19

40 1 49
                                    

"It's okay." Sambit nang bata, nalulukot.

Mukhang mag-uusap sila kaya without a word ay umalis na agad ako. "You guys are always busy with work that you frequently forget to fetch me." Rinig ko pa ang boses noong bata na naiiyak.

Napatigil ako sa paglalakad ko dahil sa sinabi nang bata kay Jisung.

"I'm sorry, Yunho. I was just so busy at work, i'll make it up to you later. What do you want?"

I heard the little boy sob and continued to talk. "All of you have that as an excuse."

"Look, Mom and Dad are recently busy because of business trips, and-"

"What? What is your excuse of being busy?" Wika ni Yunho.

"You're busy because of what? Work? Don't you guys have time to give me affection, or even just time for me?" Dagdag niya. Nakaaawa ang bata dahil sa murang edad ay ganyan siya mag-isip.

"Yunho, don't think like that," Saad ni Jisung ng mahinhin sa bata.

"How can i not think like that when you treat me like that."

"I swear, it's not like what you think," Wika ni Jisung na medjo tumataas ang boses.

"It's exactly what i think," Sagot noong bata sa kanya.

"Why are you so stubborn?! It's annoying me!"

Dahil sa sinaad ni Jisung sa bata ay napatingin ako sa likod ko at nakitang tumutulo ang mga luha ni Yunho galing sa mata niya, nakita ko ring pilit na pinatitigil ni Yunho ang luha niya.

Nang makita ako noong bata na nakatingin ay tumayo siya sa upuan at tumakbo papunta sa'kin, sabay na niyakap ako. Naramdaman ko pang nababasa ang pants ko, okay lang naman sa akin 'yun. Habang umiiyak ang bata ay hinahaplos ko ang buhok niya.

"Yunho don't bother her," Saad ni Jisung habang naglalakad palapit sa amin.

"Jisung, ba't mo naman kasi sasabihan ang bata ng gano'n?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mangialam sa kanila dahil maling-mali ang ginawa niya.

"Huwag ka ng mangialam dito Eunice," He said in a irritated voice.

"Paanong hindi ako mangingialam? Mali ang inaasal mo roon sa bata." Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na magalit sa kanya.

"Do not tolerate the behavior of the child!" He said furiously.

"Mali kasi ang trato mo sa bata! Sana kinausap mo ng mabuti hindi 'yung sasabihan mo ng gano'ng mga salita. Baka paglaki n'yan 'yon ang isipin niya sa sarili niya, tapos ano? Kasalanan pa ng bata na gano'n siya mag-isip?"

Habang nagtataasan kami ng boses ni Jisung ay rinig kong mas lumalakas ang iyak ng bata at mas humihigpit ang yakap niya sa'kin. May binubulong ang bata sa sarili niya kaya nag-aalala na ako lalo dahil baka kung ano na ang iniisip o kaya naman gawin nang bata.

"Please, stop," Rinig naming malakas na bulong nang bata.

Agad naman kaming tumigil. Sobrang immature ng ginawa namin, nag-away kami sa harap pa talaga ng bata.

"S-sorry po. Kuya and teacher, i'm the one who caused this trouble," Rinig kong paliwanag ng bata, bumitaw sa'kin at pumunta kay Jisung para humingi ng pasensya sa kanya.

"Kuya, i'm sorry if i am stubborn and annoying."

'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Ang nasa isip tuloy ngayon ng bata ay matigas ang ulo niya at nakaiinis siya, kahit hindi naman talaga.

"Pag-usapan n'yong magkapatid 'yan," Wika ko kay Jisung habang nilagay ang kamay ko sa balikat niya. Umalis na rin ako pagkatapos ko siyang pagsabihan.

Stations Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon