Chris' POV
I was just standing there. Shocked.
And in pain.
Hindi ko akalaing ganito pala kasakit. Nakakatawa. Akala ko dati manhid na ang puso ko. Akala ko, hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong sakit. Pero nagkamali ako. Ayoko ng maramdaman to. Pero siguro, ito na rin ang karma ko sa pananakit ng mga babae.
Sa sobrang sakit ng nararamdman ko, hindi ko na napigilan ang mga luha na tumulo sa mata ko.
Ang sakit talaga P*TA!
Hindi ako t*nga para hindi mapansin ang nararamdaman ni Glayza para sa lalaking yun, pero kahit papaano, umasa pa rin ako. Umasa pa rin ako na mamahalin din ako ng mahal ko. Pero kahit kailan hindi mangyayari yun. Ang sakit lang. Bakit ka ipinagkait sa akin Glayza? Bakit?!
Napatingin sa akin si Glayza. At biglang nag-iba ang mga mata niya. Biglang, nalungkot. Hindi ko na lang pinansin at naglakad na ako paalis. Masakit. Pero kailangan ko tiisin.
Nagdiretso ako papuntang parking lot.
Nasuntok ko ang pader . Pinagpatuloy ko yun hanggang magdugo ang kamao ko.
Masakit. Pero wala pa ito sa nararamdaman na sakit ng puso ko.
"Ang kulit kasi. Binalaan na kita eh. Yan tuloy."
"T-thea."
Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.
Niyakap ko rin siya na parang bata na nakayakap sa mama niya. Hinagod naman niya ang likod ko to comfort me.
"A-ang sakit sakit pala. Sobra."
"Shh. I know Raven. Kaya nga nandito ako di'ba?"
"Pero, Thea, bakit mo ba to' ginagawa? Alam mo namang---"
"Chris, gusto kita, yun ang isang bagay na pina realize mo sa akin. Isang bagay na akala ko, hinding hindi na mangyayari pa. Akala ko, hindi na ulit ako magmamahal pa pero dahil sa'yo, narealize ko na, hindi pa huli ang lahat. Alam ko namang siya pa rin ang gusto mo. Pero di ako papatalo. Aalagaan kita until you feel better. I'll be here for you and don't worry. Wala akong hihingiin na kapalit. Just let me love you and take care of you until mag heal ang sakit na nararamdaman mo..."
"Thea, thank you. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka ngayon."
"Alam ko. Siguro, baka nga maisipan mo pa mag suicide. Haha!"
"Thea, I promise. I will try to be the best man for you. I will not waste your efforts."
"No need Chris. You're already the best for me."
Glayza's POV
Nandito kami ngayon sa may tapat ng bahay ng parents ko. Kasama ko ngayon si Marie, Ric, Gren at Raven.
Binisita nga pala ako ng parents ko nung bagong labas pa lang ako ng ospital at syempre, napagalitan ako at sinermonan. Pero after that, naging okay na ang lahat... Bumalik lang sila dito sa luma naming bahay. Separate kasi yung bahay ko at yung bahay namin dati. (DUH. Haha!) And I promised them na bibisita ako dito ngayon.
Balak ko nga palang sabihin sa kanila yung tungkol sa amin ni Raven. Kaya naman ang loko, kabang kaba.
Paano daw kung di siya tanggap... ganun ganun... Haay. Ang nega talaga.
Nag door bell na ako at pinagbusan naman kami ni Aling Selya.
"Good Morning po Aling Selya, nandiyan po ba sina Mommy?"tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)
RomancePaano kung ang isang GANGSTER at isang CASANOVA ay magkagusto sa isang babae na may PERFECT BESTFRIEND/ADMIRER Sinong mananalo? Isang Gangster na palaban at walang sinusukuan? Isang Casanova na determinadong makuha ang lahat ng gusto niya? o Isang M...