Raven's POV
After 30minutes na byahe, nakarating din kami ni Czarina sa restaurant kung saan nags celebrate ang buong barkada.
Pagpasok namin, nakita namin silang masayang nagkukuwentuhan.
"Glayza,Raven! Ang tagal niyo saan ba kayo galing?"tanong ni Vina
"Ah,may inasikaso lang."sagot ko naman.
"Ah,kain muna kayo."sabi naman ni Ric.
"Sige"
Oo nga pala, disbanded na ang gang. Yung mga loko kasi, wala rin naman daw kuwenta kung mawawala yung mismong bumuo ng grupo kaya ni disband na rin nila. Minsan nakakamiss dinperosyempre,may mga mas importanteng bagay na dapat pagutuunan ng pansin.
Umupo si Glayza sa tabi nina MArie at Vina at ako naman sa tabi ni Chris.
"PAre,mag-usap muna tayo saglit."-sabi ko kay Chris.
Hindi siya sumagot pero tumayo siya at naglakad kaya naman sinundan kona siya. Nakarating kami sa labas kung saan walang masyadong tao.
"Anong pag-uuspan natin?"tanong niya
"Si Czarina."
"Oh,anong meron kay Glayza?"
"Alam kong alam mo kung anong meron sa kanya pare."
"..."
"Gusto kong malamanmo na mahal na mahal ko si Czarina. At hindi ko na siya pakakawalan."
"Alam ko, pinapaubaya ko na siya."
"Ano?!"
"Pinapaubaya ko na siya pero wag na wag kang magkakamaling saktan si Glayza dahil ako mismo ang papatay sa'yo naiintindihan mo?"
Tumango ako at naglakad napaalis pero huminto ako saglit.
"Siya nga pala, wag mo sana SIYAng gagawing panakip butas. Wag mong piliting magustuhan SIYA dahil pag nangyari yun,mararamdaman niya rin ang sakit na nararamdaman mo ngayon."
Alam kong alam na niya kung sinong tinutukoy ko. Kaya naman, nagsimula na akong bumalik sa loob. Nagkuwentuhan lang kami saglit at pagkatapos, umalis na din kami at iniwan sina MArie at Ric para maenjoy nilang dalawa ang company ng isa't isa.
Glayza's POV
Nagd drive ngayon si Raven at napansin kong mali ang nilikuan niya, hmm... Saan naman kaya kami papunta?
"Raven,hindi ito ang daan pauwi ah?"
"Alam ko."nakangiti niyang sagot.
Maya-maya,itinabi niya ang sasakyan at naglabas ng panyo. Nilagay niyayun sa mata ko bilang blindfold. Hindi na ako nagtanong pa. Napangitina lang ako. Nagdrive na ulit siya at maya-maya lang, humintona ang sasakyan. Inalalayan niya ako pababa. Naglakad kami saglit at pagkatapos, umakyat kami ng hagdan. May narinig akong pintong bumukas at pagkatapostinanggalna niya ang piring sa mga mata ko.
Nagulat ako sa nakita ko.
Kahit nakita kona ito, namangha pa rin ako sa ganda ng lugar. Ibang iba kaysa kanina. Maymga ilaw na at mas magaganda ang decorations. Maraming flowers at amoy na amoy ang scent sa buong room. Bukod dun, may isang babaeng tumutugtog ng violin.
Napangiti ako. Si Anne yun.Yung partner ni Raven. Inayos niya pa rin to? Ang bait naman niya.
"Nagustuhan mo ba?"
Tumango ako at napayakap sa kanya.
"Gustong gusto ko Raven, thank you. I love you."
"Mas mahal kita."
Umupona kami dun sa may table at kumain pagkatapos, humiga kami sa may blanket at nagstargazing. Nagpaalamnaman si Anne na aalis na dahil susunduin na daw siya ng boyfriend niya.
Nakahiga lang kami ni Raven at pinagmamasdan ang langit. Bigla na lang nagkaroon ng fireworks.
Napangiti ako. Lord, Thank you po dahil pinagkaloob niyo si Raven sa akin. Naging worth it ang lahat ng mga pinagdaanan ko dahil sa kanya at sa mga kaibigan ko.
Haay,sana hindi na ito matapos.
But then again,
Nothing lasts forever.
BINABASA MO ANG
The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)
RomancePaano kung ang isang GANGSTER at isang CASANOVA ay magkagusto sa isang babae na may PERFECT BESTFRIEND/ADMIRER Sinong mananalo? Isang Gangster na palaban at walang sinusukuan? Isang Casanova na determinadong makuha ang lahat ng gusto niya? o Isang M...