2 |Para sa Kanya|

1.1K 22 4
                                    

2 |Para sa kanya|

Glayza’s  POV

“A-ano ba yung kapalit?”

“Ibigay mo sakin....

Ang...

First Kiss mo. >:D”

“Ano?! Seryoso ka ba? Paano mo nalamang wala akong First Kiss?”

“Kasasabi mo lang. And yes. Seryoso ako.”

“Eh, ayoko nga ibigay sa’yo ang First kiss ko! Mahalaga iyon sa akin tapos mapupunta lang sa’yo? No way!”

“T*nga ka ba talaga? Ako na nga itong nag o-offer tapos may gana ka pang tumanggi? Minsan lang mangyari to’ kaya lubusin mo na! Hindi mo ba alam na libo ang naka line-up para maging Girlfriend ko tapos ikaw, pagbibigyan ko ng isang halik ayaw  mo pa? You’re insane! Wala ng babaeng magpapalagpas nito! Sa guwapo kong ito!”

“Well, insane man o hindi, hindi ko ibibigay ang first kiss ko sa isang mayabang, conceited at jerk na tulad mo!”

“Madali naman akong kausap eh.” Kumuha siya ng Box at inilagay dun ang singsing. May pinindot siya. I assume, may Password yun kaya hindi ko mabubuksan kahit makuha ko. Kainis!

“Ibalik mo na Please! Parang awa mo na Chris!”

“Hindi ko iyon ibabalik hangga’t hindi ka pumapayag! Kung magbabago man ang isip mo, sabihin mo lang okay? Bye. And one more thing, wag mong sasabihin ito sa iba kung hindi habang buhay mo ng hindi makukuha itong singsing na ito.”  Nag smirk na naman siya ng nakakaloko. Umalis na si Chris at iniwan ako.  Nakatayo lang ako dun. Nakakainis siya! Bakit ba sa lahat ng bagay na puwede niyang hingiin yun pa?! Manyakis! Flirt! Mayabang! Grr! Ginagalit talaga ako nung Chris na yun!!! >.<

Paano na yan?!!! Magagalit sa akin si CG!!! Hala! Grabe pa naman yun magalit sa akin! Argh! Nakakinis naman kasi yung manyakis na Chris na yun! First kiss daw ba naman ang kapalit! Nalilito na ako! First Kiss or Friendship  Ring? Ano ba talagang mas pinapahalagahan ko? Haay.... Help me Please!!! :(

(After 3 days)

3 Days ng wala sa akin yung singsing. At  swear, ang hirap itago kay CG. Hay… Medyo nakakahalata na nga siya na medyo iniiwasan ko siya eh. Baka kasi mahalata niya na wala sa akin yung singsing. Eto ako, pauwi na. Hinihintay ko si Gren.

(Dismissal)

“CG! Bakit naman parang ang lalim ng iniisip mo?”

“Gren? Ah, nandito ka na pala. Wala ito. Wag mo na akong intindihin.”

The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon