31

52 1 51
                                    

"Sandali Kevin ah! Ang gulo mo kasing kausap e. Ang sabi mo habang kayo ni Eric, may nakikisawsaw, gano'n?"

"Oo, yes, exactly. Parang gago nga kasi dahil alam naman niyang may boyfriend na 'yung tao pero parang nilalandi niya talaga jowa ko." 

"Tangina mo..." Mura kong pabulong sa kaniya. 

"May third party," Dagdag ko. 

"Makipaghiwalay na ba 'ko sa kaniya?" 

"Umm, 'di ko alam e. Malay ko ba sa ganiyan," Paliwanag ko. 

"E palibhasa loyal sa 'yo 'yung ex mo, sana all." 

"Tsk, huwag mo na siyang banggitin."

"Shut up! Don't tell me hindi pa kayo nagkabalikan?" Dramatikong tanong't sabi niya sa'kin, inilagay pa ang kanang kamay niya sa dibdib niya, arte nito! Ang sarap tirisin.

"Parang gano'n na nga," Sagot ko sa kaniya habang sinamaan siya ng tingin.

"Pero nag-uusap kayo?"

"Paminsan-minsan."

"Gaano kadalas ang paminsan-minsan na 'yan?"

"Kapag wala kaming choice?" 

"Ahh kapag walang choice... I'm sure naman that you guys are flirting with each other 'no!"

"Hindi siya masasabihing flirt e... kasi parang biruan lang."

"Baka kasi 'yun ang naiisip mo? Malay mo nilalandi ka pala niya pero ikaw iniisip mo lang na  biro 'yun." 

Napaimik ako ng kaunti, "Ang landi mo!" 

"Ang sabihin mo takot lang kayong magcommit sa isa't isa!" 

Tumayo na ako sa upuan para umuwi kaya sinigawan niya 'ko.

Totoo naman, 'yun naman kasi talaga ang problema namin. Takot kaming magcommit... Ay basta! Ang sagot lang doon umiwas kami kay Chesca dahil nahahawa na siguro kaming dalawa sa takot niyang magrisk.

"Sandali lang Euns! Ipagbabaon kita ng food for breakfast, lunch, and dinner."

"Ang damot mo walang meryenda!" 

"Choosy ka pa e ikaw na nga bibigyan," Reklamo niya sa'kin.

Naghintay pa tuloy ako ng ilang minuto bago ako umalis dahil sa tagal niyang ihanda. Nahihirapan daw siyang maghanap ng tupperware, weakling pala 'to. May pupuntahan pa 'ko pagkatapos kaya medjo hindi ako mapakali. 

"Sige salamat Kev, welcome back to the toxic country ulit!" Paalam ko sa kaniya. 

"Thanks! 'Wag kang mag-alala titirikan kita ng kandila para magkabalikan na kayo!" 

"Ay parang tanga! Salamat, sabi mo 'yan ah. Ako rin titirikan ko rin kayo ng kandila para maalis ang problema n'yo, okay?" 

"Okay!"

Agad naman akong pumasok sa kotse at sinimulan ang makina nang maka alis na 'ko. Baka sermonan pa ako ni Mommy 'pag nahuli ako roon sa opening ng ano... ng ano nga? Basta!

To: Mommy

Mommy ma-tanong ko nga.

From: Mommy

Ano?

To: Mommy

Ano ba ang dapat kong ipunta diyan? 

From: Mommy

Basta bagong business opening ng kaibigan ko, punta ka lang dito para may kasama ako.

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon