Glayza’s POV
Hinila ako nung partner ko dun sa wala masyadong tao. Ano bang problema nito?
“Bakit mo ba ako dinala dito? Ano bang sasabihin mo at kailangang dito pa?”tanong ko sa kanya.
“Kasi, ano eh… I’m here to ask for a favor…”
“Favor? Close tayo teh? Hindi ko nga alam pangalan mo eh!”
“I know na hindi mo pa ako masyadong kilala para humingi ako ng pabor sa’yo but, ikaw lang talaga ang makakatulong sa akin eh…”
“Ok. Ano ba kasing kailangan mo?”sabi ko sa kanya.
“Kasi, I-I like…. raven…”
“ANO?!!!! Gus-to-mo-si-Ra-ven???!!!”gulat kong tanong
“Oo eh…”
“Nagkagusto ka sa bayolenteng, pa cool, na nakakatakot na unggoy na yun?!!!” kaya pala ganun siya nung Activity… Pinapalayo niya ako kay Raven…
“Grabe ka naman magsalita!”sabay pout.
“Ah, Hehe! Sorry! Nadala lang ako… So anong gusto mong gawin ko?“
“Ah, hindi! Gusto kong…….. makilala pa niya ako……. Ano kasi, hindi masyadong maganda ang impression niya sa akin eh…”
“So? ”
“Kasi… ikaw yung pinaka close niyang babae dito… And I’m thinking na baka makatulong ka…”
“Ha?”
“Well, yun lang naman ang hihingin ko sa’yo eh… Gusto ko lang namang mahalin din ako ng mahal ko… Gusto kong paglapitin mo kami…”
“Pag-iisipan ko…” at naglakad ako paalis… Ang weird talaga! Ano na bang nangyayari sa mundo??? Gagawin pa akong kupido nung babaeng yun!
Raven’s POV –The Gangster Prince-
-His Gangster Life-
Nandito kami ng mga ka gang ko sa Tambayan namin. Nagkayayaan uminom eh. Hindi muna ako papasok. Nakakatamad lang. Narurumi din ako sa mga tao dun. Tsss.
“Yow! Raven! lalim ng iniisip mo ah!”-Ric. Siya yung isa sa mga makukulit at pilyo na kagang ko.
“Wooh! Anong meron ha? Babae ba yan?”-Rixelle. Siya yung ka gang ko na maraming naghahabol… Maganda daw kasi siya at magaling makipaglaban… Kahit nga taga ibang gang nagkakagusto diyan.
[A/N: Hehehe! ako yan!! :D]
“Aba! Lumelevel up si Raven!” –Ray. Makulit din yan pro seryoso pag labanan na. Tingin ko nga may gusto din yan ka Rixelle. Parang lang…
“Tangna! Ano ba naman kayo! Alam niyo namang imposible yan eh!”-ako
“Tigil-tigilan niyo nga yan! May laban daw tayo bukas ah! Sa DS. (Dark shadow)-Rixelle
“Yung mga yun? Kalaban natin?! Eh ang bubulok naman ng mga yun eh! Rank 5 lang sila!”-Ron. May pagkamayabang siya pero protective yan sa mga babae sa gang.
“Kesa naman wala! Ang tagal na nating tambay eh! Walang gustong lumaban sa atin!”-Rezaree. Partner lagi ni Rixelle dahil dalwa lang silang babae.
“Takte! Ang duduwag kasi!”-Ren. Bestfriend ni Ron. Girlfriend niya si Rezaree.
“Dapat lang naman talaga nila tayong katakutan eh! Kung mahal pa nila ang buhay nila… iwasan nila tayo!”-ako
“Oi, Raven! May hindi ka sinasabi sa amin…”
“Ha?”
“Wag ka ng magmaang maangan pre! Nakita ka namin!”-Ron.
“Ano bang pinagsasasabi niyo?”
“May sinundan ka nung isang araw na babae!” nag apir pa si Ron at Ren.
“Langya! Sinundan niyo ako!”-ako
“Hindi… napadaan lang kami! Hahaha!!!”- Ray
“Pati ba naman ikaw Ray???”-ako
“Magkakasama kaming lahat eh…”-Ric
“Walangya talaga!”
“May kasama pang iba yung sinundan mo.”-Rixelle
“Patayin na kaya natin?”-Ray
“Ano ba! Wala naman akong pake sa babaeng yun!”-ako
“Sus! Change topic na nga! Balita ko sinisipag ka na daw pumasok?”-Rezaree. Ibinuga naman ni Ron yung iniinom niya. OA. >.>
“P*t*ngna! Tol’! Pumapasok ka??!! Ikaw? Si Raven Casabella?! Tumutungtong sa School!Grabe bilib ako!”-Ron.
“Wala lang talaga akong magawa nu’!”-ako
“Anong walang magawa, eh lagi kaya tayong may battle!”-Ric
“Baka naman dahil dun sa babae niya na may mahal namang iba.”-
“Ewan ko sa inyo.” Tumayo na ako at sumakay sa motor ko. Pinaandar ko ito ng mabilis. Tss. Nakakainit lang ng ulo ang mga yun. Pagtingin ko sa likod, nakasunod na din sila, sakay ng mga motor nila.
Glayza’s POV
Haist. Balik na naman ako sa dati… Si Chris, nangbababae, si Gren may Shayne, at wala naman si Raven. Buti na lang talaga at nandito si Marie kung hindi Loner na Loner ang dating ko. Pinagiisipan ko pa yung sinabi ni Vina kanina. Oo. Vina daw ang pangalan niya. Vina De Los Reyes.Haay… Ang boring talaga!
Eto kami ni Marie, papasok na ng Room.
“Yo! New Girl!”-Chris -_-
“Oh? Problema mo?”
“Sino yang kasama mo? Assistant mo?”sabay turo kay Marie.
“Anong assistant?!! Excuse me! Diyosa ako no! Kaya wag na wag mo akong matwag tawag na assistant ng BFF ko! Hmph”- Marie sabay irap.
“Ahh, akala ko eh! Hahaha!”
“Tsk! Kung nandito ka lang para mambuwisit, puwede ba, umalis ka na!”-ako
“Eto naman! Siyempre joke lang yun! Pakilala mo naman ako sa BFF mo.”-Chris sabay akbay sa akin.
“Ah, Marie, eto pala si Chris… Chris si Marie…”
“siya yung Chris?!!!” –Marie with matching O_O
“Yup.”
“Honey anong nangyayari sa BFF mo?”-Chris
“Anong Honey ka diyan?!”ako
“May hindi ba ako alam Glayza?”-Marie
“Hindi Marie! Ang totoo kasi niyan si Chris ay---“
“Boyfriend niya ako.”-Chris
“Ano! Hindi kaya! Mandiri ka!”
“Joke lang!”-Chris. Maya-maya lang, may mga babaeng lumapit at hinila si Chris paalis. Buti nga! Hahaha!!!
“Grabe naman yung Chris na yun!”-Marie
“Sabi ko sa’yo eh! Nakakainis! >.<”
Nakarating kami sa Classroom. Ang ingay nila! Grabe! Nagkokopyahan ng Assignment, nagchi-chismisan, nag tatawanan, kuwentuhan… Pero nagulat ako ng biglang tumigil ang lahat as in walang kahit anong tunog at galaw. napatingin sila sa direksyon ko. Tinuro ko ang sarili ko para itanong kung kao ba yung tinitingnan nila.
“Tungeks! Glayza hindi ikaw! Yung nasa likod mo!”-bulong ni Marie.
Oops. Pahiya. -.-
Napalingon tuloy ako. At
O_O
OhmeyGad!!! :O
[A/N: Updated na ang Best Prince for the Perfect Princess!!! Kahit may Writer’s Block, sinikap ko pa ding mag update! Dedicated ulit sa Closest Friend ko… Closest? Hehe!!! :D Thanks po! Sa never ending support! ♥♥♥ Sana magustuhan niyo ito! Thanks for Reading this chapter-Shimmer]
BINABASA MO ANG
The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)
RomancePaano kung ang isang GANGSTER at isang CASANOVA ay magkagusto sa isang babae na may PERFECT BESTFRIEND/ADMIRER Sinong mananalo? Isang Gangster na palaban at walang sinusukuan? Isang Casanova na determinadong makuha ang lahat ng gusto niya? o Isang M...