Glayza's POV
"G-Gren..."
"Bakit ang lalim ata ng iniisip mo? May problema ba?"tanong niya
"Wala..."I answered plainly.
"Pero bakit nakatingin ka sa kawalan?"
"..."
"Okay lang kahit ayaw mong sabihin..."sabi niya na medyo disappointed.
"Gren, puwede bang magtanong?"
"Oo naman."
"Bestfriend kita di'ba?"
"Bestfriend? O-oo naman.... bestfriend..."bigla naman siyang napatingin sa malayo.
"Di'ba kapag mag Bestfriend, walang itinatago sa isa't isa?"
"Oo."
"Pero Gren, paano kung may itinago ako sa iyong isang bagay? Magagalit ka ba?"kumunot ang noo niya at napatingin siya sa akin.
"Oo naman... Syempre kahit bestfriend kita, magagalit ako pero kahit ganun, hindi pa rin kita iiwan... Bakit mo nga pala naitanong?"
"Kasi, ano.... Nakita ko kasi kayo ni... Shayne na.... m-magkayakap...."
"Ano?!"
"Alam mo CG, ok lang naman sa akin eh. Ang hindi ko lang maintindihan,kung bakit hindi mo agad sinabi sa akin..."
"Gly, lahat ng tungkol sa akin alam mo... Yung, sa amin ni Shayne, w-wala lang yun..."
"Wala lang yun?! Ang makita kang may kayakap na iba?! Gren, bestfriend mo ako, dapat sinasabi mo sa akin ang mga ganung bagay!."
"Pero, wala lang talaga yun! Kailangan niya lang ng karamay nung mga panahon na yun. Makinig ka muna sa paliwanag ko please!"
"Gren, kung ako ba, makita mong may kayakap na iba, anong mararamdaman mo?"
"M-masasaktan ako."
"Gren, alam mo bang, ganun ang nararamdaman ko?"
"H-ha?"
"Ganun ang pakiramdam ko kasi Bestfriend kita! Bestfriend kita Gren! BESTFRIEND!"tumayo na ako at naglakad palayo. Pero nahagip niya ang kamay ko at ihinarap niya ako sa kanya. Tiningnan niya ako ng seryoso. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at sinabing...
"Glayza, alam ko namang Bestfriend mo lang ako at wala akong karapatan pero gusto kong malaman mo na kung mangyari man na makita kitang may kayakap na iba, masasaktan ako! Masasaktan ako hindi dahil Bestfriend mo ako! Masasaktan ako kasi, MAHAL KITA GLAYZA! MAHAL NA MAHAL!" kasabay ng pagkakasabi niya nun, pumatak ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero, hindi ko napigilan ang mga luhang nag uuna unahang pumatak.
Masakit. Masakit kasi alam kong mula talaga sa puso ang sinasabi niya. At ang masakit pa, hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya. Noon, ipinangako ko sa kanya na hindi ko hahayaang masaktan siya ng dahil sa isang babae. Pero ang masakit, ako pala ang babaeng mananakit sa sarili kong Bestfriend.
Napatakbo ako pabalik ng Cottage. Hindi na naman ako hinabol ni Gren...
Tama ba ang narinig ko? M-mahal niya.... ako? Pero, hindi puwede...
Bigla namang pumasok si Marie.
"Oh, Glayza bakit ka umiiyak?"tanong niya.
"M-Marie... Si, Gren..."
"Oh, anong nangyari sa kanya?"
"Ayokong masaktan siya Marie. Ayoko."
"Huh? Ano bang sinasabi mo?"
"Mahal niya ako Marie. Mahal niya ako."
"Mahal ka nino?"-Raven
[A/N: Short Updates langang magagawa ko kasi busy... Pero promise, I'll try to update as soon as I can... VOTE. COMMENT.]
BINABASA MO ANG
The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)
RomancePaano kung ang isang GANGSTER at isang CASANOVA ay magkagusto sa isang babae na may PERFECT BESTFRIEND/ADMIRER Sinong mananalo? Isang Gangster na palaban at walang sinusukuan? Isang Casanova na determinadong makuha ang lahat ng gusto niya? o Isang M...