10| Kaibigan LANG |

727 14 5
                                    

Chris' POV -The Casanova Prince-

Ang weird ko ngayong mga huling araw. Parang... hindi ako yung Chris Sallvania dati. Matagal ko ng hindi nagagamit ang flirting skills ko sa mga babae ko... Masyadong natuon ang atensyon ko kay... alam niyo na. Noong dumating siya sa buhay ko. Nagbago ako. At yun ay isang bagay na hindi puwedeng mangyari. Once a Casanova, always a Casanova. Kinuha ko ang phone ko at nagtext sa mga kabarkada ko. 

 

-Bar-

Nagkita-kita kami ng barkada ko dito. Wrong move. Naaalala ko na naman siya. Dito ko kasi siya dinala dati. Kasama din ang barkada ko nun. Tsk! 

"Oi! Chris! Anong meron sa'yo? Bakit pinatawag mo pa kami? Problema ba? "

"Hindi naman... Na-tripan ko lang eh. Hindi enjoy kapag mag-isa."

"Woo! Ikaw? Mag-isa? Wag ka ngang magbiro ng ganyan tol'! San na ba napunta yung limpak limpak mong babae?"at pagksabi ni Martin nun, may lumapit naman sa amin... lima silang babae. Ang bitch ng dating. Yan ang gusto ko eh.

Lumapit yung isa sa akin. Ayos na din. Maputi, makinis...maganda. Ang pula pa ng lipstick niya at ang kapal ng make-up. Naka shorts siya at fit na black shirt. Kitang-kita ang figure ng katawan niya.

"Hi! May kasama ka ba?"tanong niya. sabay kandong sa akin.

"I'm free babe."

"Oh... Sige, I'll accompany you for the rest of the night." She smiled slyly at kinindatan ako.

Tiningnan ko yung mga kasama ko, aba! Pinagtigi-tigisahan na yung mga babae. Hmm... Maybe it's about time na bumalik na ulit ako sa tunay na ako. 

Hinawakan ko yung pisngi ng babaeng kaharap ko at inilapit ang mukha niya sa akin.

Hinalikan ko siya. 

Mabagal pero pabilis ng pabilis.

Mukha namang nag e-enjoy siya...

Sana pagkatapos nito, magbalik na si CHRIS SALLVANIA.

Gren's POV -The (Almost) Perfect Prince-


Nandito kami ni Glayza sa kotse ko. Tahimik lang kaming nagpapakiramdaman. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong dapat kong unahin at kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko…

“CG/CG…”

“Ah, mauna ka na Glayza.”

“Ano ba talagang pag-uusapan natin?”

“Kasi… ano… Galit ka ba?”

The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon