Author's Note:
Hey guys, sobrang nawawala na sa "Tamang landas" ang aking story -_- sorry po kung medyo nakakalito na at hindi na coherent ang mga ideas na sinusulat ko but I hope, ma appreciate niyo pa rin siya. Ito pong mga following chapters ay it-try ko ng siya ulit i connect. Please bare with me. Isa lang po akong hamak na writer na gustong i express ang thoughts ko at mapasaya kayo. Thanks guys. :)) Please try my story "Angel + Rebel" Malapit ko na po yan ituloy. I'm planning to end this story soon pero hindi ko pa po sure kung medyo mapapahaba or whatsoever. :P
*2 weeks after*
Vina's POV
Nakalabas na ako sa ospital. Nandito ako ngayon sa bahay at kasama ko ang aking boyfriend kong si Carlos.
Haay, swerte pa rin talaga ako at nandiyan siya para sa akin lagi. Nagbabagong buhay na kami, at masaya ako dahil doon. Pero kasabay ng pagbabago namin, ang pagbabago rin ng sarili ko.
Aware naman ako kahit hindi nila sabihin sa akin na lumala na ang sakit ko. Ramdam na ramdam ko yun. Mabilis akong manghina at kung minsan, nahihirapan akong huminga at sumasakit ang dibdib ko. Pero nandiyan pa rin si Carlos para sa akin at masaya ako dahil dun.
"Vina, okay na yung almusal. Halika na!"tawag niya sa akin.
Normal pa rin naman kami hindi naman ako yung parang matanda na aakayin kahit saan magpunta. Kaya ko pa naman basta hindi ako mapapagod at mas stress.
Naglakad na ako papuntang kusina at sinalubong naman niya ako.
"Halika kain na tayo."sabi niya ng nakangiti. Hinila na niya ang upuan para makaupo na ako.
Hmm... Ang bango.
"Okay ka lang ba Vina?"
"Oo naman. Carlos, salamat talaga sa lahat ng ginagawa mo para sa akin. Salamat sa pagmamahal at pag-aaruga. Alam naman nating hindi na ako masyadong magtatagal eh. Kapag nawala ako, magmahal ka ng iba ha. Ayokong malungkot ka. Pero kahit nakahanap ka na ng iba, wag mo pa rin akong kakalimutan ha. Ayoko kasing---"
Napatigil ako ng bigla niya akong hinalikan.
"Wag na wag mong sasabihin yan Vina. Lalaban tayo di'ba? Hindi mo ako iiwan di'ba? Nakalimutan mo na ba ang mga pangarap natin? Isusuko mo na ba yun? Ngayon ka pa ba mag g-give up?"
Tumungo ako at nagulat ng bigla niya akong niyakap.
"Mangako kang hindi mo ako iiwan Vina. H-hindi ko kakayanin..."nagsimula na siyang lumuha. At ganun din ako. Dahil alam kong kahit mawala ang sakit ko, hindi pa rin natin maalis ang katotohanan na.... everything has an end.
Humiwalay naman siya at pinunasan ang luha ko bago pinunasan ang sarili niyang pisngi.
"Ano ba yan, nagd-drama na naman ako, Haha! Tayo na ngang kumain."
Pilit ang mga tawa niya.
"S-sige. kain na tayo."
"Punta tayo sa park mamaya para makalanghap ka naman ng sariwang hangin."
"Sige,namiss ko na yun. Mag picnic tayo."
Napangiti naman si Carlos. Sobrang suwerte ko talaga sa kanya. Masaya ako dahil sa kabila ng mga pinagdaanan ko, pinagkalooban naman ako ng isang lalaking kagaya niya. Tama siya. Hindi ako dapat sumuko. Not now. Almost perfect na ang lahat. And I want to spend the rest of my life with him.
Marie's POV
"Ano ba Ric?! Akin na kasi yaaaaaan!"
>.<
BINABASA MO ANG
The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)
RomancePaano kung ang isang GANGSTER at isang CASANOVA ay magkagusto sa isang babae na may PERFECT BESTFRIEND/ADMIRER Sinong mananalo? Isang Gangster na palaban at walang sinusukuan? Isang Casanova na determinadong makuha ang lahat ng gusto niya? o Isang M...