1

29 2 14
                                    

"Hoy gising na!!" Sigaw ko sa malandi kong kaibigan na galing sa date niya kahapon.

'Di man lang ako binigyan ng pasalubong o kahit ano, ang bastos niya.

"Aray ko puta! Umagang umaga tapos sasaktan mo ako, grabe wala kang awa."

"Paano ba gusto mo? Beh, gising na may naghahanap sayo sa labas aarestuhin ka raw."

"Beh ka diyan! Tandaan mo, mas matanda ako sayo."

"Sa tingin mo ba may pakialam ako?"

"Wala."

Lumabas na ako sa kwarto niya para ipagpatuloy yung pag luluto ko, para na rin maka ayos na siya, itlog niluluto ko ngayon kasi yun lang ang laman ng refrigerator namin ngayon.

Pagkalabas na pagkalabas ni Chesca sa kwarto niya nag reklamo kaagad siya na amoy itlog yung paligid. Malamang amoy itlog, anong gusto niya? Amoy talong.

Umupo na kami at kumain. Ako 'yung madalas na magluto ng kakainin naming dalawa dahil madalas na late na siyang nakatutulog kaya ako na 'yung inaasahang naghahain sa umaga.

"Sino nag uwi sa'kin kahapon?"

"Gaga, sino bang kasama mo kahapon?"

"Si Jin."

"So, sino'ng nag uwi sayo kahapon?"

"Ikaw?"

"Bobo ka?"

"Kaya nga nagtatanong yung tao eh!"

"Malamang si Jin!"

"Gano'n ba? Okay."

Nasa school na kami pero pinauna ko na siya sa luob ng classroom dahil may tumatawag sa'kin sa telepono ko.

"Hello?"

[ Hello Jorence? ]

"Mommy." Alam ko agad na si mommy 'yon dahil siya lang naman ang tumatawag sa'kin ng Jorence, maliban nalang kung naiinis sa'kin si Chesca.

[ Jorence we have a family dinner mamaya sa bahay, make sure pumunta ka. If ever may plans ka na iba, cancel it. Okay? ]

"Oh okay mommy.. babye"

[ Bye. ]

Ano na naman kaya ang ganap mamaya? Baka naman namiss lang nila ako, tutal ang tagal na rin naming 'di nagkikita.

Pagpasok ko ng room wala pa yung teacher namin kaya tumabi muna ako kay Chesca na nag-aaral kasi sabi may quiz raw na magaganap.

"May quiz na naman nakaka stress."

Naiinis ako! Palagi nalang may quiz pero okay lang nan diyan naman si Chesca para tulungan ako. Char

"Ay hello thank you pala sa pag uwi sakin"

Sabi ni Chesca sa kadate niya kahapon.

Sabay sana kami kumain eh, kaso nga lang kj yung manliligaw niya. Sinabihan pa ako ni Chesca na sumama nalang ako sa jowa ko.

Eh aba putek wala naman akong jowa, Bwiset!!

Walang taste mga lalake sa babae kung may taste lang sila, edi sana dami nang nagkakagusto sakin tsk.

"Hoy Chesca!! Lika nga rito!"

Sigaw ko sa kanya na nag-aaral.

"Oh ano bakit?" Naiirita niyang tanong.

"Tulungan mo akong pumili ng damit"

"Luh bakit? May date ka noh?"

"Di ah! May family dinner kasi kami!!"

"Wee di nga!? Baka mamayang pag-uwi mo lasing ka ah!! Di kita aasikasuhin!"

Last time kasi nung umuwi akong lasing, siya nag-asikaso sakin.. siya na rin pala nagpaligo sakin.

"CHESCA!!!

Sabi ko habang kumakatok sa pinto ng dorm namin, nakalimutan ko password eh.

"Oh Euns naman!! Tsk kasi naman eh nakakahiya ka naman! Halika nga pasok!" Hinila niya ako papunta sa luob.

"Aray ko!! Masakit!!!"

"ANO NANAMANG NASA ISIP MO AT NAISIPAN MONG MAG LASING!!"

"Grabe Chesca! Lasing ako, dapat pala 13 shots lang!! Di 14 HAAHAHA!"

"Sira toh" rinig kong bulong niya.

"Halika nga papaliguan kita!! Nakaka-inis ka naman Eunice eh! Pasalamat ka Saturday bukas!"

Habang pinapaliguan niya ako, parang mahihilo ako ng slight.

"Chesca nasusuka ako"

"HOY SANDALI!!" Sambit niyang natataranta.

Ayun nasuka na ako, tapos na akong maligo tinutulungan niya na ako magbihis.

"Ahh Chesca i love you~"

"Yuck kadir ka euns matulog kana nga!!!"

"I love you Chescaaaa~"

"Ewww kadiri ka talaga"

Hanggang dun lang naaalala ko nag pass out raw ako eh.

"Oh yan oh taray talaga ng bestfriend ko, kaganda" sabi niya.

"Echos ka, alis na ako babye!"

"Sige love you babe!!"

"Yuck kadiri ka babe!"

Nan dito na ako sa tapat ng bahay namin, ewan ko kung bakit pero. Kinakaban talaga ako.

Pumasok na ako ng bahay, at pumunta sa kusina alam ko naman nan dun ni mommy eh.

"Mommy dito na ako"

"Oh Jorence anak, your here na pala. Punta kana dun sa table"

Tumingin ako sa lamesa, may mga bisita shet. Tapos may lalaking pogi nakasimangot nga lang, sana naman friendly.

- To Be Continued

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon