39|New Beginnings|

367 2 0
                                    

Raven's POV

Nitong huling mga araw, marami akong narealize.

Masaya ako dahil walang nangyari kay Vina at Czarina. Pero hindi magtatapos dito ang lahat.Hindi lang si Gwey Rain ang maaring gumawa nito kaya naman hindi imposible na maulit to uli.

Kaya ngayon nandito ako at kaharap ang gang ko.

Ang gang na naging karamay ko sa lahat.

Ang gang na minahal ko buong buhay ko.

At ang gang.... na iiwan ko.

Oo. Iiwan ko na ang gang ko. Ang gang na ako mismo ang bumuo.

Kahapon noong kayakap ko si Czarina, lalong tumindi yung nararamdaman ko para sa kanya. Mas naging sure ako sa nararamdaman ko. Kahapon, parang bumagal ang oras at ang naririnigko lang ay ang mabilis na tibok ng puso ko na nangyayari lang kapag kasama ko si Czarina. Kaya naman ngayon, ginagawa ko to. P-Protektahan ko siya at gagawin ko ang lahat para mapasaakin siya.

"Sigurado ka na ba diyan Raven?"-Ric

"Alam mo naman siguro ang rules. Pag umalis ka, there's no turning back."-Rixelle

"Oo. Alam ko. Matagal ko na itong pinag-isipan. Kayo ang naging buhay ko ng maraming taon kaya naging mahirap para sakin na piliing iwan kayo. Pero, sa tingin ko para ito sa ikabubuti ng lahat. Alam niyo kung gaano ko kayo kamahal. At alam niyo din ang nararamdaman ko kay Czarina. Sana ay maintindihan niyo ako."

"Wala na ba talaga kaming magagawa para pigilan ka?"tanong naman ni Ron

"Oo nga Raven, alam mo naman siguro na mawawalan ka ng kahit anong koneksyon sa R7."

"Isasakripisyo mo ba talaga ang Gang?"tanong naman ni Ray.

Marahan akong tumango. Inilahad naman ni Ron ang kamay niya.

Iniabot ko ang palad ko. Kumuha siya ng kutsilyo at tinaga ang isang symbol dun.

Tinalikuran ko na sila. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon