Glayza's POV
"May sasabihin ako sa'yo." Paano siya nakarating dito? Sinundan niya ba kami?
"Oh, sige. Excuse lang CG."
"Sige."
Pumunta kami ni Raven sa part na medyo malayo kay Gren pero tanaw pa rin namin siya.
"Raven... Panu ka nakapunta dito? Sumunod ka ba?"
"Hindi na mahalaga yun." Parang Gren lang ah? Anong kasunod? Mahalaga kasama na kita? :P Cliché
"Eh, bakit ka ba pumunta dito? May problema ba?"
"Yung babae. Yung partner mo kanina. Layuan mo siya."
"Ano? Bakit naman? Mukha naman siyang mabait ah..."
"Layuan mo nga sabi."mukhang naiinis na si Raven...
"Bakit nga!"
"Basta!"
"Anong basta?"
"Hindi maganda ang pakiramdam ko sa babaeng yun kaya layuan mo siya."
"Ayoko nga."
"At bakit?!"
"Sino ka ba para diktahan ako sa dapat kong gawin?"Hinawakan niya ng mahigpit ang mga balikat ko at tiningnan ako sa mata. Ang seryoso niya.
"LA-YU-AN MO SIYA."
"Ano bang ginagawa mo kay Glayza?!" tinabig ni Gren ang kamay ni Raven na nakahawak sa magkabilang balikat ko...
"Wag ka ngang makisali sa amin!"sigaw naman ni Raven. Pareho silang masama ang tingin sa isa't isa.
"Teritoryo ko ito alam mo ba yun? Alam mo yung salitang Teritoryo KO? Umalis ka na! Bago pa kita patulan!"bawi ni Gren.
"Eh ano ngayon kung Teritoryo mo ito? Wala akong pake."
"Raven, please... Umalis ka na..." pakisusap ko sa kanya. Napatingin naman ako sa kanya at >.< Nag Death Glare na naman siya... T_T
Naglakad siya paalis at nakita ko siyang sumakay sa... Motor niya? May motor siya?!
"Ang angas nun ah! Kaklase mo?"
"O-oo..."
"Wag kang masyadong maglalapit dun..."
Ano ba naman yan?! Pinapalayo niyo na ako sa lahat ng tao!
"Eh, kaibigan ko siya..."kaibigan nga ba?
"Tss."naglakad naman si Gren papunta sa kotse. Sayang. Nasira ang mood... :(
Sumakay na rin ako sa kotse at pinaandar na ito ni Gren. Madilim na. Hindi na naman siya umiimik. Parang nangyayari ulit yung dati. Nung nag-away kami dahil dun sa singsing ko... *sigh*
Tumigil kami sa may McDo para mag dinner. Nauna siyang maglakad sa akin... Galit na naman ba siya? :[
Umorder na kaming dalawa at naghanap ng table. Pagkatapos nun... Silence.
"G-Gren..."tumingin lang siya sa akin na para bang hinihintay ang sunod kong sasabihin.
"Uh... Sige. Lalayuan ko na si Raven kung gusto mo..."
"Ah, hindi Gly... I mean, matured ka na di'ba? Alam mo na ang tama sa mali kaya wala kaong karapatang mag desisyon para sa'yo... Sorry."
"Ok lang basta... susubukan ko talagang iwasan si Raven."
"Thanks Gly.... Ayoko lang namang mapahamak ka eh."
Kumain na kami at nagkuwentuhan saglit ni Gren at inihatid na niya ako pauwi... Agad ko namang kinuha ang Cellphone ko at..
13 missed calls from Marie
Grabe naman itong si Marie! Ano kayang meron...
Tinawagan ko si Marie at padalawang ring pa lang, sumagot na siya...
"Hello Gly!!!"
"Oh? Marie? Parang excited na excited ka ah? Anung meron?"
"Gly! Gly!"
"Bakit bakit?"
"Dun na ako papasok sa School niyo! Enrolled na ako!"
"Eh?" O_O
"Oo.! Hahaha! Magkakasama na ulit tayo! At bukas na ako papasok :D"
"Oh! Ang saya naman nun! :D"
"Oo nga eh! Buti pumayag si Papa!"
"Haha! Matatanggihan ka ba nun?"
"Oo nga nu'! Favorite kasi ako eh! Ang bait ko!"
"Sira! Anong favourite eh only child ka lang naman! :P"
"Hehe! Kaw naman hindi mabiro!"
"Haha! Sige,, baba ko na... inaantok na ako eh..."
"Sige! Bye bye!!!"
*toot toot*
Wow! Sa School na papasok si Marie! Buti na lang! Mas malapit na siya! Makakapag chikahan kami anytime Haha!!!
-Morning-
Nandito kami ni Gren sa tapat ng bahay nila Marie at hinihintay siya...
"Hi Glayza! Hi Gren!"bati ni Marie sa amin.
"Ang saya naman! Together na ulit tayong tatlo! Hahaha!"-ako
"Oo nga eh..."-Gren
"Tara na baka malate tayo! First day ko pa naman!"-Marie
Ihinatid na kami ni Gren... Ang saya ko talaga! Buo na ulit ang barkadahan naming tatlo :)) Nakarating din naman agad kami sa School. Buti na lang hindi Traffic. Sinabi naman sa akin ni Marie na pupunta lang daw siya sa Principal's office. Si Gren naman, tinawag ng mga kaklase niya. At ako, Loner! =| Pero biglang...
"Ah, Glayza... May kailangan akong sabihin sa'yo..." Yung.... partner ko? Ano kayang sasabihin niya?
[A/N: Ito na po ang update!!! Dedicated sa friendship ko na talaga naming napaka supportive :D Thanks!!! Sana magustuhan niyo itong update na to' Godbless! -Shimmer]
VOTE.COMMENT.
BINABASA MO ANG
The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)
RomancePaano kung ang isang GANGSTER at isang CASANOVA ay magkagusto sa isang babae na may PERFECT BESTFRIEND/ADMIRER Sinong mananalo? Isang Gangster na palaban at walang sinusukuan? Isang Casanova na determinadong makuha ang lahat ng gusto niya? o Isang M...