15|Confusion|

651 11 6
                                    

Gren's POV -The Perfect Prince-

Ang T@nga ko. 

Bakit ko ba sinabi yun sa kanya??

Tss.  

Bestfriend ka lang Gren. Bestfriend!

Tsk. Nakakainis naman eh! Bakit kasi kailangang siya pa? Bakit sa kanya pa? Sa Bestfriend ko pa!

Kasalanan ko ba? Nagkamali ba ako?

Ano na bang gagawin ko? Iiwasan siya? Lalayuan?

Ang pagkakaibigan namin na iningatan ng ilang taon, mawawala lahat dahil lang sa akin? Dahil nahulog ako sa kanya?

*sigh*

"Gren."lumingon ako at nakita kong meron siyang worried expression.

"Shayne..." umupo siya sa tabi ko at pareho kaming napatingin sa dagat. 

"Gren,  Si Glayza na naman?"

"Shayne... Nagtapat na ako sa kanya."

"N-nagtapat? ibig sabihin..."

"Oo Shayne. Na inlove ako sa sarili kong Bestfriend." sabay tayo ko at hagis sa batong kanina ko pang hawak. Gusto kong mag sisigaw dun. Ang sakit pala nung tinalikuran ka ng sarili mong Bestfriend. 

"Ang sakit Shayne! Sobra!"

When I saw her walk away from me, 

Na realize ko na...

Hindi niya kayang tanggapin ang pagmamahal ko.

Bigla naman akong may naramdamang yumakap sa akin...

Tiningnan ko siya at pinunasan ang mga luha niya...

"Shayne, bakit ka umiiyak?"

"Ayokong nasasaktan ka Gren. Ayoko." at lalo pang humigpit ang yakap niya sa akin.

Ako din Shayne. Ayoko din ng ganito... 

Ayoko ng nararamdaman ko. At ayoko din ng nangyayari sa ating dalawa....

"Shayne... Please, stay away from me from now on."

Naptingin siya sa akin.

"Ayokong maranasan mo din ang sakit na nararamdaman ko."

Naglakad ako palayo sa kanya.

I don't deserve you Shayne. I don't.

- 1 week later -

Glayza's POV

It's been one week since the Field Trip.

Hindi pa kami nakakapag-usap ni Gren ng maayos. Naguguluhan pa din ako sa mga pangyayari... *sigh*

"Oh, ang haba na naman ng nguso mo. At nakakunot na naman ang noo mo."sabi ni Marie habang nagsusuklay ng buhok niya. Nandito nga pala kami sa Classroom. Hinihintay lang namin ang Teacher namin...

"Kasi naman Marie eh... Haay. Ang hirap talaga ng sitwasyon ko ngayon...."

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin kay Gren ng diretso para matapos na?"

"Eh kasi, alam kong masasaktan siya."

"Tingin mo hindi siya nasaktan sa ginawa mo nung Field Trip?"

"Marie naman eh! Hindi ka nakakatulong."bigla namang may nagbukas ng pinto ng room.. kaya napatingin kaming lahat,

"GLAYZA!!!!"

"Oh, Shayne... Bakit?"

"Si Gren!!!"

"HA?!! Anong nangyari?!"

"Aalis na siya ng bansa Glayza! Kailangan mo siyang maabutan!!!"

The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon