22|Truth or Dare|

599 7 3
                                    

Chris’ POV –The Casanova Prince-

-Airport-

Nandito ako ngayon at hinihintay si Mom at Dad. Maya-maya lang, napansin ko na papalapit sila sa akin.

“Chris, ang laki mo na anak!”-Mom

“Ma!!!”

“Oo nga, you’ve grown, son…”-Dad.

“Dad naman! Parang ang tagal nating hindi nagkita eh, 7 months lang naman kayo nawala.”

“Matagal din yun anak ha! Hindi mo man lang ba kami na miss!”-Mom

“Syempre namiss ko po kayo”-ako

“Siya nga pala Chris, how’s School?”-Dad

“Fine.”

"Barkada?"

"Fine."

"Teachers?"

"Fine."

“What about yung issues mo about having MANY Girlfriends…”-Mom

“Fi----Ma, You know it runs in the blood!”-ako

I glanced at my dad.

He looked away.

Guilty!

 >:)

“Tingnan mo ang natututunan ng anak mo sa’yo!” sabay hampas ni Mom kay Dad… :P

“Nagbago na ako!” depensa naman ni Dad.

“Whatever. You know what Chris, you should stop playing with girls.”

“Yea right, tara na nga.”

Seriously, when will she ever stop?

Hindi ba nila alam na karugtong nang pangalan ko ang pagiging Casanova? Palagi na lang niya akong sinesermonan tungkol sa pangbababae ko. 

So what? Is it my fault it’s fun?

Speaking of Pangbababae, Birthday pala ni Martin mamaya….  I’m sure marami na namang Chix doon! >:)

Nagsimula na akong mag drive papunta sa bahay nina Mom at Dad.

Yeah, magka iba kami ng bahay.

I don’t wanna live with them. They also said I should be independent…

Nung maihatid ko sila sa bahay nila, nagpaalam ako na may pupuntahan.

Pagkatapos, dumiretso na ako sa Bahay ni Martin.

Marie’s POV

Parang gusto kong matunaw ngayon, Habang pinagmamasdan ko si Ric na nakatingin sa akin.

Napatingin ako kay Luis, hindi pa niya napapansin si Ric, dahil nasa sulok siya.

Ibinaba ni Ric ang dala niyang mga bulaklak at naglakad paalis…

Agad naman akong tumakbo papunta sa direksyon ni Ric.

“Marie!” narinig kong tawag sa akin ni Luis pero hindi ko siya pinansin.

Kailangan kong maabutan si Ric. Hinabol ko siya hanggang sa napansin kong, wala na si Luis sa likod ko.

“RIC!”napalingon siya sa akin.

Ngumiti siya.

Isang malungkot na ngiti.

“Marie, nagkabati na pala kayo…. Mabuti naman…”

“Ric, sorry…”

“Para saan?”

Para saan? Sa totoo lang hindi ko din alam.

Pero hindi ko  maintindihan kung bakit pakiramdam ko, nagui-guilty ako.

Parang nasaktan ko siya.

Nasaktan ko si Ric.

“…”

“Ok lang Marie,,, Sana maging masaya ka ha… Isipin mo na lang na hindi tayo nagkakilala…” kumaway si Ric at umalis na.

Ano?

Ganun na lang yun?

Basta basta na lang niya ako iiwanan?

Bakit pakiramdam ko, malaki ang nawala sa akin dahil sa pag-alis niya?

Chris’ POV –The Casanova Prince-

-Martin’s House-

“Wooh! Pare Cheers!”

Pang pitong bote na ata ng beer ang naiinom ko.

Medyo nahihilo ako pero sa tingin ko, hindi pa naman ako lasing.

“Truth or Dare tayo!”-sigaw ni John. Kabarkada namin.

“Geh! / Game kami diyan! / Sure.”

“Okay, ako ang unang mags-spin.”

Iniikot ni John ang bote at tumapat ito kay Lydia, isa sa mga Girlfriend ni Martin.

“Oh, Lydia, Truth or Dare!!!”

“Dare!!!”

“Halikan mo si Martin!!!”

Walang pagdadalawang isip na  lumapit si Lydia kay Martin, niyakap niya ito at saka hinalikan sa labi. Naghiyawan naman ang mga tao….

“Happy Birthday Sweetie.”-bati ni Lydia kay Martin.

Lumapit na ulit sa amin si Lydia at nag spin…

At sa kasamaang palad…

“Wooo!!! Si Chris naman! Hahaha! Ang ultimate Casanova natin.”

“Woaah! Sige, Chris! Truth or Dare!”

“Dare.”

Bigla namang napa isip si Lydia.

“Hmm… Let’s see your power over girls. Nakikita mo ba yung babaeng yun…”sabay turo ni Lydia dun sa babaeng mag-isa sa table.

“What’s up with her?”

“Well, She’s Thea Victorina. Top 1 sa klase nina Martin. Mayaman siya, as you can see, Maganda kaya lang she's too... plain and simple..."

"I see. What else?"

"Well, Hinding hindi pa siya nagkakagusto sa lalaki. Not even once. So, Mr. Casanova, I dare you to make that girl fall for you."

Agad akong tumayo at lumapit sa babaeng yun.

"Piece of Cake."

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note: Waah... Feeling ko ang corny ng Chapter na ito... T_T

Pagtiyagaan niyo na.

Dedicated nga pala kay: akds9493  Thank you!! ^_^

The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon