27

49 1 99
                                    

Pumunta kaming dalawa sa balcony niya kung saan nabuo ang pagsasama namin. Bago kami nag-usap ay umupo muna kami sa couch na naroon, dalawang tao lang siguro ang kakasya. Sina Chesca at Seungmin ay umalis na... sabi nila ang bibigyan daw nila kami ng time na mag-usap kaya umalis na sila. 

"I planned telling you, okay. I just didn't know how, balak ko namang sabihin sa'yo ngayon pero hindi ko naman alam na sa ganitong paraan mo ito malalaman." 

"You planned telling me 2 days before your departure? Kulang sa oras, Eunice... sana sinabi mo sa akin ng mas maaga." Rinig ang inis sa boses niya, halatang pinipilit niya na maging kalmado sa situasyon. 

"I know that it sounds wrong but it hurts. Alam ko na umalis ka dati dahil ginusto mo na mapalayo sa'kin, gusto mong kalimutan ako, gusto mong iwasan ako dahil kung narito ka maraming pagkakataon na maaari tayong magkita," Noong sinabi niya ang mga salitang iyon ay tumingin siya sa'kin at nagtanong, "I don't want to jump into conclusions pero, dahil ba sa akin kaya aalis ka ulit?" 

"No! I guarantee you that it is all for work." 

"Sorry na lang sa mga nagawa ko." Bakit siya magpapasensya. 

"Huh bakit-"

"Sorry kung bumalik ulit ako sa buhay mo, sorry kung kinausap kita noong limang buwan, sorry kung...."

"Kung ano, Jisung?" Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko. 

"Sorry kasi kung hindi ko tinanggap ang project edi sana hindi ka umiiyak ngayon." 

Little did he know, he made it so much better than usual. Malapit na akong sumuko... pero bumalik siya e. It gave me strength, baka sakaling bumalik ulit sa normal. Pero mukhang hindi. 

"Huwag kang magsisi..." Gusto ko sanang sabihin sa kanya na mahal ko siya pero nag-aalangan ako baka hindi niya tanggapin

"Right, it's okay. We can just erase the memory," Sinabi niya pa iyon ng naka ngisi. 

"I can't just erase such memory because it was precious. Thank you ah! Kasi kung hindi mo ginawa ang mga iyon sumuko na ako." Kahit sa langit siya nakatingin ay tinitigan ko pa rin siya. 

"Jisung, mahal kita." Even thought i hesitated, i meant it a lot. 

"Hindi ako sigurado kung tatanggapin mo pa ang salitang iyon galing sa'kin. Gusto ko ng ilabas ang mga nararamdaman ko ngayon para wala na akong dalhing sama ng loob, at consensya." 

"Mahal kita, sobra."

Napapikit na lang ako ng mata at hinayaan tuyuin ng malakas na hangin ang mga luha kong tumulo. Masakit, masakit na hindi siya kumibo sa sinabi ko. Hindi na rin ako magtataka kung 'di niya sineryoso.

Habang nakapikit ang mata ko ay naramdaman ko na lang na niyayakap niya ako. He placed my head under his chin and stared caressing my back while patting it at the same time. Naantok ako kaya pinagpatuloy ko lang ang pagpikit sa mata ko.

Naramdaman ko na hinihiga niya ako sa maliit na sofa kung saan kami nakaupo kanina lang. Napansin ko rin na he is hugging tighter than usual. Noong makakatulog na sana ako, narinig ko ang boses niya... kinakausap ako.

"Ang daya mo naman e! Sasabihin mo sa'kin na aalis ka dalawang araw bago ka tuluyang lumipad papuntang ibang bansa. Kung sinabi mo sa akin ng mas maaga edi sana nabawi ko man lang ang ilang taon, linggo, araw, o kaya naman oras na wala ako sa tabi mo." 

Napansin kong umiiyak siya dahil may naramdaman akong patak ng luha na lumapag sa buhok ko. Kailangan kong pandigan na tulog ako kaya kahit masakit na umiiyak siya dahil sa akin ay pinigilan ko ang sarili kong mga luha na lumabas sa mata ko... kahit gusto kong punasan ang mga luha niya'y pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong mahihiya siya. 

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon