***
Glayza's POV
O_O
Siya yung...
nakakatakot na lalaki sa School...
WAAH! Anong ginagawa niya dito? Kasama niya ba itong mga to?
"Wag ka ngang makisali dito! Nauna kami dito sa babaeng ito! Umalis ka na! Bago ka pa masaktan sa amin!"sabi nung lalaking humila sa akin dito.
"Hindi ako natatakot sa inyo."sabi nung nakakatakot na lalaki na parang wala lang...
"Talaga lang ha?!"susuntukin sana nung humila sa akin yung nakakatakot na lalaki sa School pero nakaiwas siya...
Lumapit na din yung tatlo para tulungan yung kasama nila habang yung isa naman ay nakahawak pa din sa akin...
Suntok, sipa...
Napapikit na lang ako...
First time to' nangyari sa akin... Sobrang kinakabahan talaga ako.
Habang Naririnig ko yung mga tunog sa paligid, mas lalo akong natatakot...
Lord! Iligtas niyo lang po ako dito, promise! Hindi na po talaga ako magpapagabi!
Nakapikit lang ako at naramdaman kong bumitaw na sa pagkakahawak yung lalaki sa akin... Anong nangyari? Bakit wala na akong naririnig na kahit anong ingay? Iminulat ko ang mga mata ko at...
"Wala naman pala kayong binatbat sa akin eh..."pinunsasan niya yung dugong nagngingilid sa labi niya.
"Tara." hinawakan niya ang kamay ko at inilayo doon sa lugar na iyon.
Grabe. Ligtas na kami. Thank you Lord! Pero, teka, pasaan ba ito pupunta?
"O-oi! Saan mo naman ako dadalhin?"
"..."
"Ui!"
"..."
"Wag mong sabihing katulad ka rin ng mga iyon?" AAHHH! Hindi nga kaya? T_T Nakakatakot pa din ang aura niya. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.
"..."
"AAAHH! Tulunga---hmfff" sisigaw sana ako ng tulong pero tinulak niya ako sa may pader at tinakpan ang bibig ko.
"Tumahimik ka nga! Sino ba kasing Tat*nga T*ngang babaeng umuuwi ng ganitong oras ha?!"inalis na niya yung pagkakatakip sa bibig ko at naglakad palayo. Ako naman, nandun lang. Nabigla kasi ako sa kanya. Napaupo na lang ako at umub-ob. Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin. Bumalik siya?
"Tumayo ka nga diyan!"
Umiling lang ako habang nakaupo pa din at naka ub-ob.
"Tumayo ka nga sabi eh!"
"Ayaw."
"Tsk! Makulit ka ha!"
O_O
"WAAAH! Ibaba mo ako! Ibaba mo ako!" binuhat ba naman ako?!
"Manahimik ka nga! Nakakairita ka na ah!"
"Ibaba mo nga ako! Ano ba!"
Hindi niya ako pinansin at ibinaba niya lang ako sa tapat ng isang color black na kotse. Kaniya ba ito? Wow....
"Sakay."
"Ha?"
"Sakay sabi eh!"
"Ayoko nga! Baka kung ano pang gawin mo sakin!"
BINABASA MO ANG
The Best Prince for the Perfect Princess (On-Hold)
RomancePaano kung ang isang GANGSTER at isang CASANOVA ay magkagusto sa isang babae na may PERFECT BESTFRIEND/ADMIRER Sinong mananalo? Isang Gangster na palaban at walang sinusukuan? Isang Casanova na determinadong makuha ang lahat ng gusto niya? o Isang M...