Mahinahon akong lumabas ng boardroom para umuwi na. Wala na naman akong dapat gawin dito kaya ano pa bang gagawin ko kundi umuwi. Habang hindi pa nagsasara ang pintuan ng elevator, pumasok na ako roon.
May mga humabol ring empleyado na makasakay sa elevator kaya gumilid ako ng sobra sa likod. Bumati ang tatlong employee sa'kin kaya binati ko naman sila pabalik. Napansin kong hindi pala sila mga empleyado rito kaya nahiya ako, mga bata pa naman.
"Sa tingin mo totoo 'yung speculation na ex raw ni Sir Jisung 'yung babaeng anak ng founder ng company na 'to?" Rinig kong bulong noong isang empleyado sa katabi niya sa kanan.
Pati ba naman 'yon nalalaman nila.
"Gaga ka talaga! Baka marinig niya nasa likod lang natin 'yung pinag-uusapan, ano front stabbing?" Rinig kong sagot ng tinanungan niya, pabulong rin ang pananalita.
Tumigil muna ang elevator noong nasa 5th floor kami.
"Good afternoon po," Bati ng tatlong employee sa kung sino mang pumasok sa loob ng elevator ngayon.
Ang taong pumasok sa elevator ay tumabi sa'kin. Hindi ko naman makita ang mukha niya kasi nakatingin ako sa lapag at tinanggal ko sa tali ang buhok ko dahil hindi ako kumportable. Nilabas ko na lang ang telepono ko para kunwari ay may ginagawa ako.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Rinig kong tanong ng indibidual na tumabi sa'kin... Ayan na naman, mag-uusap kami tapos wala na namang connection sa isa't isa pagkatapos.
"Oo, salamat," Sagot ko sa kanya habang tumitingin sa kanya at tumago.
Ngumisi siya't tinapik ng dalawang beses ang tuktok ng ulo ko.
Nang makarating na kami sa first floor sabay-sabay kaming lumabas dahil pare-parehas lang naman kaming uuwi na. Naiwan kami ni Jisung na magkasama dahil ang mga empleyado ay dumiretso na sa exit, samantalang kami ay may dalang kotse kaya... Makakasama ko siya for a mean while.
"Mag-ingat ka," Sabi niya sa'kin habang binubuksan niya ang pintuan ng kotse niya.
"Ikaw rin," Sagot kong mahinhin.
Bago siya tuluyang pumasok ng kotse, kinawayan ko muna siya. Hindi siya kumaway pabalik pero ngumiti naman siya. Pagkapasok ko ng kotse ay nanginig naman ako sa kilig.
"Parang tanga! Pa-fall talaga."
Kasalukuyan akong nakahilata lang sa sofa habang nanunuod ng horror movie na pinagtatawanan ko lang. "Gaano ka kaya kabobo na hindi mo napansin na 'yung lechugas na multo e nasa tabi mo na!" Sigaw ko sa main character na lalaki.
Napatigil ako sa pagpapanuod dahil may tumawag sa akin.
[ Sino 'to? ] Tanong ko roon sa caller dahil hindi ko alam kung sino ang tumatawag.
[ Grabe namang panimula 'yan para sa conversation. Sino 'to? Si Seungmin 'to! Hindi ata naka save ang number ko sa cellphone mo, nakakawala ka ng gana diyan... minus 5 points ka sa'kin. ]
[ Uy! Naka save kaya number mo, nagpalit ka ata tapos hindi mo sinabi sa'kin. Ako pa sinisi mo. ]
[ So ayun na nga, magbihis ka ngayon ASAP. ] Sabi niyang tunog nagmamadali rin.
[ Bakit? ] Tanong ko sa kanya habang umaakyat sa kuwarto ko para maghanap na rin ng damit.
[ Hindi ko alam basta sinabi lang din ni Chesca sa'kin na magbihis daw dahil may pupuntuhan ata. ]
[ Okay. ]
Nang matapos ang tawag ay agad na akong nagshower para presko ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya hindi rin ako sigurado sa susuotin ko. Ang pinili ko na lang na damit ay square pants at simpleng t-shirt, baka lamigit ako kaya nagdala na rin ako ng denim na jacket.
BINABASA MO ANG
Stations Of Life
FanfictionThis is a Dedicated story for my friend, this story may be offensive for some people so i recommend that you read it at your own risk. What to Remember when reading my story: - My stories are written in Taglish. (Tagalog and English) - Some jokes i...