Salamat naman at natapos na rin ang pag-iimpake namin ng mga gamit! Sa dami ng mga gamit namin ay inabot pa kami ng walong oras para maligpit lang lahat.
"Pagod na ako!" Reklamo ko kay Chesca as if naman may pakialam siya.
"Sige na. Linisan na rin natin ang unit para hindi na tayo mahirapan bukas."
"Ikaw na lang mag-isa! Bahala ka diyan basta magpapahinga ako, wala kaya akong water break."
"Tanga ka pala e, ba't hindi ka kasi uminom ng tubig? Walong oras tayong nagligpit tapos hindi mo naisipan na mag tubig manlang."
Hindi ko nga siya pinansin. Basta mag-papahinga na ako dahil pagod na pagod na akong mag-linis. Sino ba kasi ang hindi mapapagod kung walong oras kang nagligpit ng mga gamit mo, at hindi lang sarili mong gamit kundi gamit na rin ng kaibigan mo, diba?
Habang naglilinis si Chesca ng sala, pumunta muna ako sa kusina para mag-timpla ng Nesfruta, para may masarap kami na mainom dahil hindi sapat ang malamig na tubig. Nilinisan ko na rin ang kusina para hindi ako dakdakan.
"Chescie, tara inom tayo ng Nesfruta Buko why not. Bilisan mo!" Sigaw ko sa kanya na nasa silid ko naman na naglilinis.
"Okay. Sandali lang," Sagot niya sa akin.
Habang wala pa siya ay naglinis na rin ako ng balcony para kunti na lang ang lilinisan namin mamaya. Pagka-tapos naming uminom ay naglinis ako nang banyo dahil ang nililinisan niya sa kasalukuyan ay ang sarili niyang silid.
Pagkatapos naming mag-linis ay umupo muna kami sa sofa.
"Parang hindi pa 'ko handang umalis dito," Wika ni Chesca.
"Ako rin, parang pinipigilan ako ng paa ko na umalis dito," Sagot ko sa kanya.
"Saan ka na pala titira? Sa Pasay ka na ba ulit?"
"No, titira ako sa dating unit ng tita ko sa may Katipunan. Ikaw, sa Pasay ka ba?"
"Oo. Babalik na ako roon," Sagot ko sa kanya.
May limang buwan pa kaming mag-enjoy sa buhay dahil sa August pa ang pasukan namin pareho. Bukas naman ay pupunta ako ng Lyceum para makapag-enroll.
Buti na lang at naka pass ako roon sa entrance exam dahil hindi ko alam ang gagawin ko if ever 'di ako naka pasa roon.
From: Alien daw ako
Anong oras kita susunduin bukas?
Oo nga pala, sasamahan niya akong mag-enroll dahil malay ko sa mga gano'n. In short magiging guardian ko siya, char! Sasamahan ko rin siya sa Ateneo dahil pati siya ay mag-eenroll.
To: Alien daw ako
Mga.... hindi ako alam, you decide!
From: Alien daw ako
Why me? Sa school n'yo muna tayo tutuloy kaya ikaw ang mag-decide kung ano'ng oras.. :)
To: Alien daw ako
After lunch na lang, para 'di masyadong mainit.
From: Alien daw ako
Sure?
To: Alien daw ako
Tanong pa ba 'yan? Kakasabi ko lang 'di ba. After lunch..
From: Alien daw ako
I was just making sure :(
Taenang sad emoticon na 'yan! Na iimagine ko tuloy ang mukha ni Jisung na mukhang malungkot tapos naka pout dahil sa sinabi ko through text.. Ang cute niya, piste!
BINABASA MO ANG
Stations Of Life
FanfictionThis is a Dedicated story for my friend, this story may be offensive for some people so i recommend that you read it at your own risk. What to Remember when reading my story: - My stories are written in Taglish. (Tagalog and English) - Some jokes i...