16

48 1 33
                                    


From: Squirrel sa Taguig

h4pPy b1rThD@y no0n4! H0g5¡ n4mJ@cH1n9u iSs30yoW?

To: Squirrel sa Taguig

Thank you?

I appreciated the fact that he probably waited midnight just to greet me 'Happy Birthday' but, 'di naman ako umasa na magiging matino ang greet niya, promise.

From: Squirrel sa Taguig

Ba't parang hindi ka sure? HAHAHAHAHAHA! Don't worry ako'y babawi sayo mamayang hapon.

To: Squirrel sa Taguig

Siguraduhin mo lang, chous!

Madaling araw na pala at hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog, akala ko ay naaantok ako pero binibigo ako ng utak ko. Dahil 'di ako makatulog pumunta ako sa harap ng bahay namin para magpahangin at magmunimuni. May wooden chair kami roon kaya 'di ko na kinailangan na maglabas pa ng upuan galing sa loob.

Masarap ang simoy ng hangin kaya ipinikit ko ang mga mata ko, naging aware rin ako sa surroundings dahil baka mahuli ako ng mga tanod na rumeresponde madaling araw. Masaya na sana 'yung moment kaso nga lang may peste na nakisingit. "Oh, ano'ng ginagawa mo riyan?" Si kuya lang pala.

"Nagpapahangin. 'Di ako makatulog e," Paliwanag ko sa kanya.

"Happy Birthday," Sabi niya habang umupo sa tabi ko.

"Thank you, kuya."

Iyon na ata ang pinaka-sweet na moment naming magkapatid.

"Okay ba kayo ni Jisung?"

"Okay lang naman kami, close kami, we're in good terms."

"Maayos ba naman ang trato niya sayo?"

"Oo. Ang galang niya nga e."

Tumango lang siya.

"Bakit mo ba ako iniinterview kuya? Akala mo naman kukuha ako ng trabaho!" Sabi ko sa kanya.

"Gusto ko lang naman maassure kung maayos ang trato niya sayo.. Tandaan mo, nakatatandang kapatid mo pa rin ako. Madalas man akong loko-loko pero worried ako sayo 'no!"

"Ang plastic mo kuya!"

"Siyempre birthday mo kaya plastican to the max muna tayo tapos babalik na rin ulit sa dati bukas," Sabi niyang matawa-tawa. "Pero totoo ang lahat ng sinabi ko kanina ah. Ingat kayong dalawa, stay strong."

Pagkasabi niya noong ay pumasok na rin siya sa luob ng bahay para magpahinga. Tumagal ako ng mga kalahating oras sa labas bago ako bumalik sa loob para matulog. Pero bago ako makahiga sa kama ay tinignan ko muna ang telepono ko, nakita ko na bumati na rin sa'kin ng happy birthday sina Chesca, Seungmin at Cian.

Marami-rami pang iba pero sila kasi 'yung may pamessage pa na kyemberlu.

Anong kaya ang message sa'kin ni Jisung?

"Ewan ko sayo Eunice! Matulog ka na nga." Wika ko sa sarili ko para maencorage akong matulog, ang taray self support.

Nakatulog na rin ako kaagad noong humiga ako. Pagkagising ko naman ay dumiretso na ako sa banyo para maligo.

"Happy birthday, 'nak!" Bati sa'kin ni Mommy na naghahanda ng makakain namin.

"Good morning mi, thank you," Sagot ko naman sa kanya.

Umupo na 'ko sa upuan dahil nakahain na naman ang almusal na kakainin namin. Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kuwarto ko, ang sabi ko sa kanila ay ako na ang maghuhugas pero magpahinga na lang daw ako kasi birthday ko raw. Wala naman akong magawa sa loob ng bahay kaya nagbabalak ako na umalis, nagsuot lang ako ng simpleng t-shirt at demin pants dahil sa Zoo Coffee lang naman ang punta ko.

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon