Chris’ POV –The Casanova Prince-
“Hi, Miss…” umupo naman ako sa tabi niya.
Tumingin siya sa akin with a blank expression.
At pagkatapos, bumalik ang tingin niya sa mga nagsasayaw.
Ang suplada naman nito! Dapat nandito kami para magsaya hindi magtaray!
Baka naman meron siya ngayon? :P
“Kaklase ka pala ni Martin…” sabi ko sa kanya.
“Obviously. Ikaw kabarkada ka niya di’ba?”tanong naman niya sa akin. Aba! Himala umimik siya!
”Yeah.”
“Just as I thought. You’re one of the Playboys.”
“Hindi naman lahat kami.”
“Yeah Right.” aba inirapan pa ako?!
Ang abnormal talaga ng babaeng ito! Guwapong nilalang na nga ang kusang lumalapit sa kanya, iniirap irapan lang niya?!
Aba! Ang dami kayang nag hahabol sa akin!
Napatingin ako sa mga kabarkada ko. Nagpipigil sila ng tawa.
-_-
Hmmm…. Ano bang meron sa babaeng ito?
I was about to pull her close to me, ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinilipit ito.
WTF?!
“Don’t you dare try your tricks on me Casanova.”at pagkatapos nun, binitawan niya ang kamay ko at naglakad paalis.
Tuluyan ng natawa ang mga kabarkada ko including Martin and Lydia.
“Nice one! Sayang hindi ko napicturan ang mukha ni Chriswhen that Girl twisted his arm!
Haha! ”-Lydia.
-_-
“Alam niyong mangyayari to’ hindi ba?”-ako
“Yeah….”-Martin.
“Nakalimutan kong sabihin sa’yo, black belter siya sa Karate. Nag-aral din siya ng Aikido, Taekwondo at Arnis…”-Lydia
“F*ck you. Ang sakit nun ah! Babae ba talaga yun?”-ako
“Hahaha! Ano? Susuko na ba ang Ultimate Casanova Prince?!”
“Of course not! Lagot sa akin yung babaeng yun kapag nagkita ulit kami!”
“Asus! Baka gusto mong tuluyan ng maputol yang kamay mo! Hahaha!” –Martin
“St*pid Thea Girl! Makikita niya! I will not stop until I make her fall for me…”
“Yeah, whatever Chris!”
That B*tch!!!
Third Person/ Author ’s POV
Nagkita si Ron at ang isa sa mga Girlfriend niya.
Si Chloe.
Nandun sila sa isang Bar.
Member si Chloe ng Dark Piercer’s Gang. Ka gang niya si VINA.
Schoolmate din ni Chloes sina Vina, Glayza at Raven.
Ilang oras na din sila doon at lasing na si Ron. Kitang kita ni Chloe ang Boyfriend na naka ub-ob sa lamesa. Sinusubukan niya itong gisingin pero mahimbing na ang tulog ni Ron.
[ Si Chloe ang uri ng babaeng seryoso pagdating sa pagmamahal. Oo. Mahal niya si Ron. Kaya naman umaasa siyang ganun din si Ron sa kanya. Umaasa siyang silang dalawa ni Ron ang magkakatuluyan sa huli. Hindi niya alam na may iba pang Girlfriend si Ron bukod sa kanya at sabay sabay silang dine date ni Ron.
Kung paano siya magmahal, ganun naman siyang kasamang magalit. At yun ang hindi alam ni Ron. Nakilala ni Ron si Chloe, bilang mabait, magaling makipaglaban at sweet.]
Hindi alam ni Chloe kung anong gagawin niya kay Ron.
Bukod sa gusto na niyang umuwi, naka inom na din siya at wala silang kasama nung nagkita sila sa Bar.
Kinuha ni Chloe ang Cellphone ni Ron para humingi ng tulong sa kabarkada nito.
Pero sa kapi pindot niya, hindi niya inasahan ang nakita.
Picture ng iba’t ibang mga babae.
At ang pinakamaraming Picture sa Cellphone ni Ron. Ay isang babaeng maputi, matangkad, mahaba ang buhok na kulay brown at may curls sa dulo.
Kilala ni Chloe ang babaeng yun.
Isa yun sa binabantayan ng Gang nila.
Isang babaeng malapit sa target nila.
Isang babaeng malapit kay Raven Casabella.
Si Glayza Victorina.
Lungkot. Sakit. At Galit. Ang naramdaman ni Chloe.
Agad niyang itinago ang Cellphone ni Ron sa bag niya.
At pagkatapos, tinawagan niya si Vina…
Vina’s POV
Kakatapos ko lang mag dinner ng biglang mag ring ang phone ko.
Si Chloe…
Bakit kaya to’ napatawag?
*Chloe Calling*
“Hello, chloe…”
“Vina…”
“Oh? Bakit?”
“May… may iba si Ron…”
“Ano?!”
“Si Ron… at si Glayza…”
“Anong meron?”
“Paimbestigahan mo sila sa iba nating ka gang”
“Bakit?”
“Tingin ko, masisira ang plano natin dahil kay Ron.”
“Hindi kita maintindihan Chloe.”
“Hindi ko sigurado pero, may gusto ata ang Boyfriend ko kay Glayza. Niloloko niya ako Vina. Manloloko siya.”
“Anong gusto mong gawin ko Chloe?”
“Gaganti ako dun sa Glayza na yun! Simulan natin sa kanilang dalawa ni Raven!”
*toot toot*
BINABASA MO ANG
The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)
RomancePaano kung ang isang GANGSTER at isang CASANOVA ay magkagusto sa isang babae na may PERFECT BESTFRIEND/ADMIRER Sinong mananalo? Isang Gangster na palaban at walang sinusukuan? Isang Casanova na determinadong makuha ang lahat ng gusto niya? o Isang M...