4 |Meeting HIM and Facing Changes|

979 17 2
                                    

Glayza’s POV

Ang saya ko ngayon! Bati na kami  ni CG! At nasa akin na din ang singsing ko... Wala ng dahilan para magpa-alila  ako dun sa Chris na yun. >:)  Haha!!!

Eto ako ngayon, sa tapat ng bahay...

Hinihintay si CG... ^_^

Namiss ko ito! :) Hehe!

Maya-maya lang, dumating na din siya. Nakangiti siya sa akin.  Papasok na sana ako sa kotse kaya lang... May napansin ako...

Si Elyna Shayne.

“Ah, CG! Isasabay ko si Shayne ngayon ha. Wala daw kasi yung Driver nila eh.”

“Ah, sige...”

Ang awkward . OP ako sa kanilang dalawa. Sila lang ang nagkukuwentuhan... *sigh* Bakit ganun? Parang ang laki na agad ng nagbago sa amin ni Gren? At naiinis din ako kay Shayne. Inaagaw niya ang posisyon ko eh... :( Hindi man lang nila ako pinapansin... Palagi ba nila itong ginagawa nung wala ako?

Pagdating na pagdating namin sa School, nagmadali akong bumaba sa kotse.

“CG! Teka lang!”hindi ko pinansin si Gren at tuloy tuloy lang akong naglakad papunta sa Room ko.

Pagpasok ko sa loob, meron na naman akong nakitang hindi kanais-nais.

Nandun siya sa sulok. At may kalandian na naman. Sino pa? Si Chris.

“New Girl! Anong tinitingintingin mo? Gusto mo ikaw next?”

“Asa ka! Mandiri ka nga” nilagay ko yung bag ko sa tapat ng upuan ko at lumabas muna ng Room.

Ang dami namang nagbago. Bakit ganun? Haist.. Badtrip talaga! Nakita ko naman si Gren at Shayne na sabay naglalakad sa Corridor. At pinagtitinginan pa sila ng mga estudyante. *sigh* ano pa bang mas nakakabadtrip dito?  Pumunta na lang ako sa may Garden... Dito, walang tao. Makakapag labas ako ng mga hinanakit ko.

Umupo ako sa Bench dun.  Kinuha ko yung bato at inihagis.

“Nakakainis ka CG! Bakit ka nagpapaagaw sa kanya?”sabay hagis ng bato.

“Tsk! Ikaw naman Chris, bumalik ka na naman sa dati. Akala ko nagbago ka na.”sabay hagis ulit.

“Tapos ikaw naman –Aray!”

 Eh? Naku May natamaan? Lumingon ako at nakita ang isang lalaking nakatalikod sa akin na nakahawak sa  ulo niya. Tumakbo ako papalapit sa kanya.

“Waah! Kuya! Ok ka lang ba? Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya.”

The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon