"One Caramel Macchiato for Eunice!"
Tinigil ko muna ang pagsulat ko ng email at tumayo sa kinauupuan ko para kunin ang kapeng inorder ko.
"Thank you," Marahang pasasalamat ko sa staff na nag-abot sa'kin ng kape.
"Your welcome po."
Agad naman akong bumalik sa lamesa para ayusin na ang mga gamit ko roon nang makauwi na rin ako. Tumingin ako sa relos at nakitang alas otso na pala, malapit-lapit ng magsara ang LRT. Nagmadali na 'ko sa pagkilos at agad-agad na umalis sa coffee shop.
I attended a seminar kasi kanina kaya sa gusto ko man o sa hindi ay kailangan kong pumunta roon.
"Lunes na lunes sira na agad ang linggo ko."
Pagkarating ko sa bahay ay binuksan ko ang laptop ko para magsagot ng mga emails galing sa mga taong kilala at hindi ko kilala. Apat na oras lang ang tulog ko dahil marami akong ginawa kahapon, linggo pa talaga. Tapos bukas sisiyasatin ko ang mga business na tinayo namin, may pupuntahan na naman akong seminar, mabuti na lang at hindi siya sabagal sa oras. Mukhang man hindi karamihan pero sa'kin ay marami na 'yun.
Mag-aayos na sana ako nang may nataggap akong text galing sa isa kong kaibigan.
From: Drew
Euns, 'wag kalimutan na may event bukas ah!
Punyeta ka, oo nga pala may event pa akong pupuntahan bukas. Tinignan ko ang calendar ko para malaman kung anong oras ba ang event na 'yon.
"Alas cinco... Okay na rin. Wala naman na akong importante na pupuntahan bukas kundi ang magsiyasa at magseminar lang. Dalawang oras lang naman akong naroon."
To: Drew
Noted! Sir Andrew :)
Huminga ako ng malalim at nilabas ito ng mabagal. Napapikit na lang ako ng mata sa sobrang pagod na nararamdaman ko. Pero ang bigat talaga ng nararamdaman ko. Para bang may nakalimutan ako na ewan.
"May nakalimutan ba ako?"
"Iyon lang naman ang gagawin bukas ah."
Napaisip ako ng mabuti kung ano ba ang nakalimutan ko.
"Wala naman. Baka marami lang akong naiisip."
Pumunta na ako sa kuwarto ko para magpahinga, bago ako matulog ay nagpalit muna ako ng damit. Nang makapalit na ako ay humilata na ako. Hindi pa naman ako tinatamaan ng antok kaya ginamit ko muna ang telepono ko.
"Bakit ba gano'n! Wala naman akong nakalimutan."
Binaba ko sa pag-gamit ang cellphone ko para isipin ng mas mabuti kung may nakalimutan ba talaga ako or masyado lang magulo ang isip ko. Tuesday. Ano pa ba ang importanteng gagawin ko bukas?
"Antok lang 'to."
Kinuha ko na ang kumot ko sa paahan nang makatulog na 'ko. Bago matulog ay nagdasal muna ako para may guide naman ako bukas dahil pagkagising na pagkagising ko ay may gagawin na agad ako. Pagkatapos kong magdasal ay kinuha ko na ang sobrang unan sa tabi ko at niyakap ito nang makatulog ako ng mahimbing para mabawas-bawasan ang kaba ko.
"Ano ba 'yan. Ang aga-aga e," Reklamo ko.
Dahil sa inis ay kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table para malaman kung ano na ang oras.
"Tangina... Alas otso na ng umaga!"
Dali-dali akong tumayo sa pagkahiga ko at inayos ng mabilisan ang hinigaan ko. Dumiretso na rin ako ng banyo para makaligo, muntik pang mabagok ang ulo ko sa pagmamadali. Nang makaligo na ako ay gumawa lang ako ng mabilisang almusal dahil malayo-layo rin ang ibibiyahe ko papunta roon sa seminar. Pagtapos kong mag-almusal ay nagtoothbrush muna ako tsaka naman umalis sa pag-aalala na baka mahuli sa seminar.
BINABASA MO ANG
Stations Of Life
FanfictionThis is a Dedicated story for my friend, this story may be offensive for some people so i recommend that you read it at your own risk. What to Remember when reading my story: - My stories are written in Taglish. (Tagalog and English) - Some jokes i...