37|Loveless Casanova|

375 4 0
                                    

Gren's POV -The Perfect Prince-

Sinuntok ako ni Chris at hinayaan ko lang na ilabas niya ang galit niya sa akin, Gigil siya. Parang gusto na niyang pumatay. Hindi ko naman siya ginagantihan kahit masaktan ako. Tinanggap ko lahat ng suntok niya.

Napatungo ako.

I deserve this.

“C-Chris, t-tama…. na yan…”napatingin kaming lahat sa nagsalita.

“Glayza?!”

“G-Gren?”

Biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Raven. Halatang nagulat siya sa nakita niya. Natigilan siya ng ilang Segundo at saka pa lang inawat si Chris. Tinulungan naman ako ni Shayne tumayo.

“Gren, okay ka lang ba?”

Tumango lang ako sa kanya.

Tumayo ako at lumapit kay Glayza.

“Glayza…”

Nalungkot ako nung Makita ko ang kalagayan niya. Hindi ko man lang siya naprotektahan. Napabayaan ko siya dahil sa pagkaduwag ko. Hindi ko dapat tinakbuhan ang isang taong importante sa akin. Ito na siguro ang pinakamalaking pagkakamal na nagawa ko. Haay! Ang gago ko talaga. Dapat pinatunayan ko ang nararamdaman ko hindi yung susuko agad ako.

Napayukom na lang ang kamao ko. Nagagalit ako sa sarili ko.

“Glayza, hahayaan mo ba akong mag explain? Tatanggapin mo pa ba ako?”

Natahimik si Glayza… Parang nag aalinlangan siya…

Chris’ POV –The Casanova Prince-

Umiwas ng tingin si Glayza…

Nandun lang ako sa sulok. Lahat kami, hinihintay ang magiging sagot niya…

“P-pagbibigyan kita.”

Hindi ko alam pero lalo akong nagalit sa narinig ko. Ang t*nga lang kasi. Nasaktan siya tapos ngayon willing siyang patawarin agad ang agong yun?!

“T*ngina! Glayza, lolokohin ka lang ulit ng walang kuwentang lalaking iyan! Wag ka ng makipagusap sa kanya. Papaniwalain ka lang niya sa mga kasinungalingan niya!!!”

“P-pero, Chris…’’

“Wala kang karapatang pangunahan si Glayza. Nagdesisyon na siya. Hahayaan niya akong magpaliwanag.”-Gren.

Ah, P*ta.

“Chris, mabuti pa, umalis ka na muna.”sabi ni Glayza habang nakatingin sa gilid.

“Wow, ito ang mapapala ko sa lahat ng ginawa ko para sa’yo? Hah. You’re Welcome.”lumabas ako at malakas na isinara ang pinto. Paglabas ko, nasuntok ko yung pader sa sobrang galit ko.

T*ngina! Ano ako? Substitute Bestfriend na pag bumalik na yung g*gong yun, itataboy na niya ako?

Wala akong inisip kundi kapakanan niya.

And this is what I get.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar ito ng mabilis.

-Bar-

Tulad ng dati, napadpad ako dito sa Bar.

Umupo ako at nag-order ng drinks. Nilunod ko ang sarili ko sa alak.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko… Bakit ba ako nagkakaganito?!

Tss. I’m so Pathetic. Kahinaan ako ng mga babae. And yet, babae lang din pala ang kahinaan ko.

Pinagtitinginan na ako dito. Sumasakit na ang ulo ko and this is something new. Hindi kasi ako nalalasing agad so siguro masyado na ngang marami ang nainom ako. May lumapit sa aking babae. Umpo siya sa upuan sa tabi ko. In fairness, maganda siya, maputi, matangos ang ilong. Parang familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita… Siguro lasing na talaga ako.

“Hi, you’re alone?”medyo nahihilo ako pero sinagot ko pa rin siya.

“Yeah”nakangiti kong sagot sa kanya.

“You’re more handsome when you’re drunk.”Nagkatitigan kami at nagulat ako ng hinawakan niya ang kuwelyo ko at hinalikan ako and then I realized that I was kissing her back.

“F*cking good kisser.”sabi niya sa akin ng nakangiti.

“I know.”I smiled at her.

“You must have a lot of girls falling for you...”she giggled. I was about to answer when she kissed me again. Tss. Kung alam lang niya... Madami ng nagkakagusto sa akin pero yung kaisa-isang mahal ko, hindi naman ako mahal. She deepened the kiss.It was a passionate one. Ipinikit ko ang mga mata ko. Wala na akong maintindihan.Then, everything went black.

Glayza’s POV

Sorry,  Chris… I hate to turn you away. Pero, may karapatan din kasi si Gren na mag explain kaya pakikinggan ko siya. I’m so sorry.

Lumabas muna sila sa room ko para bigyan kami ni Gren ng privacy. Umupo naman ako sa hospital bed para mas madali ko siya makausap. Okay na naman ang pakiramdam ko. Medyo nanghihina lang ng konti…

“Glayza, yung pagpunta ko sa U.S. emergency kasi yun… May naging problema kasi sa Company namin and pupunta dapat si Dad dun pero yun kasi yung after nung confession ko sa’yo…”He sighed at ipinagpatuloy ang kuwento ko. “I volunteered na ako na lang ang pupunta doon. Parang nagets na naman yun nina Mommy kaya pumayag sila. Sa hotel ng parents mo ako tumuloy and after a few weeks, naayos din naman yung problem pero I decided to stay longer kasi I thought na nagkamali lang ako sa naramdaman ko sa’yo. Akala ko mawawala rin yun at makakalimutan ko yung nararamdaman ko kapag nalayo ako sa’yo pero I thought wrong. Mas lumala pa ata kasi dun ko lang narealize kung gaano kasaya kapag kasama kita sobrang sobrang namiss talaga kita.”

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Tumulo ang mga luha ko… Hindi ko mapigilan.

“Eh nakakainis ka naman! Nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan pero anong ginawa mo?! Alam mo ba kung ilang beses kitang iniyakan ha?!”hindi ko namalayang hinahampas ko na pala siya…

Niyakap niya ulit ako ng mahigpit…

“Shh, I’m sorry. Leaving you is the biggest mistake I’ve ever done in my whole life. I’m sorry.”

Lumuhod siya at yumuko.

“It’s okay if you can’t return my feelings but can I still have you as my bestfriend………… CG?”

 [VOTE. COMMENT.]

The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon