30

53 1 0
                                    

From: Kevin

Anong klaseng kape ba gusto mo boss?

To: Kevin

Basta kape na may yelo.

From: Kevin

Be specific ka naman diyan...

To: Kevin

Iced coffee.

From: Kevin

Hays, iced americano?

To: Kevin

Sige okay na 'yun!

From: Kevin

Ayaw mo ng mga caramel macchiato? Hello, ang sarap-sarap kaya nun!

To: Kevin

Hello, buhay ko 'to at ako ang masusunod.

Binaba ko na sa pag-gamit ang telepono ko at ipinagpatuloy na ang pagluto dahil marami kaming customers ngayong araw. Habang nagluluto ako'y may narinig akong dalawang boses na mukhang nagkakapikunan na. Pinabantay ko muna ito sa isang chef para tignan ko kung ano ang nangyari sa dalawa.

"Are you that dumb? Why didn't you put a garnish?!" Rinig kong sigaw noong isa kong katrabaho sa isang baguhan sa loob nang kusina.

As the head chef kailan kong patigilin itong dalawang 'to. Ang usapan dito head chef ako hindi president...

"Guys, have respect," Narinig kong sabi nang isang baguhan din.

Ayos ah! Sige, mamaya mag-open forum tayong lahat.

"End that quarrel right now. We have boundless of customers for both of you to fight in this kitchen." Ang galing ko talaga! English 'yun 'no!

"Yes, Chef. Sorry, Chef," Paghingi nila nang tawad.

Pagkatapos nilang manghingi nang tawad sa'kin, bumalik na ako sa orihinal kong ginagawa dahil wala talagang oras ang dapat masayang ngayon. Mabuti na lang at mag-gagabi na kaya makakauwi na rin kaming lahat, hindi naman 24/7 na naka bukas ang restaurant na 'to.

"Natapos rin!" Sigaw ko pagkalabas na pagkalabas ko nang trabaho.

Nagpapahangin muna ako bago ako tuluyang umuwi, siguro pipilitin kong alalahanin ang lugar na 'to, uuwi na rin akong Pinas sa makalawa.

"Ito na 'yung kape mo!" Sigaw ni Kevin sa'kin.

"Salamat," Sagot ko sa kanya habang kinukuha ang kapeng hawak niya.

Nakiupo naman siya sa tabi ko at tinignan din ang langit tulad ko.

"Gaya-gaya," Bulong ko.

"Bakit ba? Magda-drama rin ako, nag-away kami ni Eric."

Ah, kaya pala.

"Ano naman ang pinag-awayan n'yo? Ang dapat sa inyo hindi mag-away kasi walang papatol sa inyo kundi kayo-kayo lang!" Biro ko sa kaniya

"Ang sama nang ugali mo! Kaya hindi pa rin kayo nagkakabalikan hanggang ngayon e!"

"Parang ewan... 'di mabiro."

Nauna na siyang umalis dahil tumawag 'yung boyfriend niya sa kaniya, bati na raw sila... ang rupok amp!

Pinaubos ko muna ang kapeng iniinom ko bago ako umuwi ng bahay. Pagdating na pagdating ko sa bahay ay nagshower agad ako at nagsipilyo dahil baka tamarin pa 'ko mamaya. Bago ako matulog ay tinawagan ko muna sina Mommy at Daddy para mangamusta lang.

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon