24|False Betrayal|

599 5 0
                                    

Ron’s POV

P*tang In*!

“Ah, ang sakit ng ulo ko >.<”

Nasaan na ba kasi yung L*ntek na Cellphone na yun? Kanina ko pa yung hinahanap eh!

*knock knock*

“P*TA! SINO GA YAN?! AGANG AGA! MAMBUBULABOG SA PAMAMAHAY KO!”

“Si Chloe to.”

Chloe? O_O

Binuksan ko yung pinto at nakita kong, mukhang galit siya sa akin. -_-

“Oi! Chloe…”

“…” Bakit hindi niya ako pinansin at nagdire diretso siya papuntang kusina?

“Huy!”

“…”Kumuha siya ng isang basong tubig at hindi pa rin ako pinansin. Ano bang problema nito?

“Kung nagagalit ka dahil nasigawan kita kanina, sorry na… hindi ko naman sinasadya, akala ko kasi kung si---“

*SLAAAP*

“F*ck! Ano bang ginawa ko sa’yo?!”

Kinuha niya yung bag niya at inilabas…

Yung cellphone KO?

“B-bakit? Pano napapunta iyan sa’yo?”

“Manloloko ka!”

“Ano?! Hindi kita niloloko Chloe!”

“Sinungaling! Nakita ko ang mga pictures ng mga babae mo sa Cellphone mo!”

“Hayaan mo muna akong magpaliwanag! Please!”

“Alam ko namang masama ang ugali mo Ron! Kaya nga gangster ka eh! Pero hindi ko akalaing mala demonyo ka pala! Pati yung mahal ng kaibigan mo aagawin mo! Napakasama mo Ron!”

“Hindi kita maintindihan Chloe!”

“Nakita ko ang Pictures ni Glayza Victorina sa Cellphone mo. Ano masaya ka na?”

“P*akshet! Anong akala mo?  may gusto ako sa kanya?  Ibibigay ko yun kay Raven eh! Kahit kalian hinding hindi ko kayang magtaksil sa sarili kong kaibigan! Lalo pa’t ka gang ko!”

“Tingin mo maniniwala pa ako sa’yo? Ha?! Huli ka na, Itinatanggi mo pa!  Nandito ako para sabihing wala na tayo…. “

“Teka, Chloe!” nagsimula na siyang maglakad paalis pero nung nasa may tapat na siya ng pinto, tumigil siya at humarap sa akin.

“Sabihin mo kay Glayza, mag-ingat siya.” At tuluyan na niyang isinara ang pinto.

SHET. Ano na naman bang binabalak ng babaeng yun?! Kailangan kong sabihan si Glayza at Raven tungkol dito. Sa lalong madaling panahon. Kung hindi baka kung anong mangyari sa kanya.

Glayza’s POV

Papasok na ako ng School. Dumaan ako sa Main Gate. Tiningnan ko naman ang relo ko. 7:45. 15 minutes na lang at time na. Dapat lahat ng estudyante, nasa Classroom na ngayon eh. Pero bakit nandito sila sa may Lobby? Lahat sila, hawak ang mga Cellphone nila.

Bigla naman silang napatingin sa akin. At pagkatapos, pinagtuturo nila ako at nagsimula silang magbulungan…

‘Siya ba yun?’

‘Oh my Gosh! Nakakahiya’

‘Nakita mo ba yung reaksyon nung lalaki kanina nung nakita niya ito? Nakakatakot.’

The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon