"Hindi na tayo tulad ng dati. Iba na tayo ngayon. Ibang mga personalidad na ang hinaharap natin sa isa't isa."
"Hindi tayo 'to," Dagdag ko sa sinabi ko.
Para kaming batang magkaaway. Sa simula galit na galit sa isa't isa, pero sa bandang huli hindi na mapaghiwalay.
"Walang araw na hindi ko pinaalala sa sarili ko na ikaw 'yung nagbago sa pagkatao ko," Rinig kong sambit niya.
"Ikaw 'yung nagpasaya sa'kin, ikaw 'yung nagpalungkot sa'kin, ikaw 'yung nagpagalit sa'kin, at... Ikaw 'yung nagpa-ibig sa'kin," Dagdag niya.
"Ewan ko ba kung saan ako kakampi! Sa puso ko? O sa isipan ko? Ang sabi ng puso ko, lapitan kita hanggang sa mabuo ulit ang tiwala mo sa'kin. Pero ang sabi ng isipan ko, layuan kita kasi wala na naman akong pag-asa dahil nasaktan kita... At ayokong makita kang nagdurusa dahil lang sa'kin," Sabi niya habang pinupunasan ang luha niya.
Gusto kong sabihin na sundin niya ang puso niya pero ayokong magmukhang madamot. Paano kung ang gusto niyang sundin ay ang isipan niya? 'Di naman puwede na mangialam ako sa buhay niya, 'di ba? Dahil sino naman ako para magdesisyon para sa ikauunlad ng buhay niya.
Gusto ko ng makaalis dito pero ayaw ko siyang iwan dahil natatakot ako na baka hindi na ulit kami magkita dahil baka ang piliin niyang sundin ay ang sinasabi ng isipan niya.
Tumingin siya sa'kin at inalis ang mga strand ng buhok na nakatakip sa mukha ko. Tinignan ko naman siya pabalik at pinilit ang sarili kong ngumiti.
"Huwag kang ngumiti... Alam kong nasasaktan ka, pinipilit mo lang ang sarili mo," Sabi niya habang lumalapit sa'kin, para yakapin ako.
Umakap naman din ako pabalik sa kanya. Sinusulit ko na ang oras na 'to dahil hindi ako sigurado kung mararamdaman o mararanasan ko pa ba ulit ang yakap niya sa'kin ng ganito. Habang yakap-yakap niya ako'y medjo tinapik niya ang likod ko para maging ease ang nararamdaman ko.
It just feels nostalgic kasi dati ay 'pag niyayakap niya ako, sumisiksik talaga ako sa leeg niya para maamoy 'yung cologne niya. Pero ngayon... Hindi ko magawa kasi alam ko sa sarili ko na hahanapin ko lang siya lalo kung gagawin ko 'yon.
"Umuwi ka na kaya? Gabi na o," Wika niya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"Baka mapaano ka pa kung hindi ka makauwi ngayon," Sambit niya habang inalis ang yakap sa'kin, at tumayo para ihatid ako sa sasakyan ko. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko para makatayo ako sa kina u-upuan ko.
Imbis ng tumayo ako ay, tinanong ko lang siya.
"Jisung, masaya ka ba?" Wika ko sa kanya habang tumitingala dahil nakatayo siya.
Tinitigan niya ako ng matagal at tumango lang sa'kin habang medjo ngumingisi kahit papaano.
"Ang galing mo ng magsinungaling ah, ang galing mo ng itago ang mga nararamdaman mo ngayon," Sabi ko habang tumatayo para punasan ang mga luha niya.
"Nalulungkot ka ba dahil sa'kin?" Tanong ko sa kanya.
"Sa'tin. Nalulungkot ako dahil sa'tin," Sagot niya habang hinihila ako para bumalik na ng sasakyan para makaalis.
Nang makarating na kami sa sasakyan ko binitawan na niya ang kamay ko at tumalikod sa'kin.
"Kung sakaling ang susundin mo ay ang isipan mo... Layuan mo lang ako, pero huwag mo sana akong hindi pansinin na para bang wala tayong pinagsamahan dati," Pahabol na sabi ko habang hindi pa siya nakakaalis sa puwesto niya.
Humarap ulit siya sa akin kaya binaba ko ang ulo ko para hindi niya ulit ako makita na umiiyak dahil lang sa kanya.
Naglakad siya palapit sa'kin at tinapik ang ulo ko at nagpaalala sa akin na, "Mag-ingat ka, i love you." Sabi niya habang hinalikan ang ulo ko at kumaway sa'kin bago siya naglakad palayo papunta sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
Stations Of Life
FanfictionThis is a Dedicated story for my friend, this story may be offensive for some people so i recommend that you read it at your own risk. What to Remember when reading my story: - My stories are written in Taglish. (Tagalog and English) - Some jokes i...