Marie's POV
"May problema ba?"tanong sa akin ni Ric habang kumakain siya...
"Ah, wala..."sabay iwas ko ng tingin.
"Bakit ayaw mo pang kumain? Hindi ba masarap?"
"Ah, hindi naman sa ganun..."bigla namang may humawak sa balikat ko... at alam niyo na kung sino yun. Lumingon ako sa kanya at pagkatapos, ibinalik ko na ang tingin ko kay Ric. Parang naguguluhan naman siya.
"Marie, mag-usap tayo."-Luis
"Bitawan mo nga ako. Dun ka sa Nathalie mo!"sabay tanggal ko ng kamay niya sa balikat ko.
>.<
"Please naman Marie! Hindi na kita maintindihan!"
"Sinabi naman niyang ayaw niya di'ba? Nakakaintindi ka?"pareho kaming napatingin kay Ric. Ang mga mata niya, may halong... galit??
"Alam mo Pare, wag ka na lang makisali dito puwede?"
"Bakit hindi?! Magkaibigan kami ni Marie."hinawakan naman ni Ric ang braso ko at inilapit sa kanya... OKAY>>> O_O
"Eh ano ngayon?! Kaibigan niya rin naman ako ah!"hinila naman ako ni Luis.
Tug o War??? Napagkamalan na ata akong tali eh!
"Bitawan mo na ako Luis! Ric, tara na umalis na lang tayo dito."sabi ko naman kay Ric. Hindi na naman siya umimik pa at lumabas na lang kami sa Restaurant.
Nakita ko naman na mukhang inis na inis si Ric at parang manununtok... :O
"F*ck! Ganun na lang yun?! Unang beses pa lang na umatras ako sa ganito!" sigaw ni Ric.
"Ric, sorry nadamay ka pa sa away namin..."napatingin naman siya sa akin...
Nagbago ang facial expression niya..
"Ah, ok lang yun. Kaibigan na kita di'ba? Dapat protektahan ko ang mga kaibigan ko."
Hindi ko alam kung bakit pero natuwa ako nung marinig ko yun kay Ric...
Raven's POV
Nakabalik na ako sa Room ni Vina dala ang mga pinabili niya.
Napansin ko namang... tulala siya?
"Vina..."
"Ah, Raven..." mukhang ngayon lang niya napansin na nakapasok na ako.
"Eto nga pala yung noodles. Kumain ka muna." kinuha niya yun sa akin at nagsimulang higupin yung sabaw...
"Salamat ha. Hindi mo naman dapat ginagawa ito eh."-Vina
"Ginusto ko to. Hindi mo naman ako pinilit di'ba? I-imagine mo na lang na ako ang Kuya mo..."
"K-kuya?"
"Oo... Kuya..."
Bigla naman siyang natahimik... Parang may naalala?
Vina's POV
Bigla ko na lang siyang naalala...
Si Raven,
he reminds me of HIM.
My brother... Bigla ko naman siyang na miss. Gusto ko siyang makita, mayakap, makausap...
Pero imposible.
"May nasabi ba akong masama Vina?"
"W-wala... Naalala ko lang kasi yung.... Kuya ko." Alam kong, nagkaroon ng bakas ng lungkot sa mga mata ko.
"Sorry..."
"Ok lang. Alam mo bang marami kayong pagkakapareho. Lagi din yun naiinis sa akin eh, Pero napakabait naman at maalaga... hindi nga lang masyadong halata..."natawa naman ako ng konti. Miss ko na talaga siya.
"Sige,. Simula ngayon, ako na muna ang kuya mo..."
Marie's POV
3 days later
3 days ko nang hindi pinapansin si Luis although ilang beses niya na akong sinubukang kausapin. Naiinis pa rin ako sa kanya no! Hmp.
Bigla namang nag vibrate ang phone ko. Si Glayza yung nag message.
Sender: Glayza ^_^
Marie! Punta ka sa Classroom! Bilis!!!
-end-
Aba?! Ano kayang meron sa Classroom???
Bakit naman kaya pinagmamadali ako nun?
BINABASA MO ANG
The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)
RomantikPaano kung ang isang GANGSTER at isang CASANOVA ay magkagusto sa isang babae na may PERFECT BESTFRIEND/ADMIRER Sinong mananalo? Isang Gangster na palaban at walang sinusukuan? Isang Casanova na determinadong makuha ang lahat ng gusto niya? o Isang M...