Glayza's POV
Buong byahe, kinukulit lang ako ni Chris! Si Marie, tawa ng tawa sa gilid... Kung ano-ano pa ang sinasabi sa akin! Konti na lang talaga! Mababatukan ko na to'!
Bumaba na kami ng Bus at pumunta sa *********** Museum. Nag head count muna kami, at ayun... Pumasok na kami. Nung, una naka line kami habang may nag di-discuss sa unahan. Pagkatapos nun, hinayaan kaming mag gala gala sa loob...
Magakasama kami ni Marie na naglibot... Ang daming magagandang antique na bagay...
Napunta naman ako dun sa part na merong mga lumang Pictures ng mga tao na bahagi na ng History... Hmm...
"Marie..."
Teka? Asan na yun? Kanina lang nasa likod ko siya eh...
"Mag-isa ka ata? San na yung lintang dumidikit sa'yo?" Linta?
"Hmp. Ewan ko sa'yo!" hindi pa ako nakaka get over sa pag-agaw mo sa Four Seasons ko!
Hinawakan naman ni Raven ang kamay ko at ibinigay ang isang...
"Four Seasons? Ano namang gagawin ko dito?"
"Sa'yo na."
"Sakin na?"
"Oo. Bingi ka ba?"
"Tingin mo ^_-"
"Paano ko naman makikita kung bingi ka?"
"Ewan ko sa'yo."
Aalis na sana ako, pero bigla niya akong hinila at napaharap ako sa kanya. ???? O_O
"Bakit ba ang init ng dugo mo saken?"
"Sa'yo? Hindi naman ah..."napatingin naman ako sa likod ni Raven.
"Hi Raven! Hi Glayza!"-Vina. Savior.
"Ah, Hello!"-ako
"Ano na naman ang ginagawa mo dito?"-Raven.
"Magpapasama sana ako sa'yo dun! Tara!"-Vina
"Ano? Bakit naman ako? Sa iba ka na lang magpasama!"
"Ayoko! Gusto ko sa'yo!"
"Ah, sige... dun lang ako ha..."
"Teka, Czarina!"pero umalis na ako at iniwan ko sila dun...
After some minutes, bumalik na din kami sa Bus... Una kong hinanap? Si Marie...
"Hoy MArie! Bakit mo naman ako iniwan?"
"Ah, nagpaturo lang ako kay Kuya... Yung nag di-discuss..."
"Asus! Nagpaturo! Crush mo lang siya kaya ka ganun!"
"Admit it. He's Cute."
"Sabi ko na nga ba."
After ilang hours ng biyahe, Pumunta naman kami sa isang Temple...
Wow! Ang astig!!! Parang sa TV ko lang to' nakikita! Parang may mga Shao Lin Warriors sa loob! Umakyat kami sa Second floor at nakita namin yung malalaking Statue sa loob. As in! Sobrang Sobrang Laki!!!!!
Nag discuss lang sila ulit tapos may pinakita silang pictures sa amin,,, Pictures ng founder nila... Ganun... Basta parang pang Chineese ata yun?
Hindi rin naman kami nagtagal at bumalik na din kami sa Bus...
Marami pa kaming ibang napuntahan at ngayon, nakarating na kami sa Last Destination namin... Sa isang.... Resort.
Yup. Resort. gusto daw kasi nilang makapag relax kami or whatsoever... Kaya eto kami... 4:00 na din... Siguro mamaya pang 10pm ang alis namin...
Bumaba na kami at ang mga kaklase ko, parang ngayon lang nakakita ng dagat! Takbo na agad!
"Ang sarap ng hangin... Haay!" nag strech ng kamay si Chris sabay akbay sa akin...
"Ano ba Chris! Pinagt-tripan mo na naman ako eh!"tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko...
"Anong pinagt-tripan ka diyan? Hindi kaya.. Ui. Chiks! Wait lang Hon ah..."
"Hon ka diyan! Batok gusto mo?"
"Ayoko nga."
"Yun naman pala eh. Chupi!"
Lumapit naman si Chris dun sa mga babae sa ibang Section. Pumunta muna ako sa Cottage namin at inilagay dun ang gamit ko... Pagkatapos nun, nag bihis ako ng mas kumportableng damit. T-Shirt at Shorts lang naman. Umupo ako sa may dalampasigan at pinanuod ang mga kaklase ko... Ang saya saya nila... Naramdaman ko naman na parang may papalapit sa akin...
Hindi nga ako nagkamali.
"Glayza..."
[A/N: Okay... ang tanong! Sino tumabi kay Glayza? Hehe! To Be Continued! :P Thanks po sa pagbabasa!!! At sa mga nagvote, comment at nag add sa kani-kanilang mga Reading List!!! ^_^ I apprishiyeyt it bery mach! Haha! GoD Bless you all po! -Shimmer♥♥♥]
BINABASA MO ANG
The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)
RomancePaano kung ang isang GANGSTER at isang CASANOVA ay magkagusto sa isang babae na may PERFECT BESTFRIEND/ADMIRER Sinong mananalo? Isang Gangster na palaban at walang sinusukuan? Isang Casanova na determinadong makuha ang lahat ng gusto niya? o Isang M...