Glayza’s POV
“Ano?! Aalis na si Gren?”
“Oo! Bilisan mo na Glayza! 9:00 ang flight niya! Please! Ikaw lang ang makakpigil sa kanya!”tumayo agad ako at tumakbo palabas ng Campus pero, ah sh*t walang dumadaan na taxi. Tiningnan ko ang relo ko. 8:00. Kaya pa.
“Hon, nagmamadali ka ata? Saan ka papunta?”
“Chris! I hate to say this pero, tulungan mo naman kami.”
“Oh? Ano bang meron?”
“Basta, mamaya na lang. Dalhin mo kami sa airport bilis!”mabilis kaming pumasok sa kotse ni Chris at pinaandar naman ni Chris ng mabilis ang sasakyan niya.
LORD!!!!
Sana maabutan namin si Gren!
Bakit ba kasi kailangan niyang umalis? Dahil ba sa akin? *sigh* Gren! Wag kang umalis please! Hindi ko kaya! Kayo lang ni Marie ang meron ako ngayon!!
“Traffic.”
“Ano?! Hindi puwede…”
Ano na bang gagawin namin??? Tsk! Wrong timing naman eh! Tiningnan ko ng relo ko! Ano ba yan! 8”30 na!!! Gusto ko na talagang liparin ang airport!!!! Ghad!!!!!!!!
After some time which felt like forever, umandar na ulit yung kotse sa unahan namin. Buti naman!!!!
At last! Nakarating na din kami sa Airoprt. Kasunod ko si Marie, Shayne at Chris. Agad akong bumaba at tumakbo papasok. Pumunta ako sa may lobby.
“Miss, nakaalis na po ba yung flight ni Carlos Gren Romualdez?”
“Wait lang po Ma’am, Check ko lang po.”
“Pakibilis lang po.”
“Ah, Ma’am kaaalis lang po.”
Pagkatapos niyang sabihin yun. Pakiramdam ko, nanlambot ang tuhod ko, At gumuho ang mundo ko. Never pa akong nahiwalay kay Gren. Tumulo na naman ang mga luha galing sa mata ko. Kasabay ng pagbalik ng mga alaala namin ng magkasama.
Bakit mo ako iniwan Gren?
Akala ko ba walang iwanan?
Paano na ako? Kami?
Naramdaman ko namang may yumakap sa akin. Si, Chris.
“Glayza, hindi ako magaling sa mga ganitong bagay. Pero, tahan na. Magiging ok din ang lahat. Gagawin ko lahat para maging ok ka.”
Kinilabutan pa ako sa sinabi ni Chris. Napatingin ako sa kanya. Walang halong biro o pagloloko. Seryoso talaga siya. Siguro alam din niya na masakit mawala ang bestfriend mo sa’yo….
“Salamat Chris.”
“Wag kang mag-alala. Siguradong babalik din ang Bestfriend mo.”
Gren, hihintayin kita. Alam kong babalik at babalik ka rin Gren.
Hihintayin kita kahit gaano katagal.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-2 weeks later-
Marie’s POV
2 weeks na ang nakakaraan simula nung umalis si Gren. Madaming nangyari nung 2 weeks na yun. Si Glayza, daig pa ang namatayan. Hindi na lumalabas ng bahay maliban na lang kung kailangang kailangan talaga. Palagi rin nakasimangot.
Alam niyo ba yung feeling na, sa lahat ng problem among haharapin, may kasama ka? May kasangga ka? May taong palaging nandiyan sa tabi mo para tulungan ka at maging sandalan mo? Para kasi kay Glayza, si Gren yun. Noon kasi, nung bata pa silang dalawa, palaging may nang aasar kay Glayza at si Gren ang tagapag tanggol niya. Hindi siguro alam ni Glayza na naging dependent na siya kay Gren. At ngayong wala na si Gren, pakiramdam niya, mag-isa na siya.
BINABASA MO ANG
The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)
RomancePaano kung ang isang GANGSTER at isang CASANOVA ay magkagusto sa isang babae na may PERFECT BESTFRIEND/ADMIRER Sinong mananalo? Isang Gangster na palaban at walang sinusukuan? Isang Casanova na determinadong makuha ang lahat ng gusto niya? o Isang M...