"Hello, Palmon fam!" Salubong ni Chesca sa pamilya ko na naghahanda ng mga makakain namin.
"Nandito na pala kayo, jusko po. Ang aga niyo ah," Sabi ni mommy na nagluluto pa sa kusina.
"Hi, tita."
"Hello, iho! Kumusta ka? Ang tagal na rin nating 'di nagkita ah. Okay lang ba kayong dalawa ni Eunice?"
"Okay lang po ako tita. Me and Eunice are in good terms, we're closer than before."
"Mabuti naman at maayos lang kayong dalawa," Sagot ni mommy kay Jisung.
"Tita, anong niluluto? Ay, tita alam mo ba nakasalubong namin yung magaling na Angelica na 'yun kanina," Pinabayaan ko muna na makipagusap si Chesca kay mommy mag-isa, at dinirect ko na lang sina Seungmin at Jisung sa sala.
'Di na bago na nan dito si Chesca dahil pag may occasion dito sa amin iniimbita talaga namin siya, pati na rin si Seungmin, sanay na rin siya dito kasi tulad ni Chesca pag may birthday o kaya naman anniversary narito siya.
"Sino ba 'yung Angelica na 'yon? Bakit pati si tita kilala siya?" Tanong ni Seungmin sa'kin.
"Ganito kasi 'yon."
"Wait lang, Eunice ah. May meeting pa kami sa Supreme Pupil Government. 'Di kita masasamahan na umuwi ngayon, sabay na lang kayong dalawa ni Angelica ah? Sige, bye!" Paalam sa'kin ni Chesca na halatang natataranta na dahil late na siya sa meeting nilang mga officer sa buong school.
"Ah gano'n? Sige, bye." Binalik ko naman ang paalam sa kaniya.
"Eunice! Ano tara na uwi na tayo, tricycle tayo!"
"Tricycle? Sino magbabayad? Ako na naman. Huwag na, maglakad na lang tayo. Nauubos na 'yung pera ni mommy kakalibre sa'tin sa tricycle."
"Ano ba naman yan! Ang mura lang ng biyahe sa tricycle 'di mo pa gawang magbayad!"
"Mura pala, diba? Ba't hindi ikaw yung magbayad?"
"Tsk, ano ba yan. Tricycle lang 'di pa gawang magbayad. Bastos," Rinig kong sabi niya habang naglalakad palayo sa'kin.
"Ako pa talaga 'yung bastos." Bulong ko sa sarili ko.
Kinabukasan na at papasok na naman kasi sa school. Buti na lang at Wednesday ngayon kaya puwede akong malate.
"Jorence! Nasa baba na si Angelica. Pasok na kayo!" Rinig kong sigaw sa'kin ni mommy. Kanina pa naman ako gising, nakaligo at almusal na rin ako kaya bumaba na ako.
"Eunice, tara na. Pasok na tayo," Wika niya sa akin na naka ngiti pa. Ang plastic. Pustahan magpapalibre na naman yan sa tricycle.
"Sige, tara na."
Nang maka sakay kaming dalawa sa tricycle nagdaldalan muna kami.
"Nakakainis si Chesca 'no? Akala mo naman maganda siya."
Nang sinabi niya 'yun nararamdaman ko na bumibilog na pala yung kamay ko sa galit, pero pinigilan ko lang 'yung sarili ko dahil gusto ko muna siyang paglaruan. Kunwari agree ako sa sinasabi niya kahit, hindi.
"Oo nga, 'di ko nga alam kung bakit ko 'yun pinili as bestfriend ko. Nakakainis siya, feeling maganda talaga. Kahit hindi niya pinapakita na ggss niya nafefeel ko na 'yon ang nararamdaman niya." Sagot ko kay Angelica. Gago tong babae na 'to. Balang araw she'll deserve the karma that she will get. Itataga ko yan sa bato.
"Kuya, diyan na lang po kami." Sabi niya sa tricycle driver at nagmadaling pumasok sa loob ng paaralan.
Sabi ko na nga ba, ako pa rin ang magbabayad ng fee namin sa tricycle. Maypasabi pa siya na mura lang sumakay sa tricycle kahapon.
BINABASA MO ANG
Stations Of Life
FanfictionThis is a Dedicated story for my friend, this story may be offensive for some people so i recommend that you read it at your own risk. What to Remember when reading my story: - My stories are written in Taglish. (Tagalog and English) - Some jokes i...