Raven’s POV –The Gangster Prince-
Nandito na ako sa labas ng base nina Gwey Rain…
Ang walang hiya kong kuya.
Tss.
Kailan ba siya titigil? Baliw na talaga siya. Nangdadamay pa siya ng ibang tao.
Tinapakan ko ng ang sigarilyo ko at pumasok na ako sa loob. May naramdaman naman akong tao sa likod ko.
Tama nga ako. Susuntukin na sana niya ako pero naiwasan ko siya sinuntok ko siya at sinipa. May mga dumating pang iba pero napatumba ko sila. Siguro mga sampu na silang tumba ngayon.
“GWEY RAIN! NASAAN KA BA?! WALA NA AKONG PANAHONG MAKIPAGLOKOHAN SA’YO! NASAAN SI GLAYZA! SAAN MO SIYA DINALA?!!!!!”
Tumaas ako at nakarinig ng mahinang paghikbi. Alam kong, si Glayza yun.
F*ck! Kapag may nangyari talagang masama sa kanya, hindi ko mapapatawad si Gwey Rain.
Pumasok agad ako dun sa kuwarto at hindi nga ako nagkamali. Nandoon si Gwey Rain. Nakangisi lang ang hay*p kong kapatid. Napatingin ako sa gilid at, P*ta! Nakita ko si Glayza, nakaupo siya habang umiiyak at hawak ang braso niya. Sobrang dami ng dugo ang nawawala sa kanya…
BINABASA MO ANG
The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)
RomancePaano kung ang isang GANGSTER at isang CASANOVA ay magkagusto sa isang babae na may PERFECT BESTFRIEND/ADMIRER Sinong mananalo? Isang Gangster na palaban at walang sinusukuan? Isang Casanova na determinadong makuha ang lahat ng gusto niya? o Isang M...