34|Revelations|

410 2 0
                                    

“R-Raven?”

“Please?”

“Ah, sure…”bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at dinala ako sa parking lot kung saan nakapark ang kotse niya.

Tahimik lang kami sa loob. Ang awkward nga eh :/ Lately, parang iba siya… yung hindi masyadong suplado ganun? Ewan ko ba kung bakit…

Pero, parang…. Namimiss ko yung pagiging masungit niya. Huh? Namiss?

Jk. Lang. Haha! Kayo naman hindi mabiro. :P Libre tawa!

(A/N: joke nga lang ba? :) )

”Uhmm… gusto mo ban kumain muna?”tanong niya sa akin.

‘’Hmm… sige.”

Pumunta naman kami sa McDo at dun kumain. Favorite niya daw kasi yun eh at ang dami pa niyang inorder. :) Haha! Nakakatuwa! Parang bata si Raven.

“Ang cute mo pala no? Kahit suplado… “sabi ko.

Iniwas lang naman niya ang tingin niya at nakita kong namumula siya.

“Eh, CUTE!!!!”

“Tumigil ka nga!”

“Hmp. Para cute lang eh >.<”

Pagkatapos namin kumain hinatid na niya ako sa bahay. Inaasar ko pa nga siya :P

“Ingat sa pagd-drive ha?”sabi ko. Tumango lang naman siya at saka umalis.

After ten minutes may biglang kumatok sa pinto. Hmm… baka may nakalimutan si Raven?

Pagbukas ko, nagulat ako ng may dalawang lalaking humawak sa braso ko. Sinubukan kong kumawala pero tinakpan nila ang mukha ko ng isang panyo. Next thing I knew everything went black.

----------------------------------------------

Unti-unti kong iminulat ang mata ko…

Nasaan ako? Waah! >.< Kidnap ba to’?

Nasa loob ako ng isang madilim na kuwarto. Magulo sa loob at makalat. May narinig naman akong lalaki.

“Gising na po siya.”

Saka ko lang napansin na nakatali pala ang paa’t kamay ko.

Maya-maya ay may nakita akong anim na tao sa harap ko. Isang babae at isang lalalalaki. Medyo hindi ko maaninag ang mukha nila dahil madilim pero nagulat ako ng…

“Vina?!”

“I’m sorry, Glayza.”

“P-Paanong…”

Nakita ko namang nakasmirk yung lalaki at nilapitan ako. Iniwas naman ni Vina ang tingin niya sa akin.

“Hmm… Totoo nga ang sabi nila. Ang ganda mo.”sabi ng lalaking nasa harap ko ngayon. Halos kaedad ko lang ata siya eh. Mukha rin siyang korean. “Kaya pala nagustuhan ka ni Raven.” Sabi niya at ngumisi.

“Huh? Ano bang pinagsasasabi mo?”

“Maiintindihan mo rin.”

“Bakit mo ako dinala dito? Sino ka ba?”

“Ako si Dark Gwey Rain. Leader ako ng Dark Piercer’s Gang.”

“G-gang?”

“Oo. Dinala kita dito para tuluyan ko nang mapatay ang mortal kong kaaway. Si Raven Casabella. ”

“Ano?! S-si Raven?”

Hindi niya ako sinagot instead nakita ko siyang kinuha ang cellphone niya at nag dial. Maya-maya pa.

“Raven...—Sino pa kundi ang kaaway mo…-- Gusto kong makipagkita ka sa akin ngayon. Mag-isa.—Nasa akin lang naman ang pinakamamahal mo.—Ayaw mong maniwala, puwes, bibigyan kita ng ebidensya.--”lumapit naman siya sa akin at itinapat ang telepono.”Kausapin mo siya Ms. Victorina.” Hindi ako umimik at mukha namang nagalit siya.

Nagulat ako ng naglabas siya ng kutsilyo at itinaga sa braso ko.

“AAAHHHH!” napasigaw ako sa sakit. Narinig ko namang tumatawa ang demonyong nasa harap ko. Nakita kong umalis si Vina.

Sobrang hapdi. Sobrang hapdi, napaiyak na ako.

“R-Raven--- Wag… ka ng… pumunta dito… Hayaan mo…. Sila…” agad namang siyang kinausap ni Dark Gwey Rain. “Wag na wag kang magkakamaling magsama ng iba kung hindi, alam mo na ang mangyayari.”

[A/N: Guys, Fail na ba ako? Sorry kung iyan lang ang nakayanan ha... :/ Vote or Comment naman po... Thank you]

The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon