29

35 1 0
                                    

"Jisung, ang tagal mo d'yan! Dalian mo para makapunta na tayo kina Eunice!"

Ba't ba excited na excited si Mommy? Masyado pa kayang maaga para punta kami roon.

"Maaga pa, Ma!" Sagot ko sa kanya.

Pumasok si Mommy sa kuwarto ko ng walang paalam na may dala pang hanger dahil nagp-plantsa siya.

"Bilisan mo na! Akala mo walang traffic ah!"

"Pero maaga pa nga!"

Pinalo niya ako nang hanger at pinagalitan ako. "Huwag mo akong tinataasan ng boses!"

"Aray!" Pabulong na bigkas ko para hindi niya marinig.

"Gumayak ka na diyan!"

Kasalukuyan akong naghahanap ng damit na maisusuot ko. Ang sabi naman ay kami-kami lang ang naroon kaya hindi na 'ko nag-abala masyado sa porma ko. Ang sinuot ko lang ay white t-shirt at pantalon, nagsuot din akong denim jacket para hindi naman masyadong normal tignan.

"Bakit nagmamadali na naman si Mommy, Daddy?" Tanong ko sa Tatay ko habang inaayos ang buhok ko.

"Ang sabi kasi nang Nanay ni Eunice medjo agahan daw para makapag-usap naman sila ng matagal-tagal," Bulong niya sa'kin para hindi marinig ni Mommy na kakatapos lang plantsahin ang bistidang susuotin niya.

"E bakit nagmadali ka rin?"

"Siyempre ang sabi nang Tatay ni Eunice marami siya iku-kuwento e. Tsaka napapadalas na rin ang pagsama naming dalawa kaya nagmadali na rin ako."

"Mga uhaw kayo sa kuwento."

"Si Kuya nga pala, hindi sasama?" Dagdag ko.

"Hindi!"

"Bakit daw? Ang tagal ko na rin siyang hindi nakikita ah."

"Malamang busy sa trabaho! Mag-isip-isip ka nga."

"Sorry na."

Pagkatapos ko namang ayusin ang buhok ko'y bumalik ako sa kuwarto ko para kunin ang regalo ko sa kaniya. Sana naman ay magustuhan niya kahit hindi naman gaano kaganda ang mga ito. Galing naman ang lahat ng ito sa puso kaya maayos na 'yon, choosy pa ba siya, yummy ko kaya.

"Jisung! Malilinketan ka talaga sa akin kung hanggang ngayon naka hilata ka pa rin diyan."

Lumabas na ako nang kuwarto ko at pumunta kay Mommy.

"Kanina pa kaya ako tapos. Ihahanda ko na ang kotse ah," Paalam ko sa kaniya para maihanda ko na ang kotse na gagamitin namin papunta roon. Kung kailan naman tumanggi akong magmaneho tsaka naman silang nagpumilit.

From: Mommy

'Yung Nissan ang ihanda mo.

To: Mommy

Okay po.

"Mercedes, sorry. Mukhang inaayawan ka na rin ni Mommy."

Mabilis ko lang hinanda ang kotse dahil professional na 'ko, tsk.

"Jisung ang tagal mo diyan, pabukas nang pinto," Reklamo ni Mommy sa'kin.

Agad ko naman siyang pinagbuksan ng pinto para hindi na siya magreklamo sa'kin. Hindi pa rin nakakalabas nang bahay si Daddy kaya tinawag ko na siya dahil for sure tataas na naman ang dugo ni Mother. Pagkatawag ko sa kanya'y nagmadali na siyang kunin ang regalo niya at medjo tumakbo papunta sa labas para makasakay na nang kotse. 

Mabilis lang ang biyahe namin papunta rito kaya pare-parehas kaming nagulat noong nakarating kami agad sa pamamahay nina Eunice. 

"Ba't ang bilis ata nang biyahe natin?" 

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon