Gren’s POV –The Perfectly Imperfect Prince-
Agad akong nagdrive papunta sa Bar na sinabi ni Marie. Nag-aalala ako para kay Glayza. Hindi ko siya dinadala sa mga lugar na ganun. At isa pa, lalaki ang kasama niya. Baka kung anong mangyari sa kanya dun. Hindi pa naman siya umiinom ng alak kaya sigurado akong madali siyang malalasing. Baka pag nalasing yun kung ano pang gawin niya. Tsk! Ano ka ba naman Glayza! Bakit lagi mo na lang akong pinag aalala?!
Binilisan ko pa ang pagpapapatakbo sa kotse ko. Sana ok lang si Glayza. Pumasok agad ako dun sa Bar at hinanap siya pero, hindi ko siya Makita. Nasan na yun?! Baka kung saan na siya dinala ng kasama niya.
Lumapit ako dun sa Bartender.
“Excuse me, May nakita ka bang babae dito na hanggang balikat ko? Mahaba yung buhok niya na color Brown at may Curls sa dulo?”
“Ah, opo sir. Sumayaw nga yun diyan kanina eh. Lahat kami napatingin. Kaya lang umalis na sila nung kasama niya eh.”
“Ah, sige Salamat.”
Sumakay ulit ako sa kotse ko at nag drive papunta kina Glayza. Sumayaw siya? This is so not her. Siguro, lasing nga yun.
Bumaba na ako at kumatok pero mukhang walang nakakarinig. Bukas naman ang ilaw sa kuwarto ni Glayza kaya alam kong may tao. Binuksan ko na ang pinto dahil hindi naman ito naka lock. Dumiretso ako sa kuwarto ni Glayza at Pagbukas ko ng pinto…
“WTF?!”
Is he going to kiss her?!
“Anong ginagawa mo dito ha?!”tanong ko.
“Wala. Hinatid ko lang si Glayza.”
“Hinatid lang? Eh, akmang hahalikan mo na nga ang Bestfriend ko eh!”
“As if! May taste ako nu’!”
“Sinasamantala mo ang pagkakataon dahil alam mong lasing siya!”
“Ano ba! Ishigil nyo yan!”
Napatingin kaming dalawa kay Glayza. Nakahawak siya sa noo niya.
“Glayza?!”
“CG?!”
“Ok ka lang ba?”nilapitan ko siya.
“Oo. Masakit lang ang ulo ko at nahihilo ng konti.
“Nilasing ka ba ng G*gong ito?
“Hindi… Ako yung nagkusa…”
“Ano?!”
“Eh kasi… Long Story! Hehe!” napatingin naman ako sa kamay niya. Yung singsing? Nakita na niya.
“Gly? Nasa’yo na yung sing sing? Saan mo ito nakita?”
“Ah… Long Story din eh… Haha! Bakit ka pala nandito?”
“Hinanap kita kasi nag-alala ako sa’yo. Sinabi sa akin ni Maie eh…”
“Tsk! Ang daldal talaga ni Marie!”
“At saka, gusto ko din sanang mag sorry… Sorry kasi hindi kita pinansin… Sorry kasi hindi kita pinakinggan… Sorry kasi hinayaan kong magkaganito tayo… Sorry kasi pinaabot ko pa sa ganito… Sorry kasi---“
“Shh! Ok na yun Gren.”
“Talaga?”
“Oo. Namiss kita.”
“Namiss din kita. Sobra. Hindi ko na hahayaang masira ang pagkakaibigan natin.” I hugged her. She hugged me back. Pero may umeksena…
“OP naman ako! Ang drama niyo -_-”-Chris
“Sira!”-ako.
“Eh, tunay naman eh! Bakit si Gren niyayakap mo ako hindi!”
“Baliw ka na talaga Chris!”-Glayza
“Geh,una na ako ah. Nakakaistorbo na ata ako eh. Kita na lang sa School.”
“Cge! Bye Chris!!!”
Chris’POV –The Casanova Prince-
Umalis na ako kina Glayza. Masaya ako kasi masaya siya. Kaya lang malungkot din kasi hindi ko na siya maasar at maiinis katulad ng dati dahil nandun yung possessive na Bestfriend niya. Hindi ko na rin siya mapupuntahan sa bahay niya at hindi ko na siya maiisama kasi pumapayag lang naman siyang sumama sa akin dahil dun sa L*ntek na singsing na yun.
Teka nga. Bakit ba ganito akong mag-isip? Madami pa namang ibang babaeng nagkakandarapa sa akin diyan eh. Mas maganda, mas sexy, mas willing. Hindi kagaya niya. Sigaw ng sigaw at laging nakakunot ang noo.
Kararating ko lang sa bahay. Dumiretso ako sa kuwarto ko. Naguguluhan na ako. Hindi puwedeng mangyari ito. I’m a Casanova. And I’ll always be…
Gren’s POV –The Perfectly Imperfect Prince-
Nandito pa rin ako kina Glayza. Natutulog na ulit siya. Binabantayan ko lang siya habang mahimbing siyang natutulog. Masaya talaga ako at bati na kami nitong Bestfriend ko. Alam niyo ba yung feeling na parang laging may kulang? Ganun ang naramdaman ko nung nag-away kami eh. Buti na lang talaga ok na kami. Ang dami ko ngang gustong itanong eh. Kung bakit lagi niyang kasama yung Chris na yun... Kung paano niya nakita ang singsing… Pero naisip ko na wala din namang silbi yun.
*Marie Calling*
“Hello, Marie?”
“Gren! Nakita mo na ba si Glayza?”
“Oo. Nandito na siya sa bahay niya.”
“Ok lang ba siya?”
“Lasing nga eh. Pero ok na siya.”
“Ah, sige… Nangangamusta lang. Ingatan mo yan ah! Bye.”
“Bye.”
Tatawagan ko muna si Shayne…
*Calling Shayne*
“Hello Gren!”
“Ah, Shayne, nakauwi ka na ba?”
“Yep! Ang saya nga eh! Thanks nga pala…”
“For what?”
“For being with me today…”
“Ah, always welcome…”
“Sige na Gren… Antok na ako eh… Nyt.”
“Sige! Sleep Tight…”
*toot toot*
Uuwi na din siguro ako. May pasok pa bukas eh…
[A/N: Eto na po ang Part 3 ng The Ring. Hehe! Maigsi dahil Part 3 na siya… Sana basahin niyo po ang Next Chapter kasi… Basta! Haha! Kasi po…. Hindi ko puwedeng sabihin kasi mas-spoil… Hehe! Anyways, thanks po ulit sa pagbabasa nito!!! See you sa next Chapter ha!!! :P]
BINABASA MO ANG
The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)
RomancePaano kung ang isang GANGSTER at isang CASANOVA ay magkagusto sa isang babae na may PERFECT BESTFRIEND/ADMIRER Sinong mananalo? Isang Gangster na palaban at walang sinusukuan? Isang Casanova na determinadong makuha ang lahat ng gusto niya? o Isang M...