt-trabaho na rin ako... Tsaka saan bahay ko? Ayan oh, 'yung nasa likod n'yong dalawa. Bahay ko 'yan."
Nakita ko na hindi nila sineryoso ang sinabi ko kaya naman agad kong nilabas ang susi ko sa bulsa ko at dumiretso sa gate para buksan ito at pumasok ng walang paalam sa kanila. Pero siyempre nagtago muna ako sa likod ng gate para marinig ko ang iba pa nilang sasabihin.
"Gago p're. Nakakahiya ka."
"Kasalanan ko pa talaga? Ikaw kaya ang nagsabi na sabihin ko kay Ate na dito ako nakatira!"
Pumasok na lang ako sa loob ng bahay dahil ko na mapigilan ang tawa ko at baka matawa pa ako at malaman nila na nakikinig ako sa usapan nilang magkaibigan.
BINABASA MO ANG
Stations Of Life
FanfictionThis is a Dedicated story for my friend, this story may be offensive for some people so i recommend that you read it at your own risk. What to Remember when reading my story: - My stories are written in Taglish. (Tagalog and English) - Some jokes i...